Kastanyo (hazel)
- Para sa ibang gamit, tingnan ang kastanyo (paglilinaw).
Kastanyo | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Rosids |
Orden: | Fagales |
Pamilya: | Betulaceae |
Subpamilya: | Coryloideae |
Sari: | Corylus L. |
Species | |
Tingnan ang teksto |
Ang kastanyo (Kastila: castaño; Ingles: hazel o Corylus) ay isang uri ng puno o bunga nito.[1] Ibinibilang ang mga puno at palumpong na ito sa pamilyang Betulaceae[2][3][4][5] bagaman inilalagay din sila ng ibang mga botaniko sa pamilya ng mga Corylaceae.[6][7]
Mga ka-uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]May 14 hanggang 18 espesye ang mga kastanyo, na kabilang ang mga sumusunod:[4][8][9][10] Pinagsama-sama ang mga uri ayon sa ibaba:
- May mga bungang mani na may malambot at madahong kabalatan (involucre o husk. Mga masangang palumpong na umaabot hanggang 12 metro ang taas.
- Mga may maikling kabalatang pang-mani, na kasinghaba ng pinaka-mani.
- Corylus americana — American Hazel, sa hilaga at silangang Amerika.
- Corylus avellana — Common Hazel, sa Europa at kanlurang Asya.
- Corylus heterophylla — Asian Hazel, sa Asya.
- Corylus yunnanensis — Yunnan Hazel, sa gitna at katimugang Tsina.
- Mga may mahabang involucre, halos dalawang-haba o higit pa kaysa pinaka-mani, kung kaya nagkakaroon ng pinaka-tuka.
- Corylus colchica — Colchican Filbert, sa Caucasus.
- Corylus cornuta — Beaked Hazel. sa Hilagang Amerika.
- Corylus maxima — Filbert, sa katimugang-silangan ng Europa at katimugang-kanluran ng Asya.
- Corylus sieboldiana — Asian Beaked Hazel, sa Hilagang-silangan ng Asya at Hapon (kilala rin bilang C. mandshurica).
- Mga may maikling kabalatang pang-mani, na kasinghaba ng pinaka-mani.
- Mga may maning hindi nabibilutan ng matigas at matutulis na involucre. Mga may nag-iisang sangang mga puno na tumataas mula 20 hanggang 35 metro.
- Mga may bahagyang-matutulis na involucre at tila-glandulang mga buhok.
- Corylus chinensis — Chinese Hazel, sa kanluran ng Tsina.
- Corylus colurna — Turkish Hazel, sa timog-silangang Europa at Asia Minor.
- Corylus fargesii — Farges' Hazel, sa kanlurang Tsina.
- Corylus jacquemontii — Jacquemont's Hazel, sa Himalaya.
- Corylus wangii — Wang's Hazel, Silangang-kanluran ng Tsina.
- Mga may makapal na tulis na involucre, na kawangis ng katangian ng bungang-mani (may burr) ng kastanyas.
- Corylus ferox — Himalayan Hazel, sa Himalaya, Tibet at timog-kanlurang Tsina(ibang katawagan: C. tibetica).
- Mga may bahagyang-matutulis na involucre at tila-glandulang mga buhok.
Mayroon ding mga hybrid, na maaaring lumitaw sa pamamagitan ng pagsasanib ng dalawang uri mula sa loob ng bahagi ng mga genus, katulad ng: Corylus × colurnoides (C. avellana × C. colurna).
Mga gamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakakain ang mga mani ng lahat ng mga kastanyo. Pinakamadalas na itinatanim ang pangkaraniwang kastanyo oara sa mga bungang-mani nito na sinusundan ng Filbert. Inaani rin ang mga maning bunga ng ibang mga uri, subalit bukod sa dalawang nabanggit, wala nang ibang masasabing may kahalagahang pangkalakal.[5]
May ilang mga cultivar ng Common Hazel at Filbert na inaalagaan upang maging mga halamang pandekorasyon (ornamental plant) para sa mga hardin, kabilang na ang mga may mga balu-baluktot na mga katawan. Halimbawa ng mga ito ang C. avellana 'Contorta' (na mas kilala sa pangalang "Harry Lauder's walking stick" dahil sa kaniyang itsura); ang mga may lumuluhang mga sanga katulad ng C. avellana 'Pendula'); at ang mga may purpurang dahon, tulad ng C. maxima 'Purpurea'.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
- ↑ Germplasm Resources Information Network: Corylus Naka-arkibo 2009-01-14 sa Wayback Machine.
- ↑ Chen, Z.-D. et al. (1999). Phylogeny and evolution of the Betulaceae as inferred from DNA sequences, morphology, and paleobotany. Amer. J. Bot. 86: 1168–1181. Available online.
- ↑ 4.0 4.1 Rushforth, K. (1999). Trees of Britain and Europe. Collins ISBN 0-00-220013-9.
- ↑ 5.0 5.1 Huxley, A., ed. (1992). New RHS Dictionary of Gardening. Macmillan ISBN 0-333-47494-5.
- ↑ Bean, W. J. (1976). Trees and Shrubs Hardy in the British Isles 8th ed., vol. 1. John Murray ISBN 0-7195-1790-7.
- ↑ Erdogan, V. & Mehlenbacher, S. A. (2002). Phylogenetic analysis of hazelnut species (Corylus, Corylacae) based on morphology and phenology. Sist. Bot. Dergisi 9: 83–100.
- ↑ Kew Checklist: Corylus[patay na link]
- ↑ Mga halaman sa Tsina: Corylus
- ↑ Mga halaman mula sa Hilagang Amerika: Corylus