Pumunta sa nilalaman

Kalangay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Katala (cockatoo))

Katala
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Subpamilya:
Sari:
Subgenus:
Espesye:
C. haematuropygia
Pangalang binomial
Cacatua haematuropygia
Cacatua haematuropygia

Ang kalangay[1] (tinatawag ding abukay;[2] Cacatua haematuropygia[3]; Ingles : Philippine cockatoo o red-vented cockatoo), ay isang uri ng lorong katala (cockatoo), na halos kasing-laki at kasing-hugis ng Goffin's cockatoo. Madaling makilala ang ibong ito dahil sa kaniyang mapulang hingahan at tuka. Isa itong katutubong hayop ng Pilipinas, na naninirahang may maliit na mga bilang sa mga pulo ng Palawan, Tawitawi, Mindanao at Masbate.[4]

May huning katulad ng iyak ng mga kambing ang katalang Cacatua haematuropygia, at may gawang-tunog din na pasipol at katulad ng preno, na karaniwan naman sa lahat ng mga abukay. Subalit mas tahimik ito kung ihahambing sa umbrella cockatoo o Moluccan cockatoo.[4]

Ilan sa mga lumang katawagang pang-agham ng katala ng Pilipinas na ito ang mga sumusunod: Psittacus haematuropygius, Psittacus haematuropygia, at Kakatoe haematuropygia[4]

Lubhang nanganganib ang ibong itong mawala sa ibabaw ng mundo. Bumababa ang kanilang mga bilang dahil sa mga bawal na pag-huli upang matugunan ang pangangalakal ng mga alagang-hayop na pambahay at pandekorasyon. Nagkakahalaga ang bawat katala ng $ 160 sa Maynila noong 1997, kung kaya't kinukuha ang mga sisiw nito kahit saan man mamugad. Nakabawas din sa mga bilang nila ang pagkawala ng kanilang mga likas na tahanan. Tinatayang mayroon lamang na kumulang sa 4,000 mga abukay sa kasalukuyan.[4][5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Almario, Virgilio, pat. (2010). "kalangay, abukay". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Almario, Virgilio, pat. (2010). "abukay, Philippine cockatoo". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Lexicon Foundation Dutch Parrot Refuge, papegaai.org". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-01-25. Nakuha noong 2008-02-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 ""Cacatua haematuropygia", Arkive.org". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-10-07. Nakuha noong 2008-02-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. BirdLife International (2004). Cacatua haematuropygia. Talaang Pula ng IUCN ng mga Nanganganib na mga Uri. IUCN 2006. Nakuha noong 11 May 2006. Kasama sa talaang ito ang isang mapa nagpapakita ng tirahan ng mga lorong ito, at maging ang dahilan at mga pamantayan kung bakit ang mga ibong ito ay nasa peligro ng pagkawala sa mundong ibabaw

Mga talaugnayang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]