Katedral ni San Patricio, Karachi
Katedral ni San Patricio | |
---|---|
Relihiyon | |
Pagkakaugnay | Katoliko Romano |
Distrito | Arkidiyosesis ng Karachi |
Pamumuno | Kardinal Joseph Coutts |
Taong pinabanal | 1881 |
Lokasyon | |
Lokasyon | Karachi, Pakistan |
Arkitektura | |
(Mga) arkitekto | Father Karl Wagner, SJ |
Istilo | Neogotiko |
Groundbreaking | 1879 |
Mga detalye | |
Kapasidad | 1500 |
Haba | 52 metres |
Lapad | 22 metro |
Websayt | |
archdioceseofkarachi.org |
Ang Katedral ni San Patricio ay ang liklukan ng Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng Karachi, at ito ay matatagpuan malapit sa Merkadong Empress sa pook ng Saddar sa sentrong Karachi. Ang simbahan ay nakumpleto noong 1881, at kayang tumanggap ng 1,500 tagasamba. Sa harapan ng katedral ay ang Monumento sa Kristong Hari, na itinayo sa pagitan ng 1926 at 1931 upang gunitain ang Heswitang misyon sa Sindh.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang simbahan sa Sindh, na tinawag na Simbahan ni San Patricio, ay itinayo sa bakuran ng katedral noong 1845 bilang isang misyon sa Carmelita sa halagang 6,000 rupees sa pamumuno ng unang pari ng Carmelita ng Karachi na si Padre Casaboch.[2] Habang lumalaki ang populasyong Katoliko sa lungsod, ang mga Katoliko ng lungsod ay nagtipon ng pera para sa pagtatayo ng isang bagong simbahan. Ginawa ang unang paghuhukay noong 1878, at ang simbahan ay ikinonsagrado noong Abril 24, 1881.[3] Sa kabila ng pagtatayo ng bagong gusali, ang maliit na simbahan ay nagpatuloy na umiral hanggang sa ito ay nawasak ng isang bagyo noong 1885.
Disenyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kasalukuyang katedral ay itinayo sa arkitekturang Neogotiko; may sukat ito ng 52 metro ng 22 metro, at may kakayahang tumanggap ng hindi bababa sa 1,500 na mga sumasamba nang sabay. Ang disenyo at pagsasakatuparan nito ay buhat ng tatlong miyembro ng Kapisanan ni Hesus: Ang disenyo ng katedral ay inisip ng arkitektong si Padre Karl Wagner, SJ at ang konstruksiyon ay pinangasiwaan ng laikong Kapatid na sina George Kluver, SJ at Herman Lau, SJ.[4][5][6]
Modernong panahon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1978 ipinagdiriwang ng katedral ang ika-100 taong nito. Naglabas ang Koreo ng Pakistan ng espesyal na pang-alaalang selyo sa okasyon.[7] Nagpadala si Papa Juan Pablo I ng mga espesyal na pagbati at pagpapala sa okasyon.
Noong Nobyembre 1991 ang katedral ay binisita ni Madre Teresa ng Calcutta. Nagsalita din sa okasyon si Kardinal Joseph Cordeiro ng Karachi.[8]
Isang bomba ang sumabog sa loob ng Katedral na nagdulot ng pinsala at pagkasira. Ang pagsabog noong Disyembre 22, 1998, ay nangyari ilang minuto pagkatapos ng pagdiriwang ng kongregasyon ng Misa. Karamihan sa mga tao ay nakaalis na nang sumabog ang bomba. Isang babae ang nasugatan at mayroong bahagyang pinsala sa loob ng 120-taong-gulang na Katedral.[9]
Ang bakuran ng katedral ay pinalamutian ng isang marmol na Monumento sa Kristong Hari, na itinayo noong 1931 upang gunitain ang alaala ng Misyong Heswita sa Sindh.[3]
Noong 2003, idineklara ang katedral bilang isang protektadong bantayog dahil sa natatanging kagandahang arkitektura nito sa ilalim ng Batas Proteksiyon ng Pamanang Kultural ng Sindh.[10]
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Monumento sa Kristong Hari, kasama ang Katedral ni San Patricio
-
Loob ng katedral
-
Ang dambana
Mga Kura Paroko
[baguhin | baguhin ang wikitext]- P. Francis Casabosch OCD 1844-47[7]
- P. J. Lopez 1847-50
- P. G. D'Silva 1850
- P. P. Ireneus OCD 1850-51
- P. Joh Chrysostomus OCD 1852-52
- P. Andres Jesu Mariae OCD 1853-53
- P. RJ Periston1854-55
- P. P. Felix O. Cap. 1855-58
- P. P. Raphael O. Cap. 1858-59
- P. George Bridges SJ 1859
- P. G. Strickland SJ 1859
- P. Joseph Willy SJ 1859-65
- P. Basilius Haefly SJ 1865-1867
- P. Anselm Leiter SJ 1867-68
- P. Nicolas Pagani SJ 1868-72
- P. George Bridges SJ 1872-74
- P. Joseph Nueckel SJ 1874-76
- P. Francis Belz SJ 1876-87
- P. A. Bruder SJ 1887-94
- P. H. Jurgens SJ 1894-97
- P. T. Peters SJ 1897-1900
- P. JB Schroeter SJ 1900-10
- P. C. Gertler SJ 1910
- P. A. Gyr SJ 1910-16
- P. D. Lynch SJ 1916-18
- P. E. Farrell SJ 1918-20
- P. S. Boswin SJ 1920-22
- P. J. Meyer SJ 1922-23
- P. Vincent Gimenez SJ 1922-35
- P. Valens Wienk OFM 1935-36
- P. Salesius Lemmens OFM 1936-38
- P. Alcuinus van Miltenburg OFM 1938-40
- P. Achilles Meersman OFM 1940-41
- P. Alcuinus van Miltenburg OFM 1941-43
- P. Floregius Rypma OFM 1943-55
- P. Modestine Pöttgens OFM 1955-1966
- P. Francis de Souza 1966-1975[11]
- P. Robert D'Silva 1975-1983
- P. Anthony Martis 1983-1992
- P. James DeSouza 1992-2000
- P. Achilles DeSouza 2000-2001
- P. Joseph D'Mello 2001-2007
- P. Edward Joseph 2007-2014[3]
- P. Mario A. Rodrigues 2014-2019[12]
- P. Saleh Diego 2019 -
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Colgrove, Rosemary (2010). Eye on the Sparrow: The Remarkable Journey of Father Joseph Nisari, Pakistani Priest (sa wikang Ingles). Hillcrest Publishing Group. ISBN 978-1-936400-87-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Doyle, Patrick (1898). Indian Engineering (sa wikang Ingles).
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Dawn 18 August 2015
- ↑ "Jesuit Institutions in Pakistan". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-30. Nakuha noong 2020-11-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Heritage: Standing tall (The last of the great churches that were constructed in Karachi, St Patrick’s Cathedral) Dawn (newspaper), Published 25 December 2011, Retrieved 12 August 2020
- ↑ Nearly 70% Pakistanis support Christians to build churches in Pakistan Naka-arkibo 2012-03-17 sa Wayback Machine. in; Pakistan Daily
- ↑ 7.0 7.1 Ali, G. and Ali, M. St. Patrick’s: A journey of 175 years. Archdiocese of Karachi, 2018.
- ↑ "UCANews November 05 1991". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-03-08. Nakuha noong 2020-11-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ National Catholic Reporter January 08, 1999
- ↑ Dawn January 1, 2003
- ↑ "Karachi Archdiocese Celebrates Golden Jubilee Of Service".
- ↑ UCANews 15 March 2016