Katholieke Universiteit Leuven

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Artes - Ladeuze Library

Ang Katholieke Universiteit Leuven[1] (lit. Katolikong Unibersidad ng Leuven"[2]), dinadaglat na KU Leuven[1] at kilala rin bilang Unibersidad ng Leuven, ay isang unibersidad sa pananaliksik sa Leuven, isang bayan na nagsasalita ng Dutch sa rehiyon ng Flanders, Belhika. Ito ay nagsasagawa ng mga pagtuturo, pananaliksik, at serbisyo sa agham, inhinyeriya, humanidades, medisina, batas, at agham panlipunan.

Bilang karagdagan sa pangunahing kampus nito sa Leuven, ito ay may mga satellite campus sa Kortrijk, Antwerp, Ghent, Bruges, Ostend, Geel, Diepenbeek, Aalst, Sint-Katelijne-Waver, at sa kabisera ng Belgium na Brussels.[2] Ang KU Leuven ay ang pinakamalaking unibersidad sa Belhika at Mabababang Bayan. (Noong 2014-15, higit sa 55,000 mag-aaral ay nakaenrol dito.) Ang pangunahing wika ng pagtuturo ay Dutch, habang ang ilang mga programa ay itinuturo sa Ingles, lalo na sa postgraduate degree.[3]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]