Pumunta sa nilalaman

Katinig na glotal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mga katinig na glotal ay katinig na gumagamit ng tagukan bilang kanilang pangunahing artikulasyon. Maraming dalubponetika ang nagtuturing sa mga ito, o lalo na sa glotal prikatibo, bilang mga pansamantalang estado ng tagukan na walang tiyak na punto ng artikulasyon tulad ng ibang katinig, samantalang ang ilan[sinong nagsabi?] ay hindi ito itinuturing na katinig sa anumang aspekto. Gayunpaman, ang mga katinig na glotal ay kumikilos bilang karaniwang katinig sa maraming wika. Halimbawa, sa Pampanatikang Arabe, karamihan ng mga salita ay nabubuo mula sa isang ugat na K-K-K na binubuo ng tatlong katinig, na isinasama sa mga suleras tulad ng /KaːKiK/ o /maKKuːK/. Ang mga katinig na glotal na /h/ at /ʔ/ ay maaaring pumuno sa alinman sa tatlong puwang ng ugat na katinig, tulad ng mga 'karaniwang' katinig gaya ng /k/ o /n/.

Ang mga katinig na glotal sa Internasyonal na Ponetikong Alpabeto ay ang mga sumusunod:

Paglalarawan Halimbawa
Wika Ortograpiya Kahulugan
ʔ Hintong glotal Hawaiʻi [həˈvɐjʔi, həˈwɐjʔi]
ɦ hingal na tinig na glotal na prikatibo Praha [ˈpra.ɦa]
h walang tinig na glotal na prikatibo Ingles [ˈhæt]
ʔ͡h walang tinig na glotal na afrikada Diyalektong Yuxi [ʔ͡ho˥˧]
ʔ̞ matinig na glotal na aproksimante [oʔ̞o]