Pumunta sa nilalaman

Katinig na pasutsot

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Katinig na pakiskis)

Sa ponetika, katínig na pasutsót o prikatíbo ang katinig na nabubuo sa pamamagitan ng pagpuwersa sa daloy ng hangin sa isang makitid na lagusan na resulta ng pagkiskis ng dalawang artikulador sa isa't-isa.[1] Maaaring magmula ito sa kiskisan ng parehong labi kagaya ng kaso ng [f], ang likurang bahagi ng dila sa ngala-ngala tulad sa [x] na makikita bilang ch sa apelyidong Bach, o di kaya'y ang gilid ng dila sa likurang ngipin tulad sa ll sa salitang Gales na Llanelli. Tinatawag ang prosesong ito bilang prikasyón.

Kabilang sa mga katinig na pasutsot ang mga sibilante, na nabubuo sa pamamagitan ng pagkitid sa daanan ng hangin habang nakapatag ang dila upang gabayan ang hangin palabas. Ilan sa mga halimbawa nito ang [s z ʃ ʒ].[1]

May dalawang katutubong katinig na pasutsot sa wikang Tagalog: [s h] (hal. salita, halik). Makikita sa mga hiram na salita ang [f v z ʃ] (hal. fengshui, valid, zoo, shabu) na opisyal na bahagi ng pamantayang anyo nito na Filipino maliban sa [ʃ], na hindi kinokonsiderang isang hiwalay na titik.

Pinaniniwalaan na ang wikang Ubykh ang nagtataglay sa pinakamaraming katinig na pasutsot (29, hindi kasama ang /h/) bago itong tuluyang mamatay noong 1992; ilan pa nga sa mga ito ang walang kaakibat na simbolo o tuldik sa IPA. Ikumpara ito sa tinatayang 8.7% ng mga wika sa mundo ang walang ponemikong katinig na pasutsot,[2] lalo na sa mga katutubong wika sa Australia, kung saan pawang nagmumula ang mga kaunting katinig na pasutsot, kung meron man, sa paglipat ng tunog ng mga katinig na pasara o padulas; nangyayari rin ito sa ilang mga wika sa Bagong Ginea at sa Timog Amerika. Gayunpaman, bagamat walang /h/ sa kahit anong mga katutubong wika ng Australia, nagpapakita pa rin ito sa mga imbentaryo ng ibang mga wika na walang tunay na katinig na pasutsot.

Tipikal na makikita ang mga wikang nagtatangi sa mga katinig na pasutsot batay sa tunog sa mga kontinente ng Europa, Aprika, at Kanlurang Asya. Kadalasang wala sa mga wika ng Timog at Silangang Asya (kagaya ng wikang Mandarin, Koreano, at mga wikang Austronesyo) ang mga matunog na katinig na pasutsot tulad ng [z] at [v]. Pawang mga alopono naman ang mga ito sa ilang mga wikang Drabida ng India. Medyo bihira rin ang mga matunog na katinig na pasutsot sa mga katutubong wika ng Kaamerikahan. Sa pangkalahatan, mas bihira sa mga wika na itangi ang mga katinig na pasutsot batay sa tunog kesa sa mga pasara, na makikita lamang sa tinatayang katlo ng lahat ng mga wika sa mundo kumpara sa 60% sa mga katinig na pasara.[3] Sa kabaligtaran naman, nasa 15% naman ng mga wika ang nagtataglay ng matunog na katinig na pasutsot ngunit walang kapares na walang tunog na katinig na pasutsot. Sa mga ito, nasa 2/3 ang nagtataglay ng ganitong sistema nang walang kahit anong pagtatangi.[4]

Pulmonikong katinig

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nahahati ang mga pulmonikong katinig na pasutsot sa dalawa: mga sibilante at di-sibilante, bagamat karaniwang tinatangi lamang ang mga ito para sa mga lugar ng artikulasyon kung saan posible ang dalawang ito, kagaya halimbawa sa ngipin. Ipinapakita sa susunod na talahanayan sa baba ang mga ito; para sa bawat uri, nasa taas ang di-matunog na anyo nito habang nasa baba ang matunog na anyo nito. Nakalista ang mga ito batay sa lugar mula labi papaloob sa lalamunan.

PangalanIPA Halimbawa
Wika Salita Kahulugan Bigkas
Katinig na pasutsot sa parehong labi ɸ Hapones 腐敗 fuhai 'bulok' [ɸɯhai]
β Portuges (Europeo) sábado 'Sabado' [ˈsaβɐðu]
Katinig na pasutsot sa labi-ngipin f Olandes fiets 'bisikleta' [fiːts]
v Ingles valve 'tubo' [væɫv]
Katinig na pasutsot sa labi-dila θ̼ Big Nambas ? 'hika' [ˈinɛθ̼]
ð̼ Tangoa ? 'bato' [ð̼atu]
Katinig na pasutsot sa labi't paleta ɥ̊ Breton ? 'kusina niya' [babae] [i ˈçᶣizin]
Katinig na pasutsot sa labi't ngala-ngala ʍ Persa (Klasiko) خواستن xwâstän 'nais' [xʷɑːs.ˈtan]
Sibilanteng katinig na pasutsot sa ngipin Mandarin sān 'tatlo' [s̪a̋n]
Pranses zèbre 'sebra' [z̪ɛbʁ]
Di-sibilanteng katinig na pasutsot sa ngipin θ Swahili thamini 'halaga' [θɑˈmini]
ð Arabo ذهب dhahab 'ginto' [ˈðæhæb]
Katinig na pasutsot sa ngipin pagilid ɬ̪ Noruwego (Trondheim) sælt 'naibenta' [s̪aɬ̪t̪]
Katinig na pasutsot sa parehong ngipin h̪͆ Adyghe дахэ daxɛ 'maganda' [daːh̪͆a]
Katinig na pasutsot sa ngipin-labi Groenlandes tassa aajufffa 'ayun na' [tasːa aːjuf͆ːˠa]
Sibilanteng katinig na pasutsot sa gilagid s Tagalog lasa [ˈlasɐ]
z Malay beza 'pagkakaiba' [bezə]
Di-sibilanteng katinig na pasutsot sa gilagid θ̠ Islandes þú 'ikaw' [θ̠uː]
ð̠ Tseko čtyři 'apat' [ˈt͡ʃtɪɹ̝ɪ]
Katinig na pasutsot sa gilagid pagilid ɬ Gales tegell 'takure' [ˈtɛɡɛɬ]
ɮ Zulu ukudla 'kumain' [úɠùːɮá]
Sibilanteng katinig na pasutsot sa likurang gilagid ʃ Tagalog siya [ʃa]
ʒ Eslobako žena 'babae' [ʒena]
Di-sibilanteng katinig na pasutsot sa likurang gilagid ɹ̠̊˔ Ingles (RP) crew 'kasamahan' [kɹ̝̠̊ʊu̯]
ɹ̠˔ Olandes meer 'lawa' [meːɹ̠˔]
Sibilanteng katinig na pasutsot sa dilang pulupot ʂ Ukranyo шахи šahy 'ahedres' [ˈʂɑxɪ]
ʐ Polako żona 'asawang babae' [ˈʐ̻ɔn̪ä]
Di-sibilanteng katinig na pasutsot sa dilang pulupot ɻ̊˔ Ormuri suř 'pula' [suɻ̝̊]
ɻ˔ Ingles (Timog Aprika) red 'pula' [ɻ˔ed]
Katinig na pasutsot sa dilang pulupot pagilid Toda ? 'lambak' [paɭ̊]
𝼅 Ao liru 'kumpas' [li𝼅u]
Katinig na pasutsot sa paleta't gilagid ɕ Danes sjæl 'kaluluwa' [ˈɕeːˀl]
ʑ Kastila (Paraguay) carro 'sasakyan' [ˈkaʑo]
Katinig na pasutsot sa paleta ç Unggaro kapj 'kunin' [ˈkɒpç]
ʝ Italyano (Timog) figlio 'anak na lalaki' [ˈfiʝːo]
Katinig na pasutsot sa paleta pagilid 𝼆 Turko dil 'dila' [ˈd̟iʎ̟̊]
ʎ̝ Jebero ? 'eskopeta' [iˈʎ̝apa]
Tunog sj ɧ Suweko en skjorta 'isang damit' [ɛŋˈɧʊʈːa]
Katinig na pasutsot sa ngala-ngala x Afrikaans groot 'malaki' [xrʊət]
ɣ Griyego γάλα gála 'gatas' [ˈɣala]
Katinig na pasutsot sa ngala-ngala pagilid 𝼄 Wahgi nòⱡ 'tubig' [no𝼄˩]
ʟ̝ Archi наӏлъдут naydut 'bughaw' [naʟ̝dut]
Katinig na pasutsot sa tilao χ Gales chwech 'anim' [χweːχ]
ʁ Ebreo עוֹרֵב orev 'uwak' [ʔoˈʁ̞ev]
Katinig na pasutsot sa lalaugan ħ Maltes wieħed 'isa' [wiːħet]
ʕ Danes ravn 'uwak' [ʕ̞ɑ̈wˀn]
Katinig na pasutsot sa tagukan h Tagalog tahimik [tɐˈhimɪk]
ɦ Koreano 여행 yeohaeng 'lakbay' [jʌɦεŋ]

Di-pulmonikong katinig

[baguhin | baguhin ang wikitext]
PangalanIPA Halimbawa
Wika Salita Kahulugan Bigkas
Palabas na katinig na pasutsot sa parehong labi ɸʼ Yuchi f̓asę 'magandang gabi' [ɸʼasẽ]
Palabas na katinig na pasutsot sa labi-ngipin Yap f'aang 'igat' [fʼaːŋ]
Palabas na katinig na pasutsot sa ngipin θʼ Yap th'abii 'pinaka' [θʼabiː]
Palabas na katinig na pasutsot sa gilagid Hausa tsutsa 'bulate' [sʼusʼa]
Palabas na katinig na pasutsot sa gilagid pagilid ɬʼ Tlingit lʼook 'isda' [ɬʼuːk]
Palabas na katinig na pasutsot sa likurang gilagid ʃʼ Gullah shew 'mag-ahit' [ʃʼɛw]
Palabas na katinig na pasutsot sa dilang pulupot ʂʼ Keres sr'aatsi 'napilas' [ʂʼɑːtsi]
Palabas na katinig na pasutsot sa paleta ɕʼ Kabardino пщӀы pśʼy 'sampu' [pɕʼə]
Palabas na katinig na pasutsot sa ngala-ngala Tlingit xʼáaxʼ 'mansanas' [xʼáːxʼ]
Palabas na katinig na pasutsot sa tilao χʼ Dakota haŋȟʼáŋna 'umaga' [hãχʼã.na]
  1. 1 2 Ladefoged, Peter; Maddieson, Ian (1996). The Sounds of the World's Languages [Ang mga Tunog ng mga Wika ng Mundo] (sa wikang Ingles). Oxford, Inglatera: Blackwell. ISBN 0-631-19815-6.
  2. Maddieson, Ian (2013). Dryer, Matthew S.; Haspelmath, Martin (mga pat.). "Absence of Common Consonants" [Kawalan ng mga Karaniwang Tunog]. WALS Online (sa wikang Ingles). doi:10.5281/zenodo.13950591. Nakuha noong 23 Pebrero 2026.
  3. Maddieson, Ian (2005). "Voicing in Plosives and Fricatives" [Tunog sa mga Katinig na Papigil at Pakiskis]. The World Atlas of Language Structures [Ang Atlas ng Mundo sa mga Estraktura ng Wika] (sa wikang Ingles). Oxford: Oxford University Press. pp. 26–29. ISBN 0-19-925591-1.
  4. Maddieson, Ian (1984). Patterns of Sounds [Mga Pattern ng Tunog] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. ISBN 0-521-26536-3.