Pumunta sa nilalaman

Katinig sa lalaugan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa ponetika, katínig sa lalaúgan, paringál, o epiglotál ang mga katinig sa lalamunan na nabubuo gamit ang likurang bahagi ng dila na umuurong sa lalaugan.[1] Una itong tinukoy sa Internasyonal na Ponetikong Alpabeto (IPA) noong 1989 bilang pagtatangi sa mga katinig na pasutsot sa naturang lugar ng artikulasyon. Karaniwan itong makikita sa mga wika sa Gitnang Silangan, Hilagang Aprika, Sungay ng Aprika, Kaukasya, at ilang mga wikang katutubo sa kanlurang Canada, partikular na sa British Columbia.

Pawang mga pulmonikong katinig lamang ang mga katinig sa lalaugan. Nasa talahanayan sa baba ang mga pulmonikong katinig sa lalaugan na may kaakibat na simbolo sa Internasyonal na Ponetikong Alpabeto. Nahahati ito sa mga grupo ayon sa lugar ng artikulasyon. Para sa bawat pares, nasa taas ang di-matunog na anyo habang nasa baba naman ang matunog.

Pangalan IPA Halimbawa
Wika Salita Kahulugan Bigkas
Katinig na pasara sa lalaugan ʡ Archi гӀарз g'arz 'reklamo' [ʡarz]
—
Katinig na pasara-sutsot sa lalaugan ʡʜ —
ʡʢ Somali cad 'puti' [ʡ͜ʢaʔ͜t]
Katinig na pasutsot sa lalaugan ħ Maltes wieħed 'isa' [wiːħet]
ʕ Danes ravn 'uwak' [ʕ̞ɑ̈wˀn]
Simpleng katinig na pakatal sa lalaugan —
ʡ̮ —
Matinding katinig na pakatal sa lalaugan ʜ Amis tihi 'asawang babae' [tiʜiʔ]
ʢ —
  1. ↑ Ladefoged, Peter; Maddieson, Ian (1996). The Sounds of the World's Languages [Ang mga Tunog ng mga Wika ng Mundo] (sa wikang Ingles). Oxford, Inglatera: Blackwell. ISBN 0-631-19815-6.