Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng Napoles

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Arkidiyosesis ng Napoles
Archidioecesis Neapolitana
Arcidiocesi di Napoli
Kinaroroonan
BansaItalya
Lalawigang EklesyastikoNapoles
Estadistika
Lawak274 km²
Populasyon
- Kabuuan
- Katoliko
(noong 2013)
1,744,000
1,715,000 (98.3%)
Parokya287
Kabatiran
DenominasyonKatoliko Romano
RituRomanong Rito
Itinatag na
- Diyosesis

Unang siglo
KatedralCattedrale di Maria SS. Assunta
PatronAspren
Genaro
Kasalukuyang Pamunuan
PapaFrancisco
ArsobispoCrescenzio Sepe
Katulong na ObispoLucio Lemmo
Gennaro Acampa
Salvatore Angerami (Seminary Rector; Auxiliary Bishop-elect)[1]
Website
www.chiesadinapoli.it

Ang Katoliko Romanong Arkidiyosesis ng Napoles (Italyano: Arcidiocesi di Napoli; Latin: Archidioecesis Neapolitana) ay isang Katoliko Romanong Arkidiyosesis sa katimugang Italy, ang luklukan ay nasa Napoles. Isang pamayanang Kristiyano ang itinatag doon noong ika-1 siglo AD at ang diyosesis ng Naples ay iniangat sa antas ng isang Arkidiyosesis noong ika-10 siglo.[2][3] Dalawang Arsobispo of Napoles ang nahalal na Papa, Pablo IV at Inocencio XII.[4][5]

Noong 2004 may mga 1,600,000 katao ang naitalang nabinyagang nasasakupan nito.[2]

Ang kasalukuyang ordinaryo ng Arkidiyosesis ng Napoles ay si Kardinal Crescenzio Sepe. Sina Lucio Lemmo at Gennaro Acampa ay mga katuwang na obispo.[2]

Sa paunang salita sa Summa Theologica, ang tanyag na buod teolohiko ng mga doktrina ng Simbahang Katolika, kung saan matatagpuan ang talambuhay ng may-akda, na si Saint Thomas Aquinas, nabanggit na inalok sa kaniya ang posisyon ng Arsobispo ng Napoles (noong 1200s), na kahit noon ay isa sa mga pinakatanyag na arkidiyosesis, ngunit tinanggihan niya ito.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. http://press.vatican.va/content/salastampa/en/bollettino/pubblico/2014/09/27/0679/01510.html
  2. 2.0 2.1 2.2 "Archdiocese of Napoli {Naples}" Catholic-Hierarchy.org. David M. Cheney. Retrieved February 29, 2016
  3. "Metropolitan Diocese of Napoli" GCatholic.org. Gabriel Chow. Retrieved February 29, 2016
  4. Loughlin, James (1911). "Pope Paul IV". Catholic Encyclopedia. New York: Robert Appleton Company. Tinago mula sa orihinal noong 9 August 2014. Nakuha noong 9 August 2014.
  5. Ott, Michael (1910). "Pope Innocent XII". Catholic Encyclopedia. New York: Robert Appleton Company. Nakuha noong 9 August 2014.