Pumunta sa nilalaman

Kawaii dake ja Nai Shikimori-san

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kawaii dake ja Nai Shikimori-san
可愛いだけじゃない式守さん
DyanraRomantikong komedya[1]
Manga
KuwentoKeigo Maki
NaglathalaKodansha
ImprentaShōnen Magazine Comics
MagasinMagazine Pocket
TakboPebrero 2, 2019 – Pebrero 18, 2023
Bolyum20
Teleseryeng anime
DirektorRyota Itoh
IskripYoshimi Narita
MusikaHiroaki Tsutsumi
EstudyoDoga Kobo
Lisensiya
Inere saAll-Nippon News Network
TakboAbril 10, 2022 – Hulyo 10, 2022
Bilang12

Ang Kawaii dake ja Nai Shikimori-san (Hapon: 可愛いだけじゃない式守さん, Ingles: Shikimori's Not Just a Cutie, lit. na 'Di Lang Basta Cute si Shikimori') ay isang serye ng manga na sinulat at ginuhit ni Keigo Maki. Pumapatungkol ang kuwento kay Yuuki Izumi, isang lalaki na madalas maaksidente, at ang kanyang kasintahan na si Miyako Shikimori, isang astig na babae na madalas lumiligtas sa kanya.

Nilathala online ang Kawaii dake ja Nai Shikimori-san sa site at app ng Kodansha na Magazine Pocket mula Pebrero 2019 hanggang Pebrero 2023,[2][3] at nagkaroon ng 20 bolyum na tankōbon.[4] Nagkaroon ito ng teleseryeng anime na ginawa ng Doga Kobo, [1] at umere mula Abril hanggang Hulyo 2022.

Yuuki Izumi (和泉 幽希, Izumi Yūki)
Boses ni: Shūichirō Umeda[5]
Isang lalaki na madalas maaksidente, siya ay kasintahan ni Shikimori. Si Izumi ay matalino, siya ay ang ika-5 nangunguna sa klase.
Miyako Shikimori (式守 都, Shikimori Miyako)
Boses ni: Saori Ōnishi[5]
Isang astig na babae, at kasintahan ni Izumi. Si Shikimori ay matalino, siya ay ang ika-11 nangunguna sa klase.
Shu Inuzuka (犬束 秀, Inuzuka Shū)
Boses ni: Nobuhiko Okamoto[6]
Siya ay matalik na kaibigan ni Izumi. Ang mga kaibigan niya ay tinatawag siyang "Inu" (Salitang aso sa Hapon).
Kyo Nekozaki (猫崎 享, Nekozaki Kyō)
Boses ni: Misato Matsuoka[6]
Kaibigan ni Shikimori, siya ay mahilig sa isport.
Yui Hachimitsu (八満 結, Hachimitsu Yui)
Boses ni: Rina Hidaka[6]
Kaibigan ni Shikimori, siya ay mahinhin.
Ai Kamiya (狼谷 藍, Kamiya Ai)
Boses ni: Ayaka Fukuhara[7]
Isang babae na sikat, siya ay nasa volleyball team.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1 2 Loo, Egan. "Shikimori's Not Just a Cutie Romantic Comedy Manga Gets Anime". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Hunyo 2026.
  2. ↑ "可愛いだけじゃない式守さん - 真木蛍五 / 【1話】". Kodasha (sa wikang Hapones). Nakuha noong 5 Hunyo 2026.
  3. ↑ "Shikimori's Not Just a Cutie Manga Ends Serialization on Saturday". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Hunyo 2026.
  4. ↑ "『可愛いだけじゃない式守さん(20)』". Kodansha (sa wikang Hapones). Nakuha noong 5 Hunyo 2026.
  5. 1 2 Pineda, Rafael Antonio. "Shikimori's Not Just a Cutie Anime Reveals Cast, Staff, April 2022 TV Debut". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Hunyo 2026.
  6. 1 2 3 Pineda, Rafael Antonio. "Shikimori's Not Just a Cutie Anime Reveals More Cast, Song Artists, April 2 Debut". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Hunyo 2026.
  7. ↑ Pineda, Rafael Antonio. "Shikimori's Not Just a Cutie Anime Casts Ayaka Fukuhara as Kamiya". Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Hunyo 2026.