Kevin Federline
Kevin Federline | |
|---|---|
| Kapanganakan | 21 Marso 1978
|
| Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
| Nagtapos | Clovis West High School Bullard High School |
| Trabaho | artista, modelo, rapper, mananayaw, mang-aawit, bowler, artista sa telebisyon, propesyunal na mambubuno, artista sa pelikula, disc jockey, television personality |
| Asawa | Britney Spears (6 Oktubre 2004–30 Hulyo 2007) unknown (2013–) |
| Kinakasama | Shar Jackson (2001–2004) Britney Spears (Hulyo 2004–Setyembre 2004) none (2008–2013) |
| Anak | Sean Federline, Jayden Federline, Kaleb Michael Jackson Federline |
| Magulang |
|
Si Kevin Earl Federline (ipinanganak noong Marso 21, 1978),[1] na kilala rin bilang K-Fed at FedEx, ay isang Amerikanong mananayaw, aktor, at DJ.[2][3] Siya ang dating asawa ng mang-aawit na si Britney Spears, at naging tampok sa publiko ang kanilang alitan hinggil sa kustodiya ng kanilang mga anak matapos ang kanilang diborsiyo.[4][5] Noong 2006, inilabas ni Federline ang kaniyang unang album na Playing with Fire, na hindi maganda ang naging pagtanggap ng mga kritiko at itinuring na isa sa pinakamasasamang album na nailabas.[6] Mula noon, lumabas siya sa ilang programa sa telebisyon at pelikula, at nagtrabaho rin bilang DJ. Ang kaniyang memoir o aklat ng mga gunitana You Thought You Knew ay inilathala noong Oktubre 21, 2025.[7]
Maagang buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Kevin Earl Federline noong Marso 21, 1978, sa Fresno, California, kina Mike at Julie (née Story). Ang kaniyang ama ay isang mekaniko ng sasakyan, samantalang ang kaniyang ina ay dating teller sa bangko at parehong nagmula sa Oregon. Nagdiborsiyo ang mga magulang ni Federline noong walong taong gulang siya. Pagkatapos nito, lumipat siya sa Lungsod ng Carson, Nevada, kasama ang kaniyang ina, subalit bumalik sa Fresno noong 11 taong gulang siya nang lumipat sila ng kaniyang kapatid na si Chris sa bahay ng kanilang ama. Noong nasa ika-siyam na baitang, tumigil si Federline sa pag-aaral sa mataas na paaralan. Kalaunan, nakakuha siya ng sertipiko ng General Educational Development (GED). Nagtrabaho rin siya bilang tagahatid ng pizza.
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1996, lumipat si Federline sa Los Angeles upang ituloy ang karera sa pagsasayaw at nagsimulang sumayaw para sa isang di-pangkalakal na organisasyon na tinatawag na Dance Empowerment.[8] Nakatira si Federline sa isang paupahang yunit na may isang silid-tulugan kasama ang anim na kasamang umuupa.[8] Sa loob ng ilang taon, nagtrabaho si Federline bilang pantulong na mananayaw para kina Aaliyah, Michael Jackson, Justin Timberlake, Destiny's Child, Pink,[9] at LFO.[5][8][10]
Lumabas siya bilang Dirt Track Dancer sa dalawang episodyo ng sitcom sa telebisyon na Nikki (2001–2002), at bilang mananayaw sa The Drew Carey Show (2001). Nagkaroon din siya ng hindi nabanggit na papel bilang mananayaw na Anghel ni Cher sa sitcom na Will & Grace (2002).[11][12] Lumabas din siya bilang mananayaw sa isang patalastas para sa Target, isang kompanya ng mga department store o tindahang maramihang sangay.[13][14]
Lumabas si Federline bilang mananayaw sa ilang bidyong pangmusika, kabilang ang "AM to PM" ni Christina Milian (2001), "Get the Party Started" ni Pink (2001), "You Rock My World" ni Michael Jackson, at "Like I Love You" ni Justin Timberlake (2002). Lumabas din siya bilang mananayaw sa pelikulang dramang sayaw na You Got Served (2004).[11]
Sinabi ni Federline na madalas ay hindi nabibigyan ng sapat na pagkilala ang mga mananayaw para sa kanilang trabaho. Sinabi niya sa magasing People: "Walang sinumang mas hindi nabibigyan ng pagkilala kaysa sa isang taong sumasayaw."[8]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Kevin Earl Federline, born 3/21/1978" (sa wikang Ingles). California Birth Index. Nakuha noong Mayo 21, 2014.
- ↑ "Kevin Federline's Latest Gig: Fashion Model" (sa wikang Ingles). Today.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 14, 2016. Nakuha noong Nobyembre 17, 2019.
- ↑ "Christina Aguilera, Kevin Federline back Britney Spears: 'She deserves ... freedom'". Los Angeles Times (sa wikang Ingles). 2021-06-29. Nakuha noong 2023-08-28.
- ↑ "Britney Spears and Kevin Federline's Relationship Timeline". People.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-24.
- 1 2 Phares, Heather. Kevin Federline biography. Allmusic: 2006 (sa Ingles)
- ↑ Playing With Fire by Kevin Federline (sa wikang Ingles), nakuha noong 2023-01-10
- ↑ Blistein, Jon (2025-08-06). "Britney Spears' Ex Kevin Federline Says 'You'll Find Answers' In His New Memoir". Rolling Stone (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2025-09-13.
- 1 2 3 4 Dinh, Mai; Murphy, Janet, pat. Kevin Federline biography (1986–2006). People.com (sa Ingles)
- ↑ "Pink on X: By the way that is the one and only Kevin Federline dancing behind me". Twitter (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-26.
- ↑ Erlewine, Stephen Thomas. "Playing with Fire". Allmusic: 2006 (sa Ingles)
- 1 2 "Kevin Federline | Actor, Cinematographer, Producer". IMDb (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-26.
- ↑ "25 Things You Never Knew About Britney Spears' Ex Kevin Federline". E! Online (sa wikang Ingles). 2018-03-21. Nakuha noong 2023-08-26.
- ↑ "25 Things You Never Knew About Britney Spears' Ex Kevin Federline". E! Online (sa wikang Ingles). 2018-03-21. Nakuha noong 2023-08-26.
- ↑ "Kevin Federline - Other works". IMDb (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-18.