Kilusang Pambansa-Demokratiko (Pilipinas)
| Kilusang Pambansa-Demokrastiko | |
|---|---|
| Mga aktibong rehiyon | Pilipinas, United States, Canada, Netherlands, Australia |
| Ideolohiya | Komunismo Marxismo–Leninismo–Maoismo Pambansang demokrasya Anti-imperyalismo Nasyonalismong makakaliwa Progresibo Sosyalismo |
| Posisyong pampolitika | Kaliwa |
Ang Kilusang Pambansa-Demokratiko (Ingles: National Democratic Movement), o KPD, ay isang malawak na alyansa na nakabatay sa kaliwa at progresibong mga indibidwal at organisasyong naghahanap ng komprehensibong panlipunan, pang-ekonomya at pampulitikang hustisya sa Pilipinas na binubuo ng mga magsasaka na walang lupa, maralitang lunsod at bukid, mga katutubong mamamayan, inaaping relihiyosong minorya, aktibista, manggagawa, kabataan at estudyante.[1][2] Layon ng kilusan na matugunan kung ano ang kanilang itinuturing na mga ugat ng kawalang-katarungan na nakakaapekto sa sambayanang Pilipino sa isang malakolonyal at malapyudal na lipunan, sa pamamagitan ng pagharap sa tatlong pangunahing pangunahing problema ng imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo.[3]
Nais ng pambansa-demokratikong pakikibaka na makamit ang "tunay" na pambansang pagpapalaya para sa bayan at ang pagsasakatuparan ng mga demokratikong karapatan ng mamamayan[4] sa pamamagitan ng pagpapatalsik sa dayuhang imperyalismo, mga panginoong maylupa, mga monopolyong kapitalista at mga tiwaling upisyal ng gubyerno.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang paglakas ng Kilusang Pambansa-Demokratiko ay nagmula sa pakikibaka laban sa dating pangulong Ferdinand Marcos noong huling bahagi ng dekada 1960 at unang bahagi ng dekada 1970, ngunit sa kabuuan, ito ay pagpapatuloy ng pakikibaka ng Rebolusyong Pilipino na pinamunuan ng Katipunan noong 1896. [kailangan ng sanggunian] Bilang resulta ng napapanatiling pang-aabusong sa larangan ng ekonomya, pulitika at militar sa panahon ng diktadurang Marcos, may mga ilang tao tulad ni Jose Maria Sison (sa sagisag-panulat na Amado Guerrero) na nagmungkahi na ang paglikha ng isang rebolusyonaryong kilusang masa na may pambansa-demokratikong katangian ay kinakailangan upang malampasan ang "tatlong pangunahing problema" na sumusuporta sa mapang-aping kalagayan ng lipunang Pilipino noong dekada 1970. Ginamit ni Sison ang mga prinsipyo ng Marxismo-Leninismo-Maoismo para sa pagsusuri ng lipunan at sa pagsusulong ng demokrasyang bayan o pambansang demokrasya:
Sa kasalukuyang kongkretong kundisyon na malakolonyal at malapyudal ang lipunang Pilipino, kailangang ilunsad ng Partido Komunista ang bagong tipo ng pambansa-demokratikong rebolusyon, ang demokratikong rebolusyong bayan. Kahit proletaryo ang liderato ng rebolusyong Pilipino, hindi pa ito proletaryong rebolusyong sosyalista. Huwag nating ipagkamali ang pambansa-demokratikong yugto sa sosyalistang yugto ng rebolusyong Pilipino. Kapag nakumpleto na ang pambansa-demokratikong yugto, saka lamang mailulunsad ng rebolusyonaryong lideratong proletaryo ang rebolusyong sosyalista bilang yugto papunta sa komunismo.[5]
— Amado Guerrero, Lipunan at Rebolusyong Pilipino, Ikatlong Kabanata, Ang Demokratikong Rebolusyong Bayan
Nang ang batas militar ay napawi noong 1981 at si Corazon Aquino ay nahalal na pangulo noong 1986 pagkatapos ng People Power Revolution, ang katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan ng gubyerno ay nananatiling malawak sa sistemang pampulitika ng Pilipinas, na ayon sa KPD ay naipakita ng masaker sa Mendiola, ng mga programang kontra-insureksyon laban sa mga armadong grupong Moro Islamic Liberation Front at Bagong Hukbong Bayan, ng pagkalugi at pagnanakaw sa termino nina Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo, at ng masaker sa Hacienda Luisita noong 2004. Ayon sa "pagsusuring pambansa-demokratiko" na isinalin ni Sison at iba pa sa mula 1970 hanggang sa ngayon, ang pagpapatuloy ng mga paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas sa kamay ng mga upisyal ng gubyerno at iba pang mga kawalang-katarungang panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika ay nagbibigay-diin sa pangangailangan ng pagpapalaya sa bayan sa mga pwersang imperyalista - na pinagugunahan ng United States, dahil sa pagiging dating kolonya ng huli.
Mga kasaping organisasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), Alliance of Concerned Teachers, Anakpawis, Bayan Muna, GABRIELA, at Kabataan Partylist ay ilan sa mga kabilang sa maraming mga samahan na bumubuo at umaapik sa kilusan. Naglalayon ang kilusan na isulong ang pambansang kalayaan mula sa imperyalismo at demokrasya sa Pilipinas. Ang kilusang pambansa-demokratiko sa Pilipinas ay nakaugnay sa isang mas malawak na pandaigdigang alyansa: ang International League of People's Struggle (ILPS), kung saan nagsilbi si Sison bilang dating tagapangulo nito.[6]
Kabilang sa kilusan ay ang:[7]
- Alliance of Concerned Scientists, Technologists, Engineers and People (STEP)
- Alliance of Concerned Teachers (ACT)
- AMIHAN (National Federation of Peasant Women)
- Alay Sining
- Anakbayan
- Anakbayan-USA
- Anakbayan-Canada
- Anakpawis
- Babae-GABRIELA Babae-SF
- Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)
- Bayan Muna
- BAYAN-USA
- College Editors Guild of the Philippines
- Committee for Human Rights in the Philippines
- Ecumenical Movement for Justice and Peace
- Gabriela Women's Party (GABRIELA)
- Health Alliance for Democracy (HEAD)
- Kabataan Partylist
- KARAPATAN: Alliance for the Advancement of People's Rights
- Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (KAMP) (National Alliance of Indigenous Peoples Organizations in the Philippines)
- Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) (Militant Center of the Filipino Urban Poor)
- Katribu Partylist (Progressive Indigenous Peoples' Party of the Philippines)
- Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (Pilipina Women Workers' Movement)
- Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) (Peasant Movement of the Philippines)
- Kilusang Mayo Uno (KMU) (May First Movement)
- Kusog sa Katawhang Lumad sa Mindanao (KALUMARAN) (Mindanao Alliance of Indigenous Peoples)
- Liga ng mga Pilipinong Mag-aaral (LPS/LFS)
- Makabayang Koalisyon ng Mamamayan (Patriotic Coalition of Citizens)
- MIGRANTE (Alliance of Filipino Migrants Organizations)
- Pambansa-Demokratikong Prente ng Pilipinas (NDFP/PDPP)
- Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) (National Federation of Fisherfolk Organizations)
- Panday Sining
- Promotion of Church People's Response (PCPR)
- Samahan ng Malayang Kababaihang Nagkakaisa (SAMAKANA) (Association of United and Free Women)
- Student Christian Movement (Philippines)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Youth and Student Movement in the Philippines". Anakbayan-LA. Nakuha noong 12 October 2012.
- ↑ "Sounds of a New Hope (Trailer)". Sounds of a New Hope. tha illest 59. Nakuha noong 31 December 2012.
- ↑ Guerrero, Amado (1970). Lipunan at Rebolusyong Pilipino (ika-4 (na) labas). Hilagang Luzon: Pambansang Kawanihan sa Pagsasalin (nilathala 1994).
- ↑ "About | Anakbayan". Nakuha noong 17 October 2012.
- ↑ Guerrero, Amado (1970). Lipunan at Rebolusyong Pilipino (ika-4 (na) labas). Hilagang Luzon: Pambansang Kawanihan sa Pagsasalin (nilathala 1994). p. 126.
- ↑ "International League of Peoples' Struggle". Inarkibo mula sa orihinal noong 1 January 2012. Nakuha noong 1 January 2013.
- ↑ "Participating Organizations". Fourth Assembly of the ILPS. International League of Peoples' Struggle. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 September 2012. Nakuha noong 1 January 2013.