Kim So-hyun

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Kim So-hyun
20180421 김소현 SES 그린하트 바자회 (2).jpg
Si Kim So-hyun noong 2018
Kapanganakan4 Hunyo 1999(1999-06-04)
Australya[1]
NasyonalidadKoreana
Pag-aaralYongin Munjung Middle School
HanapbuhayAktres at host
Mga taon ng kasiglahan2006-kasalukuyan
Pangalang Koreano
Hangul
Hanja
Binagong RomanisasyonGim So-hyeon
McCune–ReischauerKim Sohyŏn

Si Kim So-hyun (Hangul: 김소현; Hanja: 金 所 炫; ipinanganak Hunyo 4, 1999), ay isang aktres sa Timog Korea. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang isang aktres na bata noong 2006 at nakuha sa simula ang pampublikong atensyon nang gumanap bilang kontrabidang batang magiging reyna sa Moon Embracing the Sun (2012) at isang batang babae na nahulog sa trahedya sa Missing You (2013). Magiliw siyang binansagan bilang ang "Maliit na Kapatid na Babae ng Bansa" (국민 여동생). [2] Nakuha niya sa kanyang unang pangunahing papel sa dramang pang-kabataan na Who Are You: School 2015 (2015) at mula noon, bumida sa katatakutang komedyang Hey Ghost, Let's Fight (2016), makasaysayang melodrama na The Emperor: Owner of the Mask (2017), at romantikong komedyang Radio Romance (2018).

Personal na buhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinanganak si Kim sa Australya. Lumipat siya sa Timog Korea noong siya ay pitong taong gulang, at nagtapos sa Yongin Munjung Middle School noong 2015. [3][4] Siya ay nag-homeschool o nag-aral sa tahanan lamang noon kanyang sekundaryang edukasyon,[5] at nagpalista sa Kagawaran ng Teatro ng Unibersidsd ng Hanyang, sa pamamagitan ng rolling admission noong 2018.[6]

Noong Enero 2018, pinili ng Komite ng Nag-oorganisa para sa Olimpiko at Paralimpikong Palaro sa Taglamig ng 2018 (POCOG) si Kim at Yoo Seung-min bilang Pambasang Kinatawan ng Honorarayong Ngiti upang katawanin ang ngiti at kabaitan ng Korea.[7]

Karera[baguhin | baguhin ang batayan]

2006-2011: Mga simula bilang isang batang aktres[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagsimula si Kim bilang isang aktres ng bata sa ilalim ng Sidus HQ, gumanap sa isang pang-suportang pagganap sa espesyal ng Drama City noong 2006 na pinamagatang Ten Minute Minor. Nagpatuloy siyang gumanap bilang batang bersyon ng mga bidang babae sa mga seryeng pantelebisyon, gayon din sa mga pelikula, at madagdagan ang kanyang mga kredito.[8]

2012-2014: Umaangat na katanyagan[baguhin | baguhin ang batayan]

Nakakuha siya ng atensyon ng publiko noong 2012 nang itanghal siya sa pantasyang makasaysayang drama na Moon Embracing the Sun bilang mas batang bersyon ng pangalawang babaeng bida.[9] Sinundan ito ng mahusay na pagtanggap sa mga suportang pagganap sa pantasyang komedyang Rooftop Prince at melodramang Missing You,[10] kung saan nakuha niya ang kanyang unang parangal bilang ang "Pinakamahusay na Batang Aktres" sa 1st K-Drama Star Awards.

Noong 2013, naging kasamang host si Kim sa programa ng MBC na Music Core kasama sina Minho ng SHINee at Noh Hong-chul. [11]

2015-kasalukuyan: Paglipat sa mga pangunahing pagganap[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong 2015, lumabas si Kim sa seryeng pampaaralan ng KBS na Who Are You: School 2015, na gumanap ng dalawang pagganap bilang ang kambal na sina Lee Eun-bi at Go Eun-byul. [12] Ginawaran siya bilang ang "Bituin ng Taon" sa 8th Korea Drama Awards para sa kanyang pagganap.[13]

Noong 2016, bumida si Kim sa pelikulang romansa na Pure Love, [14] sa drama sa web na Nightmare Teacher [15] at sa tatlong kabanata ng dramang espesyal na Page Turner. [16] Pagkatapos, bumida siya katatakutang komedyang Hey Ghost, Let's Fight, [17] at nagkaroon ng isang umuulit na bisitang pagganap sa pantasyang drama na Guardian: The Lonely and Great God .[18]

Pagkalaon, bumida si Kim sa makasaysayang dramang The Emperor: Owner of the Mask na unang nilabas noong Mayo 10, 2017. [19][20] Noong Agosto 2017, tinapos niya ang kanyang kontrata sa kanyang ahensya na Sidus HQ, pagkatapos ng pitong taon sa kompanya . [21] Noong Disyembre, ipinakilala ni Kim ang kanyang sariling "isang-taong" ahensya na E & T Story Entertainment, na may pakikipagsosyo sa LOEN Entertainment. Ang ahensiya ay kasalukuyang pinamumunuan ni Kim Chan-woo, tagapangasiwa ni Kim sa kanyang mga araw noon sa SidusHQ. [22]

Noong 2018, bumida si Kim sa romansang drama na Radio Romance, na nagsimula noong Enero 29. [23]

Pilmograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Kim So-hyun sa Marie Claire Korea.

Mga pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Pamagat Ginampanan Mga tanda
2008 My Name Is Pity batang Jin-ha Maikling pelikula
2010 Man of Vendetta Joo Hye-rin
2011 Sin of a Family Jung Myung-hee
Spy Papa Soon-bok
2012 I Am the King Sol-bi
2013 Killer Toon batang Mi-sook
2016 Pure Love Jung Soo-ok [24]
The Last Princess tinedyer na Princess Deokhye [25]
2017 Your Name Mitsuha Miyamizu Boses lamang, dub sa wikang Koreano[26]

Mga palabas sa telebisyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Taon Pamagat Ginampanan Himpilan Sanggunian
2006 Drama City "Ten Minute, Minor" KBS2
2007 A Happy Woman batang Lee Ji-yeon
Que Sera Sera batang Han Eun-soo MBC
2008 Hometown of Legends
"Child, Let's Go to Cheong Mountain"
Yeon-hwa KBS2
2008-2009 Wife and Woman Jo Je-ni
2009 Ja Myung Go Myo-ri SBS
2010 Birth of the Rich batang Lee Shin-mi KBS2
King of Baking, Kim Takgu batang Gu Ja-rim
2011 The Thorn Birds batang Seo Jung-eun
The Duo batang Geum-ok MBC
2011-2012 Padam Padam batang Jung Ji-na JTBC
2012 Moon Embracing the Sun batang Yoon Bo-kyung MBC
Rooftop Prince batang Hong Se-na/
batang Crown Princess Hwa-yong
SBS
Love Again Jung Yoo-ri JTBC
Reckless Family - Season 1 Kim So-hyun MBC Every 1
Ma Boy Jang Geu-rim Tooniverse
2012-2013 Missing You batang Lee Soo-yeon MBC [27]
2013 Iris II: New Generation batang Ji Soo-yeon KBS2 [28]
The Secret of Birth batang Jung Yi-hyun SBS [29]
I Can Hear Your Voice batang Jang Hye-sung [30]
The Suspicious Housekeeper Eun Han-gyul [31]
2014 Triangle young Shin-hye MBC [32]
Reset Choi Seung-hee/Jo Eun-bi OCN [33]
Drama Special "We All Cry Differently" Ryu Ji-hye KBS2
2015 A Girl Who Sees Smells Choi Eun-seol SBS [34]
Who Are You: School 2015 Lee Eun-bi/Go Eun-byul KBS2 [35]
2016 Page Turner Yoon Yoo-seul [36]
Hey Ghost, Let's Fight Kim Hyun-ji tvN [37]
Guardian: The Lonely and Great God Queen Sun-hee/Kim Sun (Kameyo) [38]
2017 The Emperor: Owner of the Mask Han Ga-eun MBC [39]
While You Were Sleeping Park So-yoon (Kameyo) SBS [40]
2018 Radio Romance Song Geu-rim KBS2 [41]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "김소현 My name is…" [Kim So-hyun: My name is...]. TenAsia (sa Koreano). Nobyembre 16, 2012. Hinango noong Nobyembre 20, 2012.
  2. "[리폿@이슈] 김유정·김소현·김새론, 연기 되고 외모 되는 10대 트로이카" (sa wikang Koreano). Naver. Marso 26, 2016. Hinango noong Mayo 27, 2017.
  3. "[현장포토] "교복도 예쁘죠?"…김소현, 17살의 청순미" [Pretty in Uniform...]. Dispatch (sa Koreano). Pebrero 2, 2015. Hinango noong Pebrero 6, 2015.
  4. "Kim So-hyun goes to high school!". Nate (sa Ingles). Pebrero 1, 2015.
  5. "김소현, 고등학교 진학 포기 "홈스쿨링 하고 있어요"" [Kim So-hyun: I'm going to be...]. TenAsia (sa Koreano). Abril 22, 2015. Hinango noong Nobyembre 26, 2015.
  6. "[공식입장] 김소현 측 "한양대 연극영화학과 수시합격..18학번"". Chosun (sa Koreano). Nobyembre 10, 2017.
  7. "유승민 IOC 선수위원·배우 김소현 '명예 미소국가대표' 위촉". News1 (sa Koreano). Enero 22, 2018.
  8. "For Teen Actress, Castings Akin to Cram School". The Chosun Ilbo (sa Ingles). Disyembre 14, 2013. Hinango noong Enero 6, 2014.
  9. Hong, Grace Danbi (Setyembre 11, 2012). "The Sun and the Moon Yeo Jin Gu and Kim So Hyun Cast in New Drama Together". enewsWorld (sa Ingles). Hinango noong October 29, 2012.
  10. Hong, Grace Danbi (Oktubre 24, 2012). "Yeo Jin Gu and Kim So Hyun Film for I Miss You". enewsWorld (sa Ingles). Hinango noong Nobyembre 20, 2012.
  11. "How ′Music Core′s′ New Charts will Work". enewsWorld (sa Ingles). Abril 18, 2013.
  12. "'Who Are You' to deal with mysteries of youth". The Korea Times. Hinango noong Mayo 22, 2017.
  13. "[2015 KDA]김수현 눈물의 대상 '2년 연속 수상'". Star Daily (sa Koreano). Oktubre 29, 2015.
  14. "Do Kyung-soo and Kim So-hyun's film to open in Feb". Kpop Herald (sa Ingles). Hinango noong Marso 1, 2017.
  15. "김소현, 웹드라마 '악몽선생' 캐스팅 "비밀 파헤친다"". Newsen (sa Koreano). Setyembre 18, 2015.
  16. "김소현, '페이지터너'서 천재 피아니스트 변신". TV Report (sa Koreano). Hinango noong Marso 1, 2017.
  17. Kim Jin-seok (Abril 27, 2016). "[단독]김소현, tvN '싸우자 귀신아' 여주인공 확정". JoongAng Ilbo (sa Koreano). Hinango noong Hunyo 4, 2016.
  18. "김소현 측 "'도깨비' 특별출연… 캐릭터 비중 높다" [공식입장]". Sports Donga (sa Koreano). Hinango noong Oktubre 14, 2016.
  19. "Kim So-hyun takes starring role in 'Ruler'". Korea JoongAng Daily. November 12, 2016.
  20. "Kim So-hyun Looks Forward to Her Brightening 20s". The Chosun Ilbo. August 12, 2017.
  21. "Kim So-hyun ends her contract with SidusHQ". Korea JoongAng Daily. September 1, 2017.
  22. "Actress Kim So-hyun inks deal with agency under Loen Entertainment". Kpop Herald. December 26, 2017.
  23. "Kim So Hyun confirmed to co-star with Yoon Doo Joon in 'Radio Romance'". KBS World. December 6, 2017.
  24. "Do Kyung-soo and Kim So-hyun's film to open in Feb". Kpop Herald (sa Ingles). Hinango noong Marso 1, 2017.
  25. "PRINCESS DEOKHYE Adds JUNG Jin-young, LA Mi-ran". Kobiz (sa Ingles). Nobyembre 9, 2015.
  26. "Ji Chang-wook, Kim So-hyun to dub Japanese film 'Your Name'". The Korea Herald.
  27. Hong, Grace Danbi (Setyembre 11, 2012). "The Sun and the Moon Yeo Jin Gu and Kim So Hyun Cast in New Drama Together". enewsWorld (sa Ingles). Hinango noong Oktubre 29, 2012.
  28. ""Iris 2" Kim So-hyun's big role". Hancinema (sa Ingles). Pebrero 13, 2013.
  29. "Kim So-hyun in "The Secret Of Birth" as younger Sung Yu-ri". Hancinema (sa Ingles). Marso 18, 2013.
  30. "Kim So-hyun appears on "I Hear Your Voice" once more". Hancinema (sa Ingles). Hulyo 2, 2013.
  31. Hong, Grace Danbi (Agosto 23, 2013). "Kim So Hyun Cast in The Strange Housekeeper with Choi Ji Woo". enewsWorld (sa Ingles). Hinango noong Hunyo 3, 2015.
  32. "Teen actress takes on new role". Korea JoongAng Daily (sa Ingles).
  33. Lee, Sun-min (Agosto 22, 2014). "Reset revisits a murky past". Korea JoongAng Daily (sa Ingles). Hinango noong Hunyo 3, 2015.
  34. "Kim So-hyun to star in "The Girl Who Sees Smells"". Hancinema (sa Ingles). Marso 1, 2015.
  35. "'Who Are You' to deal with mysteries of youth". The Korea Times (sa Ingles). Hinango noong Mayo 22, 2017.
  36. "Kim So-hyun lands leading role in KBS' drama special". Hancinema (sa Ingles). Nobyembre 17, 2015.
  37. "New series 'Let's Fight Ghost' starts in July". Korea JoongAng Daily (sa Ingles). Hulyo 2, 2016.
  38. "김소현 측 "'도깨비' 특별출연… 캐릭터 비중 높다" [공식입장]". Sports Donga (sa Koreano). Hinango noong Oktubre 14, 2016.
  39. "Kim So-hyun takes starring role in 'Ruler'". Korea JoongAng Daily (sa Ingles). Nobyembre 12, 2016.
  40. POP, 헤럴드 (Pebrero 27, 2017). "[단독]김소현, 이종석X수지 '당신이 잠든 사이에' 특별출연". Herald Corporation (sa Koreano). Hinango noong 2017-02-27.
  41. "Kim So Hyun confirmed to co-star with Yoon Doo Joon in 'Radio Romance'". KBS World (sa Ingles). Disyembre 6, 2017.