Pumunta sa nilalaman

Kingsman

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kingsman (franchise))

Ang Kingsman ay isang prangkisang midyang Briton-Amerikano na batay sa mga pakikipagsapalaran ng mga ahente na Kingsman, isang kathang-isip na lihim na samahan [1] Nagsimula ito noong 2012 sa komiks ng Marvel na The Secret Service, kasama ang dalawang sumunod na kuwento noong 2017 at 2018. Nilikha ang serye sa komiks nina Mark Millar at Dave Gibbons.

Ang pelikulang Kingsman: The Secret Service, na dinirehe ni Matthew Vaughn at kasamang sinulat ni Jane Goldman, ay nilabas noong Pebrero 2015. Pinagbibidahan ito nina Colin Firth, Taron Egerton, at Mark Hamill.[2] Isang karugtong na pelikula, naka-subtitulong The Golden Circle, ay nilabas noong Setyembre 2017.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Sa bagong kinolektang mga edisyon ng unang bolyum ng serye, ang aklat na The Secret Service ay pinalitan ng pangalan pagkatapos ng adaptasyon na pelikulang Kingsman: The Secret Service at lahat ng pagtukoy sa MI6 ay napalitan ng "Kingsman". Karagdagan pa nito, napalitan ang pangalan ni Gary sa "Eggsy" para mas naangkop sa beryson nito sa pelikula.
  2. "Mark Hamill Talks 'Star Wars,' Prepares For 'Secret Service' Role" (sa wikang Ingles). splashpage.mtv.com. 2012-11-01. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-26. Nakuha noong 2014-04-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]