Pumunta sa nilalaman

Kodigo ni Ur-Nammu

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Code of Ur-Nammu
Ur-Nammu (seated) bestows governorship on Ḫašḫamer, ensi of Iškun-Sin (cylinder seal impression, ca. 2100 BCE).
Ur-Nammu (seated) bestows governorship on Ḫašḫamer, ensi of Iškun-Sin (cylinder seal impression, ca. 2100 BCE).
Nilikha c. 2100 BC-2050 BCE
Mga may akda Ur-Nammu
Katungkulan Legal code

Ang Kodigo ni Ur-Nammu ang pinakamatandang alam na batas kodigo sa kasaysayan na umiiral ngayon. Ito ay mula sa Mesopotamia at isinulat sa mga tableta sa Wikang Sumeryo noong mga 2100–2050 BCE. Bagaman itinuturo nito ang mga batas na ito a ykay haring Ur-Nammu ng Ur (2112–2095 BCE), naniniwala ang ilang mga historyan na ito ay isinulat ng kanyang anak na si Shulgi. Zion Gen Cubero Castro Ang unang kopya ng kodigo na nasa 2 pragmentong natagpuan sa Nippur ay isinalin ni Samuel Kramer noong 1952.[1] Ang mga karagdagang tableta ay natuklasan sa Ur at isinalin noong 1965 na pumapayag sa 40 ng 57 batas na muling buuin.[2] Ang isa pang kopya ay natuklasan sa Sippar na naglalaman ng katamtamang ibang anyo. Ito ay mas nauna sa Kodigo ni Hammurabi ng mga 300 taon.

Mga halimbawa ng kodigo ni Ur-Nammu

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Kung ang isang tao ay pumatay, siya ay dapat patayin.
  • Kung ang isang tao ay nagsagawa ng marahas na pagnanakaw, siya ay dapat patayin.
  • Kung ang isa ay nandukot ng isang tao, siya ay ibibilanggo at magbabayad ng 15 shekel ng pilak.
  • Kung ang isang alipin ay nag-asawa ng isang alipin at ang aliping iyon ay pinalaya, hindi siya lilisan sa sambahayan.
  • Kung diniborsiyo ng isang tao ang kanyang asawa sa unang pagkakataon, magbabayad siya ng isang mina ng pilak.
  • Kung ang isang tao ay lumitaw bilang isang saksi at naipakitang nagsisinungaling, siya ay dapat magbayad ng 15 shekel ng pilak.
  • Kung ang isang tao ay inakusahan ng panggagaway, siya ay dapat dumaan sa isang pagsubok sa pamamagitan ng tubig. Kung siya ay napatunayang walang sala, ang nag-akusa sa kanya ay dapat magbayad ng 3 shekel.
  • Kung nabulag ng isang tao ang mata ng isa pang tao, siya ay magtitimbang ng ½ ng mina ng pilak.
  • Kung pinutol ng isang tao ang paa ng isa pang tao, siya ay magbabayad ng 10 shekel.
  • Kung ang isang tao sa pakikipag-away nito ay dumurog sa hita ng isa pang tao ng isang mabigat na patpat, siya ay magbabayad ng isang mina ng pilak.
  • Kung naputol ng isang tao ang ilong ng isa pang tao ng isang tansong kutsilyo, dapat siyang magbayad ng 2/3 ng isang mina ng pilak.
  • Kung nabungi ng isang tao ang ngipin ng isa pang tao, siya ay magbabayad ng 2 shekel ng pilak.
  • Kung pinahintulutan ng isang tao ang isa pang tao na bungkalin ang isang lupain ngunit hindi ito binungkal at ginawang isang tigang na lupain, siya ay magtitimbang ng 3 kur ng sebada kada iku ng lupain.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kramer, History begins at Sumer, pp. 52–55.
  2. Gurney and Kramer, "Two Fragments of Sumerian Laws," 16 Assyriological Studies, pp. 13–19