Pumunta sa nilalaman

Kolektibong kamalayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Kolektibong kamalayan (minsan ay magkakabagi/sama-samang budhi o kamalayan; Ingles: collective consciousness ) ay tumutukoy sa mga magkakabahaging paniniwala, ideya, at moral na saloobin na ibinabahagi ng isang grupo ng tao sa loob ng isang lipunan. Ito ay nagsisilbing nagbubuklod na puwersa na nag-uugnay sa mga miyembro ng komunidad at nagbibigay-daan upang magkaroon ng pagkakaisa at pagkakaunawaan. Sa pangkalatan, ito ay hindi tumutukoy sa indibidwal na moral na budhi, kundi sa magkakaparehong pag-unawa ng mga tao sa mga kaugalian at pamantayan ng lipunan.[1]

Ang modernong konsepto ng kolektibong kamalayan ay kasama ang mga saloobin ng pagkakaisa, mga memes, ekstremong pag-uugali tulad ng group-think (grupong-isip) at herd behavior (ugali ng kawan), at mga magkakasamang karanasan sa mga ritwal, sayawan, at psychedelic na paggamit. [2] [3]

Sa halip na umiiral bilang magkakahiwalay na indibidwal, nagtitipon ang mga tao bilang mga dinamikong grupo upang magbahagi ng mga mapagkukunan at kaalaman. Nabuo din ito bilang isang paraan ng paglalarawan kung paano nagsasama-sama ang isang buong komunidad upang magbahagi ng mga katulad na halaga. Tinatawag din itong 'hive mind' (isip ng pukyutan), 'group mind' (isip ng grupo), 'mass mind' (isip ng masa o isip ng maramihan) at 'social mind' (panlipunang isip). [4]

Kolektibong kamalayan sa lipunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang lipunan ay binubuo ng iba't ibang kolektibong grupo tulad ng pamilya, komunidad, organisasyon, rehiyon, at bansa. Ayon kina Burns at Egdahl, ang mga grupong ito ay may kakayahang ahente: mag-isip, maghusga, magpasya, kumilos, magbago, at magmuni-muni sa kanilang sarili at sa kanilang pakikisalamuha sa iba. Iminumungkahi na ang iba't ibang pambansang pag-uugali ay nag-iiba ayon sa magkakaibang kolektibong kamalayan sa pagitan ng mga bansa." Ipinapakita nito na ang pagkakaiba-iba sa kolektibong kamalayan ay maaaring magkaroon ng praktikal na kahalagahan

Ayon sa isang teorya, ang katangian ng kolektibong kamalayan ay nakadepende sa uri ng "mnemonic encoding" na ginagamit ng isang grupo (Tsoukalas, 2007). Ang tiyak na uri ng "encoding" ay may inaasahang epekto sa pag-uugali at ideolohiya ng grupo. Ang mga impormal na grupo, na nagkikita nang madalang at biglaan, ay may posibilidad na tandaan ang mahahalagang bagay tungkol sa kanilang komunidad bilang episodic memories o mga alaala ng partikular na karanasan. Ito ay kadalasang nagdudulot ng malakas na pagsasama-sama at pagkakaisa, masayang kapaligiran, eksklusibong kultura, at limitadong social networks. Ang mga pormal na grupo, na may naka-iskedyul at hindi personal na mga pagpupulong, ay may tendensiyang tandaan ang mahahalagang bagay sa kanilang komunidad bilang semantiko o pangkalahatang alaala. Ito ay kadalasang humahantong sa mahinang pagsasama-sama at pagkakaisa, mas katamtamang kapaligiran, mas inklusibong kultura, at mas malawak na social networks.

Tradisyong pampanitikan at pasalita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa isang pag-aaral tungkol sa isang kwentong bayan ng Serbia, sinuri ni Wolfgang Ernst ang kolektibong kamalayan sa pamamagitan ng mga anyo ng media, partikular na ang oral at pampanitikang tradisyon. Sinabi niya na ang kasalukuyang pag-aaral ay lumilihis mula sa dati nitong pokus sa indibidwal at kolektibong alaala bilang paksa ng pananaliksik.[5] Mayroon pa ring kolektibong kamalayan sa pamamagitan ng ibinahaging pagpapahalaga sa mga kwentong bayan at tradisyong pasalita. Ang mga kwentong bayan ay nagpapahintulot sa mga tao at tagapakinig na magkasama sa isang karaniwang karanasan at pinagsasaluhang pamana. Sa kaso ng Serbian folk 'gusle', ipinagmamalaki ng mga Serbiano ang instrumentong pangmusika na ito ng epikong tula at oral na tradisyon at tinutugtog ito sa mga sosyal na pagtitipon. Ang mga pagpapahayag ng sining at kultura ay mga pagpapahayag ng isang kolektibong kamalayan o mga pagpapahayag ng maraming realidad sa lipunan. [6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Thomas E. Wren, Conceptions of Culture: What Multicultural Educators Need to Know, p. 64
  2. Combs, A., & Krippner, S. (2008). "Collective consciousness and the social brain". Journal of Consciousness Studies. 15: 264–276.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  3. Luke, David (2011). "Discarnate entities and dimethyltryptamine (DMT): Psychopharmacology, phenomenology and ontology". Journal of the Society for Psychical Research. 75(902[1])[1]: 26–42.
  4. John D. Greenwood The Disappearance of the Social in American Social Psychology 2004, p. 110
  5. Ernst, Wolfgang (2017). "'Electrified Voices': Non-Human Agencies of Socio-Cultural Memory"". Sa Blom, Ina; Lundemo, Trond; Røssaak, Eivind (mga pat.). Memory in Motion. Amsterdam University Press. pp. 41–60. doi:10.2307/j.ctt1jd94f0.5. ISBN 9789462982147. JSTOR j.ctt1jd94f0.5.
  6. Ernst, Wolfgang (2017). "'Electrified Voices': Non-Human Agencies of Socio-Cultural Memory"". Sa Blom, Ina; Lundemo, Trond; Røssaak, Eivind (mga pat.). Memory in Motion. Amsterdam University Press. p. 45. doi:10.2307/j.ctt1jd94f0.5. ISBN 9789462982147. JSTOR j.ctt1jd94f0.5.