Kolyadka
Ang Kolyadka (Ukranyo: колядка, Tseko: koleda, Bulgaro: коледарска песен, Rumano: colindă) ay mga tradisyonal na kantang karaniwang inaawit sa mga bansa sa Silangang Eslabo, Gitnang Europa at Silangang Europa (Ukranya, Serbia, Slovakia, Tseko, Polonya, Bulgaria, Belarus, Romania) sa panahon ng kapaskuhan na karaniwang nasa pagitan ng Enero 7 at 14. Kasabay nito ang pag-awit ng mga Ukranyo ng mga kolyadka at schedrivka sa pagitan ng Disyembre 19 at Enero 19.[1][2] Ang mga Katolikong Kristiyano at Protestante na naninirahan sa mga bansang ito ay umaawit ng kolyadkas sa at malapit sa Bisperas ng Pasko. Ito ay pinaniniwalaan na ang lahat ng kinakanta ay magkakatotoo.[3]
Ang pag-awit ng mga Kolyadka ay isang napakakaraniwang tradisyon sa mga modernong bansang Eslabo. Bilang karagdagan, ang Kolyadkas ay madalas na inaawit sa mga bansa kung saan naroroon ang malalaking diaspora, kabilang ang mga Ukranyanong nakatira sa Canada (1,251,170 katao[4]).[5][6]
Ang kasaysayan ng kolyadka
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Kolyadka ay ginamit mula pa noong panahonng pre-Kristiyanong Kievan Rus'. Ang mga kantang iyon ay ginamit sa mga layunin ng ritwal. Inilarawan ng unang kolyadka ang mga ideya ng mga sinaunang tao tungkol sa paglikha, natural na mga kababalaghan, at estruktura ng mundo. Sa pagdating ng Kristiyanismo, ang nilalaman ng mga kolyadka ay nagsimulang makakuha ng may-katuturang kahulugan at tampok sa relihiyon.
Kaya ngayon ang mga kolyadka ay halos mga awiting Pasko na naglalarawan sa kapanganakan ni Hesukristo at mga kuwento sa Bibliya na nangyari kaugnay ng kaganapan. Gayunpaman, naroon pa rin ang mga paganong ugat.
Ang mga Ukranyano ay umaawit ng mga kolyadka at schedrivka mula sa holiday ni San Mykolay o Saint Nicholas Day (Disyembre 19) hanggang sa holiday ng binyag ni Hesus (Enero 19).[7][8] Mayroong iba pang uri ng mga ritwal na kanta ng mga pista sa taglamig maliban sa kolyadka sa Ukranya, na pinangalanang mga schedrivka at zasivalka. Sa katunayan ang kanilang mga layunin ay malinaw na nahahati.[9] Ngunit sa modernong kulturang Ukrainyano ang mga konseptong ito ay magkakaugnay, magkakahalo at nakakuha ng mga katangian ng bawat isa.
Mga kolyadka na inialay sa mga santo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroong ilang mga kolyadkang inialay kay Saint Mykolay sa Ukranya. Kabilang sa mga ito: "Ой, хто, хто Миколая любить" ("Iyong Nagmamahal kay San Nicolas"),[10] "Ходить по землі Святий Миколай" ("Si San Mykolay ay Naglalakad sa Buong Mundo"),[11] "Миклайтий, Миклай до нас завітай!" ( Mykolay, Mykolay, Bumisita sa Amin! ).[12]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Хорова капела "Дударик" — Новини". www.dudaryk.ua. Nakuha noong 2017-01-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Українська естрада (2015-12-21), ВІА "Ватра" - Від Миколая до Йордана (концерт 1992), inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-05, nakuha noong 2017-01-26
{{citation}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "::Best of Ukraine ::Holidays in Ukraine". Nakuha noong 2007-05-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Canada, Government of Canada, Statistics. "unknown". www12.statcan.gc.ca (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-01-26.
{{cite web}}
: Cite uses generic title (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ "Ukrainian folk music Canada Toronto, Christmas song, коляда, колядки — Скачать mp3 песни без регистрации — muz-info.org". muz-info.org (sa wikang Ruso). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2022-02-04. Nakuha noong 2017-01-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ukrainian Folk Music Canada Toronto Christmas Song Band Homerlas - Music Host". www.musichost.me (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-11-07. Nakuha noong 2017-01-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ MsUpucka (2013-12-19), Євромайдан. Діти співають колядки на Миколая., inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-05, nakuha noong 2017-01-26
{{citation}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ MsUpucka (2013-12-19), Євромайдан. Діти співають колядки на Миколая., inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-05, nakuha noong 2017-01-26
{{citation}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Топ-10 українських засівалок на свято Василя (14 січня)". Щастя-Здоровля (sa wikang Ukranyo). 2017-01-13. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-02-02. Nakuha noong 2017-01-26.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zakharii (2012-04-10), Ой Хто Хто Миколая любить (Who loves St. Nicholas) - Ukrainian Christmas carol, inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-12-21, nakuha noong 2017-01-26
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zakharii (2014-01-02), Ходить по землі Святий Миколай (Sviatyj Mykolaj) - Ukrainian song, inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-06, nakuha noong 2017-01-26
{{citation}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zakharii (2013-12-15), Миколай, Миколай ти до нас завітай! -- Ukrainian song "St. Nicholas", inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-06, nakuha noong 2017-01-26
{{citation}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)