Komparatibong politika
Ang komparatibong politika ay isang larangan at isang pamaraang ginagamit sa agham pampolitika na inilalarawan gamit ang pamaraang mula sa obserbasyon base sa "komparatibong pamaraan". Sa madaling salita, ang komparatibong politika ay isang pag-aaral sa pplitikang panloob, mga institusyong politikal, at hidwaan ng bansa. Ito ay kadalasang tumatalakay sa paghahambing ng mga bansa at, di kalaunan, sa bawat bansa kung saan binibigyang diin ang pangunahing mga bakas ng pagkakatulad at pagkakaiba. Pinangatuwiranan ni Arend Lijphart na ang komparatibong politika ay walang substantibong tuon, sa halip ay isang metodolohikal na tuon: binibigyang diin nito ang tanong na "paano ngunit hindi ang pagtukoy sa tanong na ano ng pagsusuri." Sa madaling salita, ang komparatibong politika ay hindi natutukoy sa paksa nitong pinag-aaralan, sa halip ang pamaraang ginagamit sa pag-aaral ng mga kaganapang politikal. Nagsulong naman ng bahagyang ibang kahulugan sina Peter Mair at Richard Rose na nagsasabing ang kahulugan ng komparatibong pulitika ay ang pagsasama ng substantibong tuon ng pag-aaral sa sistemang pulitikal ng mga bansa at ang pamaraan ng pagtukoy at pagpapaliwanag ng mga pagkakatulad at pagkakaiba sa pagitan ng mga bansa gamit ang mga konseptong karaniwan. Isinaad ni Rose na, ayon sa kanyang pagbibigay kahulugan: Ang tuon ay malinaw o likas na tungkol sa higit isang bansa, samakatuwid ay sumusunod sa mga pamilyar na gamit sa agham pampolitika sa pagsasantabi ng paghahambing sa loob ng isang bansa. Kung iaayon sa pamaraan, ang paghahambing ay naiiba sa paggamit nito ng mga konseptong magagamit sa higit isang bansa.
Kung gagamitin sa mga tiyak na larangan ng pag-aaral, ang komparatibong politika ay maaaring tukuyin sa ibang mga pangalan, tulad halimbawa ay komparatibong pamahalaan (ang komparatibong pag-aaral sa mga anyo ng pamahalaan) o komparatibong patakarang panlabas (paghahambing ng mga patakarang panlabas ng iba’t ibang estado upang bumuo ng pangkalahatang mula sa obserbasyon na pagkakaugnay sa pagitan ng mga katangian ng estado at mga katangian ng patakarang panlabas nito.)
Minsan, lalung-lalo na sa Estados Unidos, and katawagang "komparatibong politika" ay ginagamit upang tukuyin "ang politika ng mga dayuhang bansa.: Ang paggamit ng katawagang ito, sa kabilang panig, ay kadalasang tinuturing na hindi tama.