Pumunta sa nilalaman

Kondensada

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kondensadang gatas)
De-lata ng kondensada

Ang gatas na kondensada ay ang gatas na mula sa baka na pinasingaw o pinadaan sa proseso ng ebaporasyon ang kabahagi nitong tubig, at nilinis din o pinadaan sa proseso ng isterilisasyon sa pamamagitan ng init. Karamihan sa ganitong mga kondensada ang nilagyan ng maraming bilang ng asukal at karaniwang matatagpuang nakalata na mula sa mga pamilihan. Pinakamainam sa mga malalapot at pinatamis na gatas na ito ang nagmumula sa gatas na "buo" o buhat sa gatas na hinaluan ng krema. Gawa mula sa sinalapsapan o hinapawang gatas (tinanggalan ng mga lulutang-lutang) iyong mga mababang uri ng kondensadang gatas, kaya't mas minamarapat na gamitin lamang sa pagluluto.[1]

Bilang pagkain ng sanggol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang panuntunan, hindi dapat pulos gatas na kondensada ang pagkain para sa batang sanggol, anuman ang uri nito. Kabilang sa kadahilanan ang kahihinatnang pagkakaroon ng mga sakit na kakulangan sa bitamina D (rickets) at kakulangan sa bitamina C (scurvy) ng katawan kung puro kondensadang gatas ang ipinaiinom sa bata, ngunit malulunasan ang kakulangan sa diyeta ng bitamina C sa pamamagitan ng pagbibigay sa sanggol ng isang kutsaritang katas ng narangha dalawang beses sa loob ng isang araw.[1]

  1. 1.0 1.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Condensed milk". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 185.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.