Kongklabeng Pampapa ng 2025
Kongklabeng Pampapa Mayo 2025 | |
---|---|
Mga petsa at lokasyon | |
7-8 Mayo 2025 Kapilya Sistina, Palasyong Apostoliko, Lungsod ng Vaticano | |
Mga pangunahing opisyal | |
Dekano | Giovanni Battista Re |
Pangalawang Dekano | Leonardo Sandri |
Camerlengo | Kevin Farrell |
Protopari | Michael Michai Kitbunchu |
Protodekano | Dominique Mamberti |
Kalihim | Ilson de Jesus Montanari |
Halalan | |
Mga maghahalal | 133 |
Mga kandidato | See Papabili |
Mga balota | 3 (walang papang nahalal) |
Nahalal na papa | |
Robert Francis Prevost Kinuhang pangalan: Leon XIV | |
Isang kongklabeng pampapa ang naganap mula noong 7 Mayo 2025 sa Lungsod ng Vaticano upang pumili ng bagong papa na hahalili kay Papa Francisco, na namatay noong 21 Abril 2025 sa edad na 88.[1][2] Sa lahat ng 135 kardinal na maaaring bumoto, lahat maliban sa dalawa ang dumalo; dahil dito, 89 na boto ang kinakailangan upang maabot ang kinakailangang dalawang-ikatlong supermajority.
Noong 6:07 n.g. CEST (16:07 UTC) noong 8 Mayo, puting usok ang lumabas sa palausukan sa Kapilya Sistina, na hudyat na may nahalal nang isang bagong papa sa ikaapat na balota.[3] Hinalal ng kongklabe si Kardinal Robert Francis Prevost, na kinuha ang pangalang Leon XIV.
Pamamaraan ng halalang pampapa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tulad ng sa kongklabeng pampapa ng 2013, parehong lagpas na sa edad na 80 ang dekano at bise-dekano ng Kolehiyo ng mga Kardinal, at hindi na maaaring lumahok. Dahil dito, ang pinakamatandang Obispo Kardinal na hindi lalagpas sa 80 ang edad na si Pietro Parolin ang siyang mamumuno ng kongklabe.[4]
Oras at mga pamamaraan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa apostolikong konstitusyon ni Juan Pablo II noong 1996 na Universi Dominici gregis, na siyang inayos nang bahagya ng motu proprio Normas nonnullas ni Benedicto XVI noong 2013, mayroong hindi bababa sa 15 araw matapos mabakante ang luklukan bago magpulong ang mga kardinal. Maaaring simulan ng mas maaga ang kongklabe kapag lahat ng mga kardinal na maaaring lumahok ay nakarating na, o mas huli kung may mga seryosong dahilan para sa pagpapaliban, ngunit hindi dapat lalampas sa 20 araw pagkatapos mabakante ang pwesto.[5] Noong 28 Abril 2025, itinakda ng ikalimang pangkalahatang kongregasyon ng mga kardinal na magsisimula ang kongklabe sa 7 Mayo 2025.[6]
![]() | |
---|---|
Rehiyon | Bilang |
Italya
|
17 |
Iba pang bahagi
ng Europa |
35 |
Aprika
|
17 |
Asya
|
23 |
Oseaniya
|
4 |
Hilagang Amerika
|
20 |
Timog Amerika
|
17 |
Kabuuan | 133 |
Mga kardinal na maghahalal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hindi maaaring lumahok ang mga kardinal na 80-taong gulang o mas matanda bago ang araw na nabakante ang kapapahan. Noong 21 Abril 2025, mayroong 252 kardinal, kung saan 135 ang nasa ilalim ng 80-taong gulang; 108 (80%) ng mga potensyal na maghahalal ay hinirang ni Francis bilang mga kardinal.[7][8]
Mula sa pagpapahayag ng Romano Pontifici eligendo noong 1975 at ng Universi Dominici gregis, 120 ang sukdulan ng dami ng mga kardinal na maghahalal. Ang kongklabe ng 2025 ang magiging unang kongklabe kung saan mayroong higit sa 120 na mga cardinal ang karapat-dapat noong araw na nabakante ang pagkapapa mula nang ipakilala ang sukdulan na 120 noong 1975.[9] Gayunpaman, sinumang kardinal na wala pang 80-taong gulang na hindi tinalikuran ang kaniyang mga karapatan sa pagboto (o inalis ang mga ito) ay may karapatan sa ilalim ng batas kanoniko na bumoto sa isang kongklabe. Maraming mga abogado sa Batas Kanoniko ang nag-iisip na gumagawa ng isang pagbubukod ang papa sa kaniyang sariling mga patakaran kapag siya ay nagtalaga ng higit sa 120 mga maghahalal at ang lahat ng kasalukuyang mga kardinal sa ilalim ng 80 ay karapat-dapat na makapasok sa kongklabe.[9][10] Ang pagpapalagay na ito ay kinumpirma ng pangkalahatang kongregasyon ng mga kardinal noong 30 Abril, na nagsasaad na ang lahat ng mga kardinal na maghahalal na naroroon para sa kongklabe ay maaaring bumoto.[11] Ang mga kardinal na hindi maaaring bumoto ay maaaring dumalo sa mga pangkalahatang kongregasyon at mga talakayan bago ang kongklabe.[12]
Bagama't ang mga kardinal sa kongklabe ay maaaring pumili ng sinumang Katolikong lalaki na nabinyag na, ang huling pagkakataong nahalal ang isang hindi kardinal ay nong kongklabeng pampapa ng 1378.[13]
Mga hindi makikilahok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bagama't dati nang nagpahiwatig na susubukan niyang makilahok sa kongklabe,[14] ipinahayag noong 29 Abril 2025 ni Kardinal Cardinal Giovanni Angelo Becciu na tinalikuran ang kaniyang mga karapatan bilang isang kardinal dahil sa iskandalo sa pananalapi,[15] na susundin niya ang hiling ni Pope Francis na hindi lumahok sa kongklabe.[16] Dahil sa kaniyang diskwalipikasyon, ang kabuuang bilang ng mga karapat-dapat na maghahalal ay naging 135.[17]
Mga problema sa kalusugan ang humadlang sa mga kardinal na sina Antonio Cañizares Llovera ng Espanya at John Njue ng Kenya mula sa paglahok sa kongklabe.[18] Dahil dito, ang bilang ng mga kalahok ay bumaba sa 133, at 89 na boto ang kinakailangan upang maabot ang kinakailangang dalawang-ikatlong mayorya. Ito ang pinakamalaking bilang ng mga maghahalal na lumahok sa isang kongklabe.
Kongklabe
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Unang araw
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 7 Mayo, nagsimula ang kongklabe para ihalal ang kahalili ni Francisco. Pinangunahan ito ni Kardinal Giovanni Battista Re, ang dekano ng Kolehiyo ng mga Kardinal, ipinagdiriwang ang Misang pro eligendo Pontifice (lit. na 'para sa halalan ng Papa') sa Basilika ni San Pedro ng 10 n.u. CEST.[19] Lahat ng mga kawani ng suporta, gaya ng mga sakristan, kawaning pangmedikal, tagapagpaandar ng elebeytor, at ang direktor ng mga serbisyong panseguridad para sa Lungsod ng Vaticano, kasama ang mga opisyal ng conclave, ay nanumpa ng pagkamalihim noong 5 Mayo.[20][21][22]
Noong 4:30 n.h., opisyal nang nagsimula ang kongklabe sa isang panalangin sa Cappella Paolina,[23] at pagkatapos nito, pumasok ang mga maghahalal sa Kapilya Sistina sa isang prusisyon. Pagdating doon, kinanta ng lahat ng 133 maghahalal na kardinal ang himnong Veni Creator Spiritus ("Come, Creator Spirit"), at pagkatapos ay sumumpa sa kanilang sarili sa pagkamalihim.[24][25] Inilagay ng bawat kardinal na maghahalal sa pagkakasunud-sunod ng katandaan ang kaniyang mga kamay sa isang aklat ng mga Ebanghelyo at ginawa ang paninindigan nang malakas sa Latin: Et ego [pangunahing pangalan] Cardinalis [apelyido] spondeo, voveo ac iuro. Sic me Deus adiuvet et haec Sancta Dei Evangelia, quae manu mea tango. (At ako, si [pangunahing pangalan] Kardinal [apelyido], ay nangangako, nangako, at nanunumpa. Kaya tulungan mo ako Panginoon at sa mga Banal na Ebanghelyong ito na hinahawakan ko ng aking kamay.) Habang nanunumpa, ginamit ng ilang mga kardinal ang kanilang pangalan sa anyong Latin.[26]
Natapos ang unang araw ng kongklabe noong 9:00 n.g. (19:00 UTC) matapos lumabas ang itim na usok mula sa pausukan ng Kapilyang Sistina na nagpapahiwatig na ang boto ay hindi nagresulta sa paghalal ng isang bagong papa.[27]

Ikalawang araw
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pang-umagang pagpupulong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang ikalawang araw ng kongklabe sa dalawang balota, na natapos noong 10:30 n.u. at 11:45 n.u.. Lumitaw ang itim na usok mula sa pausukan ng Kapilyang Sistina noong 11:51 n.u., muling nagpapahiwatig na walang nahalal na papa. Hindi kinakailangang magpausok pagkatapos ng bawat balota, dahil ang mga tarheta ng balota mula sa dalawang hindi matagumpay na boto sa isang pagpupulong sa umaga o isang pagpupulong sa hapon ay karaniwang sinusunog nang magkasama,[28] na gumagawa ng usok sa dulo lamang ng bawat pagpupulong.[29][30]
Panghapong pagpupulong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkatapos ng kanilang tanghalian, bumalik ang mga kardinal sa Kapilya para sa dalawa pang boto. Ang ikaapat na balota ay nagbunga ng isang nanalo, at puting usok ang lumalabas sa pausukan noong 6:07 n.g., na sinundan ng pagtunog ng mga kampana ng Basilika ni San Pedro, na nagpapahiwatig na mayroon nang nahalal na bagong papa.[31][32] Hindi nagtagal pagkatapos lumabas ang puting usok, pumarad ang mga banda ng Guwardiyang Suwisa at Hukbong Italyano sa Plaza ni San Pedro. Ipinahayag ni Kardinal Dominique Mamberti na nahalal si Kardinal Robert Francis Prevost bilang Papa, ang unang Amerikanong papa sa kasaysayan. Pinili niya ang pangalang Papa Leon XIV.[33]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Pope Francis dies aged 88". BBC News (sa wikang Ingles). 21 Abril 2025. Nakuha noong 7 Mayo 2025.
- ↑ "Dichiarazione del Direttore della Sala Stampa della Santa Sede, Matteo Bruni" [Statement by the Director of the Holy See Press Office, Matteo Bruni]. Vatican Press (sa wikang Italyano). 21 Abril 2025. Nakuha noong 21 Abril 2025.
- ↑ Krupa, Jakub (8 Mayo 2025). "Conclave live: cardinals resume voting on new pope". The Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Mayo 2025.
- ↑ Brown, Ph.D., B. Kevin (22 Abril 2025). "Electing a New Pope: A Religious Studies Professor Explains". Gonzaga University (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Mayo 2025.
- ↑ "Universi Dominici Gregis". Vatican.va. Banal na Luklukan. 22 Pebrero 2013. Nakuha noong 7 Mayo 2025.
- ↑ Bacon, John (28 Abril 2025). "Conclave to elect new pope begins May 7: When will we see white smoke? Live updates". USA Today (sa wikang Ingles). Nakuha noong 7 Mayo 2025.
- ↑ Sherwood, Harriet (21 Abril 2025). "Conclave: the Vatican's secret process for choosing a new pope". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ White, Christopher (22 Abril 2025). "Who will be the next pope? Inside the race to succeed Francis". National Catholic Reporter (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ 9.0 9.1 Condon, Ed (10 Marso 2025). "Is there really a limit on the number of cardinals in a conclave?". The Pillar (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ Allen, John L., Jr. (Hulyo 2004). Conclave: The Politics, Personalities, and Process of the Next Papal Election. New York City: Doubleday. p. 110. ISBN 0-385-50453-5. Nakuha noong 8 Mayo 2025.
{{cite book}}
: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ "Cardinals recognize right to vote of all Cardinal electors in conclave". Vatican News (sa wikang Ingles). 30 Abril 2025. Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ Villalvilla, Elena L. (22 Abril 2025). "El Vaticano pierde a uno de sus cardenales españoles electores: Antonio Cañizares no participará en el cónclave". Infobae (sa wikang Kastila). Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ Miranda, Salvador. "Conclaves of the 14th Century (1303-1394)". The Cardinals of the Holy Roman Church (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2016. Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ Said-Moorhouse, Lauren; Lamb, Christopher (23 Abril 2025). "Convicted cardinal demands to be part of conclave to choose new pope, setting up Vatican standoff". CNN (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Abril 2025. Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ "Vatican Cardinal Angelo Becciu resigns from office and 'rights' of cardinals". Catholic News Agency (sa wikang Ingles). 24 Setyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Abril 2021. Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ "Cardinal Becciu renounces participation in upcoming conclave". Vatican News (sa wikang Ingles). 29 Abril 2025. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Abril 2025. Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ Said-Moorhouse, Lauren; Lamb, Christopher (23 Abril 2025). "Convicted cardinal demands to be part of conclave to choose new pope, setting up Vatican standoff". CNN (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Abril 2025. Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ Millare, Kristina (30 Abril 2025). "2 cardinal electors, from Spain and Kenya, will not attend upcoming conclave" (sa wikang Ingles). Catholic News Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Abril 2025. Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ "Holy Mass for the Election of the Roman Pontiff". Vatican.va (sa wikang Ingles). Banal na Luklukan. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Mayo 2025. Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ "Oath of Officials and Conclave Officers". Vatican.va (sa wikang Ingles). Banal na Luklukan. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Mayo 2025. Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ Esteves, Junno Arocho (29 Abril 2025). "Vatican drivers, staff to swear oath of secrecy ahead of conclave". OSV News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ Balmer, Crispian; McElwee, Joshua; Pullella, Philip (7 Mayo 2025). "Black smoke signals no pope elected in first conclave vote". Reuters (sa wikang Ingles). Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ "Conclave, the first smoke is late: over 40 thousand people in St. Peter's Square stare at the chimney". L'Unione Sarda English (sa wikang Ingles). 7 Mayo 2025. Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ Brennan, David; Haworth, Jon; Jacobo, Julia; Forrester, Megan (7 Mayo 2025). "Papal conclave live updates: Cardinals take oath of secrecy ahead of conclave". ABC News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Mayo 2025. Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ "Entrance into Conclave and Oath". Vatican.va (sa wikang Ingles). Banal na Luklukan. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Mayo 2025. Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ Krupa, Jakub (7 Mayo 2025). "Conclave begins as locking of Sistine Chapel signals formal start to process to elect new pope – live". The Guardian (sa wikang Ingles). ISSN 0261-3077. Nakuha noong 8 Mayo 2025.
- ↑ Krupa, Jakub (7 Mayo 2025). "Conclave begins as locking of Sistine Chapel signals formal start to process to elect new pope – live". The Guardian. ISSN 0261-3077. Nakuha noong 9 Mayo 2025.
- ↑ Povoledo, Elisabetta (7 Mayo 2025). "What Does Black Smoke Mean During Conclave to Elect New Pope?". The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Mayo 2025.
The ballots are burned after two rounds of voting, unless a pope is chosen.
- ↑ "Pope live: Cardinals return for day two of papal conclave after black smoke on first night". BBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 May 2025.
- ↑ "Pope conclave live: Black smoke emerges in St Peter's Square, indicating no decision on new pope". BBC News (sa wikang Ingles). 7 Mayo 2025. Nakuha noong 9 Mayo 2025.
- ↑ "Seconda fumata nera: a che ora sarà la prossima e quante votazioni per il Papa ci sono oggi". Quotidiano Nazionale (sa wikang Italyano). 8 Mayo 2025. Nakuha noong 9 Mayo 2025.
- ↑ Smith, Alexander (8 Mayo 2025). "Vatican conclave chooses new pope". NBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Mayo 2025.
- ↑ Hammond, Christian Edwards, Lauren Kent, Olivia Kemp, Billy Stockwell, Maureen Chowdhury, Elise (8 Mayo 2025). "Live updates: Conclave elects Cardinal Robert Prevost to be Pope". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Mayo 2025.
{{cite web}}
: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)