Pumunta sa nilalaman

Konseho ng mga Komisaryong Bayan ng Unyong Sobyetiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Konseho ng mga Komisaryong Bayan ng Unyong ng mga Sobyetiko Sosyalistang Republika
Совет Народных Комиссаров Союза Советских Социалистических Республик (Ruso)

Ang gusali ng Senado ng Kremlin, kung saan matatagpuan ang kalihim ng Tagapangulo ng Konseho ng mga Komisaryong Bayan ng Unyong Sobyetiko
Buod ng Ahensya
PagkabuoHulyo 6, 1923
Preceding
BinuwagMarso 15, 1946
Superseding agency
Kapamahalaan Soviet Union
Punong himpilanUnyong Sobyet, Mosku, Kremlin
Mga tagapagpaganap ng ahensiya
Pinagmulan na ahensiyaEhekutibong Sentral na Komite ng Unyong Sobyetiko,
Kataas-taasang Sobyet ng Unyong Sobyetiko

Ang Konseho ng mga Komisaryong Bayan ng Unyong Sobyetiko, dinadaglat sa wikang Ruso na Sovnarkom, ay ang pinakamataas na organong kolehiyal ng ehekutibo at administratibong awtoridad ng Unyong Sobyetiko mula 1923 hanggang 1946.

Bilang pamahalaan ng Unyong Sobyet, ang Konseho ng mga Komisaryong Bayan ng Unyong Sobyetiko at ang mga Komisaryong Bayan na pinamumunuan nito ay may mahalagang papel sa mga makabuluhang kaganapan para sa bansa at lipunan gaya ng pagbangon ng ekonomiya pagkatapos ng Digmaang Sibil, ang Bagong Patakaran sa Ekonomiya, kolektibisasyon sa agrikultura, elektripikasyon, industriyalisasyon, limang taong plano para sa pagpapaunlad ng pambansang ekonomiya, pagsensor (censorship), paglaban sa relihiyon, panunupil at pag-uusig sa pulitika, ang Gulag, ang deportasyon ng mga tao, ang pagsasanib ng mga Estadong Baltiko at iba pang mga teritoryo ng Unyong Sobyet, ang organisasyon ng kilusang partisan, ang organisasyon ng pang-industriyang produksyon sa panahon ng Dakilang Digmaang Makabayan. Noong 1946, ito ay ginawang Konseho ng mga Ministro ng Unyong Sobyetiko.

Ang paglikha ng Konseho ng mga Komisaryong Bayan ng Unyong Sobyetiko bilang ehekutibong katawan ng Ehekutibong Sentral na Komite ng Unyong Sobyetiko ay itinadhana ng Kasunduan ng Pagtatag ng USSR. Sa unang pagkakataon ang pagdadaglat na "Sovnarkom" ay ginamit sa kasunduang ito. Si Leon Trotsky ay orihinal na nagmungkahi na pangalanan ang pamahalaan ni Lenin bilang Konseho ng mga Komisaryong Bayan.[1]

Ang pinagmulan ng Konseho ng mga Komisaryong Bayan ng Unyong Sobyetiko ay ang Konseho ng mga Komisaryong Bayan ng Sobyetikong Rusya - ang una sa kasaysayan ng estado ng Sobyet ay isang panel ng mga tagapangulo ng mga komisyon na ipinagkatiwala sa "pamamahala ng ilang sangay ng buhay ng estado". Binuo ng mga atas ng Pangalawang Komite ng Pangkalahatang Rusong Kongreso (2nd All-Russian Congress of Soviets) at ng Pangkalahatang Rusong Ehekutibong Sentral na Komite (All-Russian Central Executive Committee) noong Nobyembre 9, 1917,[2] limang taon bago ang Kasaysayan ng Unyong Sobyet. Ang Konseho ng Komisaryong Bayan na pinamumunuan ni Vladimir Lenin ay ang pamahalaan ng Sobyetikong Republika ng Rusya (mula noong 1918 – ang Sobyetikong Pederatibong Sosyalistang Republika ng Rusya). Matapos ang pagbuo ng Unyong Sobyet, ang Konseho ng mga Komisyon ng Bayan ng Sobyetikong Pederatibong Sosyalistang Republika ng Rusya ay nag-ugnay sa mga aktibidad ng mga republikang Sobyet na naging bahagi ng Unyong Sobyetiko, na talagang naging unang pamahalaan ng bansa sa pagitan ng mga paglagda ng Kasunduan sa Pagtatag ng Unyong Sobyetiko noong Disyembre 29, 1922 at ang pagbuo ng Konseho ng mga Komisaryong Bayan ng Unyong Sobyetiko noong Hulyo 6, 1923.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Service, Robert (16 Abril 2010). Trotsky: A Biography (sa wikang Filipino). Pan Macmillan. p. 188. ISBN 978-0-330-52268-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. All-Russian Central Executive Committee. Decree establishing the Council of People's Commissars, inaprubahan noong Nobyembre 9, 1917