Korina Sanchez
Kailangang isapanahon ang artikulong ito.(Hunyo 2021) |
Korina Sanchez-Roxas | |
---|---|
Kapanganakan | Korina Maria Sanchez 5 Oktubre 1964[1] |
Nasyonalidad | Filipino |
Ibang pangalan | Korina, Koring, K |
Edukasyon |
|
Trabaho | Journalist |
Aktibong taon | 1992-present |
Kilalang kredit |
|
Asawa | Mar Roxas (m. 2009) |
Website | korinasanchezroxas.com |
Si Korina Sanchez (Buong pangalan: Korina Maria Sanchez-Roxas; Palayaw: Koring) ay isang TV host at mamamahayag na Pilipino.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Korina Sanchez sa Hong Kong noong 5 Oktubre 1964. Anak siya nina Ramon Sanchez, isang tagapangasiwa sa Ambassador Hotel, at Celia Baluyut, isang mang-aawit. Ang pamilya Sanchez ay bumalik ng Pilipinas ng itaguyod ng mga magulang niya ang isang kompanyang gumagawa ng mga posturyosong alpombra.
Nag-aral si Korina Sanchez sa Maryknoll College (ngayo'y Miriam College) na kung saan nagtapos siya ng kursong Communications Arts. Nag-aral rin siya ng wikang Pranses sa Alliance Francaise de Manille. Sa panahon ding ito nag-aral si Korina Sanchez sa Programs Philippines Incorporated na kung saan ay nag-aral siya ng pamamahayag. Di kalaunan ay naging takapahayag siya ng balita sa telebisyon.
Nagsimula si Korina Sanchez sa pag-uulat ng panahon bago siya naging tagabalita. Nang buksan muli ang ABS-CBN matapos ang Edsa Revolution noong taong 1986, si Korina Sanchez ay isa sa mga unang host at mamamahayag dito. Siya ang host at tagapangasiwang ng mga tanyag na programang pantelebisyon tulad ng Magandang Umaga, Bayan (kasama ang kapwa mamamahayag at ang nakaraang pangalawang pangulo ng Pilipinas na si Noli de Castro), Hoy Gising!, Balitang K, Isyu 101 at TV Patrol.
Nakasama niya si Kris Aquino sa programang Morning Girls with Kris and Korina at ngayo'y host siya ng sarili niyang lingguhang programa na Rated K: Handa Na Ba Kayo? at ng programang pambalita ng ABS-CBN na Bandila. Maririnig din siya sa radyo sa programa ng DZMM na pinamagatang Tambalang Failon at Sanchez.
Mga Parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Korina Sanchez ay pinagkalooban ng iba't ibang parangal...tulad ng Gawad CCP para sa Telebisyon, Community Outstanding Young Achievers Awards, Catholic Mass Media Awards, KBP Golden Dove Awards at PMPC Star Awards. Siya ay ginawaran din ng parangal bilang Best Newscaster para sa TV Patrol, Best Talk Show Host para sa Morning Girls with Kris and Korina, Pipol of the Year 2004, at Best Female Newscaster ng Unibersidad ng Santo Tomas noong 2005.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "TOP LIST: Stars turning 50 in 2014". Philippine Entertainment Portal. 16 Enero 2014. Nakuha noong 28 Abril 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Diola, Camille (6 Enero 2014). "Korina temporarily leaves radio show". The Philippine Star. Nakuha noong 28 Abril 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rosal, Malou E (29 Setyembre 2007). "Icon with a K". The Philippine Star. Nakuha noong 28 Abril 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Pahinang Paguugnay
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Korina Sánchez Online Naka-arkibo 2006-11-05 sa Wayback Machine.
- Korina Sanchez sa IMDb
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.