Koronasyong kanonika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang koronasyong kanonika o koronasyong pampuntipika (Latin: coronatio canonica) ay isang banal na institusyonal na pagkilos ng Santo Papa, marapat na ipinahayag sa pamamagitan ng Bulang Pampapa, kung saan ipinagkalooban niya ng mala-adornong korona, diyadema o sinag sa ulo sa isang imaheng Mariana, Kristolohikal, o Hosepiyano[1][2][3][4]

Ang pormal na paggawa ay isinasagawa nang pangkalahatan ng isang kumakatawan kahalili ng Santo Papa, isang Legadong pampapa, o sa pambihirang okasyon ng Pontipiko mismo, sa pamamagitan ng malaseremonyang pagputong ng isang korona, tiyara, o malatalang sinag sa ulo sa pinipintuhong imahen o rebulto.[5]

Dati, ang Banal na Tanggapan ay naglalabas ng pahintulot ng koronasyong kanonika sa pamamagitan ng dikasteryo, na tinatawag na "Balangay na Batikana". Kasunod hanggang 1989 ang Sagradong Konggregasyon ng mga Rito ay inatasan ang tungkulin nito. Simula noon, ang Konggregasyon para sa Banal na Pagsamba at Disiplina ng mga Sakramento ay nagsasaayos upang maisagawa ang malaseremonyang pagsasagawa kung saan pinapahintulutan ng dikreto.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Pilipinong Obispong Reynaldo G. Evangelista, kumakatawan sa ngalan ni Papa Francisco kinokoronahan ang imahen ng Birhen ng Soledad ng Porta Vaga sa Pilipinas.

Ang pormal na paggawa ng koronasyon tungo sa mga imahen ni Maria ay nagsimula sa mga Orden ng mga Prayleng Kaputsinong Minor, na nasa kanilang mga misyon sa pag-e-ebanghelyo nangongolekta ng mga kahanga-hangang dami ng mga hiyas na nauugnay sa pagsasagawa ng mga indulhensiya, na pinondohan sa kahilingan ng tapat, ang mga gintong korona o mga aksesorya para sa imahen ni Birheng Maria, pangunahin sa Italya. Ang isang natatanging prayleng Kaputsino, Jeronimo Paolucci di Calboldi di Forli (1552-1620), ay isang pangunahing tagapagtaguyod para sa kaugaliang ito, at kinilala sa panahon ng kanyang buhay bilang pinroklama nang sarili "Apostol ng Piangpalang Babae." Pagkatapos ng simpleng homilya, kinoronahan ni Forli ang Birheng Nag-aalaga, ngayo'y nakadambana sa Dambana ng Santa Maria della Steccata sa lungsod ng Parma ng Italya noong 27 Mayo 1601.[6]

Kinabukasan, noong 3 Hulyo 1636, namatay ang Markes ng Piacenza at Konde ng Borgonovo na si Alessandro Sforza Cesarini, may iniwan sa pamamagitan ng habilin at testamento ng isang malaking halaga ng salapi sa Balangay ng Batikana, para sa puhunan ng paggawa ng mga korona gawa sa mga mahahalagang metal para sa koronasyon ng mga imahen ni Maria na lubos na ipnagdiriwang sa daigdig. Ang mga pondo mula sa kanyang ipinamana ay napunta sa pagsasaayos muli ng ‘’Madonna della Febbre’’ na nakadambana sa sakristiya ng Basilika ni San Pedro sa Roma.[7]

Pag-unlad ng rito[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang dikretong Pampapa na inilabas ni Papa Pio XII para sa koronasyong kanonika ng Virgen de los Remedios de Pampanga noong 1956.

Ang pagpapatupad ng rito ng koronasyon ng isang mapagpitagang imahen ay naging malawak na tanyag sa mga Estadong Pampapa bago ang 1800, nang humigit-kumulang 300 ritong koronasyon ay isinagawa. Noong 29 Marso 1897, ang opisyal na rito ay isinama sa Romanong Pontipikal, para sa plenaryong indulhensya na nakatanggap din ng mga mananampalataya na sumali sa mga nasabing rito.[8]

Pagdadambana ng rito[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang taimtim na rito ng mga nakoronahang imahe ay nakapaloob sa "Ordo Coronandi Imaginem Beatae Mariae Virginis", na nalathala ng Banal na Tanggapan noong 25 Mayo 1981. Bago ang 1989, ang mga bulang pampapa na nagpapahintulot sa mga koronasyong kanonika ay manu-manong nakasulat sa pergamino. Pagkatapos ng 1989, ang Konggregasyon para sa Banal na Pagsamba at Disiplina ng mga Sakramento na nagsimulang maglabas ng mga awtorisasyon, sa gayon pinahihintulutan ang isang legadong Pampapa upang isagawa ang koronasyon ng mga naaprubahang imaheng pinipintuho sa ngalan ng Santo Papa.

Mga kinoronahang kanonika sa Pilipinas[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga imahen ni Birheng Maria na kinoronahang kanonika[baguhin | baguhin ang wikitext]

Opisyal na Titulo ng Imahen Petsa ng Koronasyon Lugar ng Pamimintuho Nagbigay-Kapangyarihan Imahen ng Birheng Maria Dambana
Nuestra Señora del Santísimo Rosario, La Naval de Manila (Mula noong 1593) 5 Oktubre 1907 Lungsod Quezon Papa Pio X Our Lady of La Naval de Manila.jpg Santo Domingo Church Quezon City 34.jpg
Nuestra Señora de Peñafrancia (Mula noong 1710) 20 Setyembre 1924 Lungsod Naga, Camarines Sur Papa Pio XI Basilica Minore of Our Lady of Penafrancia, Naga City, Philippines.JPG
Nuestra Señora del Santísimo Rosario de Manaoag (Dumating noong 1605) 22 Abril 1926 Manaoag, Pangasinan Papa Pio XI Our Lady of Manaoag 1.JPG Manaoag Church.jpeg
Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje (Dumating noong 1626) 26 Nobyembre 1926 Lungsod Antipolo, Rizal Papa Pio XI Katedral ng Antipolo.jpg
Nuestra Señora de la Visitación de Piat (Dumating noong 1604) 20 Hunyo 1954 Piat, Cagayan Papa Pio XI Our Lady of Piat church.jpg
Nuestra Señora de la Regla (Mula noong 1735) 27 Nobyembre 1954 Opon, Cebu Papa Pio XII De La Regla de Cebu.jpg
Virgen de la Regla church.JPG
Nuestra Señora de Caysasay (Natuklasan noong 1603)[9] 8 Disyembre 1954 Taal, Batangas Papa Pio XII NS de IC de Caysasay.jpg Shrine of Our Lady of Caysasay.JPG
Nuestra Señora de Guía (Natuklasan noong 1571) 30 Disyembre 1955 Ermita, Maynila Papa Pio XII Nuestra Señora De Guia.jpg Ermita Church facade.JPG
Nuestra Señora de Caridad de Bantay (Mula noong ika-18 dantaon) 12 Enero 1956 Bantay, Ilocos Sur Papa Pio XII Bantay Church Ilocos Sur.jpg
Virgen de los Remedios de Pampanga (Mula noong 1955) 8 Setyembre 1956 Lungsod San Fernando, Pampanga Papa Pio XII Remedios de Pampanga.jpg JfChapel529Remediesfvf.JPG
Mahal na Ina ng Biglang-Awa ng Boac (Mula noong ika-18 dantaon) 10 Mayo 1958 Boac, Marinduque Papa Pio XII Biglang-Awa ng Boac.jpg Boac cathedral, Marinduque.jpg
Nuestra Señora del Santísimo Rosario de Orani (Natuklasan noong 1718) 18 Abril 1959 Orani, Bataan Papa Juan XXIII Our Lady of Orani.jpg
Nuestra Señora de Namacpacan (Dumating noong ng 1822) 25 Nobyembre 1959 Luna, La Union Papa Juan XXIII Our Lady of Namacpacan, Profile.jpg FvfLunaChurchMuseum8758 22.JPG
Nuestra Señora del Pilar de Zamboanga (Dumating noong ng 1635) 12 Oktubre 1960 Lungsod Zamboanga Papa Juan XXIII Fort Pilar Shrine el Altar.JPG
La Virgen Divina Pastora de Gapan (Mula noong 1802)[10] 26 Abril 1964 Lungsod Gapan, Nueva Ecija Papa Pablo VI FvfGapanCoronation7538 03.JPG Divina pastora shrine.jpg
Nuestra Señora de Salvación (Mula noong 1776) 25 Agosto 1976 Joroan, Tiwi, Albay Papa Pablo VI Our Lady of Salvation.JPG
Nuestra Señora de la Candelaria (Mula noong mga 1630) 20 Pebrero 1981 Jaro, Lungsod Iloilo Papa Juan Pablo II Jaro Cathedral.jpg
Nuestra Señora de Peñafrancia de Manila (Mula noong 1697) 10 Nobyembre 1985 Paco, Maynila Papa Juan Pablo II NS Peñafrancia de Manila.jpg Facade of Peñafrancia Church in Paco.jpg
La Inmaculada Concepción de Malabon (Mula noong 1700) 7 Disyembre 1986 Concepción, Lungsod Malabon Papa Juan Pablo II JfImmaculateConceptionParishofMalabonfvf 35.JPG JfImmaculateConceptionParishChurchMalabonfvf 04.JPG
Nuestra Señora de los Desamparados de Manila (Dumating noong sa 1719) 12 Mayo 1991 Santa Ana, Maynila Papa Juan Pablo II Desamparadosdemanila2014.jpg Church of Santa Ana facade.jpg
Nuestra Señora del Carmen de San Sebastián (Dumating noong 1617) 18 Agosto 1991 Quiapo, Maynila Papa Juan Pablo II San Sebastian Basilica - Our Lady of Mt. Carmel.JPG Basílica de San Sebastián, (Agustinos Recoletos) Manila, Filipinas..jpg
Nuestra Señora del Santísimo Rosario de Ubanon (Mula noong ika-19 na dantaon) 15 Oktubre 1995 Boao-Ubanon, Catbalogan, Samar Papa Juan Pablo II Nuestra Senora del Santisimo Rosario de Ubanon of Catbalogan.jpg
Nuestra Señora de la Consolación y Correa (Mula noong 1677) 4 Setyembre 2000 Intramuros, Maynila Papa Juan Pablo II FvfIntramurosChurch2759 13.JPG Ph-mm-manila-intramuros-san agustin church (2014).JPG
Nuestra Señora del Buen Suceso de Palanyag (Nakarating noong 1580)[11] 8 September 2000 La Huerta, Lungsod Parañaque Papa Juan Pablo II Buen Suceso De Parañaque.jpg ParañaqueCathedraljf0029 01.JPG
Nuestra Señora de los Desamparados de Marikina (Mula noong 1902) 23 Oktubre 2005 Lungsod Marikina Papa Benedicto XVI OurLadyoftheAbandonedParishjf9827 14.JPG
Nuestra Señora de Guadalupe de Cebu[12] 16 July 2006 Lungsod Cebu Papa Benedicto XVI Original image of Guadalupe de Cebu.jpg Phils Cebu Our Lady of Guadalupe Church.JPG
La Inmaculada Concepción de Pásig 7 Disyembre 2008 Malinao, Lungsod Pasig Papa Benedicto XVI PasigCathedraljf0030 11.JPG Immaculate Conception Cathedral Pasig City.JPG
La Inmaculada Concepción de Malolos[13] 10 Marso 2012 Malolos, Bulacan Papa Benedicto XVI MalolosCathedraljf0718 07.JPG Malolos Cathedral.JPG
Nuestra Señora de Candelaria de Paracale 1 Setyembre 2012 Paracale, Camarines Norte Papa Benedicto XVI NSCandelariaParacale.jpg
Nuestra Señora del Pilar de Imus[14] 3 Disyembre 2012 Lungsod Imus, Cavite Papa Benedicto XVI Del Pilar de Imus.jpg ImusCathedraljf0399 03.JPG
Nuestra Señora del Pilar de Libmanan[15] 11 Oktubre 2015 Libmanan, Camarines Sur Papa Francisco Nuestra Senora del Pilar de Libmanan.jpg
Nuestra Señora de Aranzazu[16][17] 31 May 2017 San Mateo, Rizal Papa Francisco NSAranzazu.jpg Diocesan Shrine of Our Lady of Aranzazu.jpg
Nuestra Señora del Pilar de Manila[18] 7 Disyembre 2017 Santa Cruz, Maynila Papa Francisco Nuestra Senora Del Pilar de Manila.jpg Santa Cruz Church Main Facade.jpg
La Virgen Milagrosa de Badoc (1620)[19][20] 31 Mayo 2018 Badoc, Ilocos Norte Papa Francisco Milagrosa de Badoc.jpg Badoc Church 001.JPG
Mary, Help of Christians of Pangasinan
(Nagpagawa muli)[21][22]
22 Agosto 2018[23] San Fabian, Pangasinan Papa Francisco
Nuestra Señora del Pilar de Morong[24] 10 Oktubre 2018 Morong, Bataan Papa Francisco Morongchurchjf7247 01.JPG
Nuestra Señora de la Soledad de Porta Vaga[25] 18 Nobyembre 2018 Lungsod Cavite, Cavite Papa Francisco 2016 Official Portrait of Our Lady of Solitude of Porta Vaga.jpg CaviteChurchjf5414 03.JPG
Mahal na Ina ng Kaliwanagan
(Nagpagawa muli)[26]
1 Disyembre 2018[27] Cainta, Rizal Papa Francisco OurLadyofLightParishjf9849 03.JPG
Virgen de la Rosa de Macati[28] 16 March 2019 Lungsod Makati Papa Francisco Virgen de la Rosa de Macati.jpg View of Poblacion church from Plaza Cristo Rey.JPG
La Purisima Concepcion de Santa Maria[29] 1 Pebrero 2020 Santa Maria, Bulacan Papa Francisco Santa Maria Bulacan CHURCH.png
Nuestra Señora del Carmen de Nueva Manila 15 Agosto 2020 Lungsod Quezon Papa Francisco NS del Carmen de Nueva Manila.jpg Our Lady of Mt. Carmel, Quezon City Philippines.jpg
Nuestra Señora de Lourdes de Retiro (1894) 22 Agosto 2020 Lungsod Quezon Papa Francisco Lourdeswiki.jpg 09528jfNational Shrine of Our Lady of Lourdes Schoolfvf 08.JPG
Nuestra Señora de los Dolores de Quezon 25 Marso 2021 Dolores, Quezon Papa Francisco Dolores de Quezon.jpg Doloeres,Quezonjf9918 39.JPG
Mater Dolorosa de Tarlac[30] 5 Hunyo 2021 Capas, Tarlac Papa Francisco Mater Dolorosa de Tarlac.jpg 0142jfDolores Church Parish Roads Welcome Capas Tarlacfvf 08.JPG
Nuestra Señora de la Merced de Novaliches[31] 24 Setyembre 2021 Novaliches, Lungsod Quezon Papa Francisco NS De La Merced Novaliches.jpg Shrine of Our Lady of Mercy, Novaliches, Quezon City.jpg
Nuestra Señora de los Dolores de Turumba Isasapetsa[a] Pakil, Laguna Papa Francisco Dolores de Turumba.jpg The Pakil Church or the San Pedro de Alcantara Church in Pakil, Laguna.jpg

Mga imaheng Kristolohikal na kinoronahang kanonika[baguhin | baguhin ang wikitext]

Opisyal na Titulo ng Imahen Petsa ng Koronasyon Lugar ng Pamimintuho Nagbigay-Kapangyarihan Imahen ng Batang Hesus Dambana
Santo Niño de Cebú[32] 28 Abril 1965 Lungsod Cebu, Cebu Papa Pablo VI Original Image of the Santo Niño de Cebu.jpg Basilica del Santo Niño de Cebu.jpg

Mga tala[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Ang pinahintulutang dikreto ay inilabas noong 24 Mayo 2021 ng Batikana. Ang eksaktong petsa ng koronasyon ay hindi pa inihayag at inaasahang magaganap sa 2022 kasunod ng pagsasaayos ng simbahan.

Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. "Mensaje con motivo del 50 aniversario de la coronación de la imagen de la Virgen del Camino (19 de octubre de 1980) - Juan Pablo II". w2.vatican.va.
  2. "Radiomensaje a los fieles mexicanos con ocasión del 50 aniversario de la coronación canónica de la Virgen de Guadalupe (12 de octubre de 1945) - PIUS XII". w2.vatican.va.
  3. "ENSIKLOPEDIYANG KATOLIKO: Mga Bula at Mga Buod". Newadvent.org. 1 Nobyembre 1908. Nakuha noong 6 Abril 2015.
  4. "Canonical Coronation of La Virgen de la Esperanza Macarena | Hermandad de la Macarena". Hermandaddelamacarena.es. Nakuha noong 6 Abril 2015.
  5. "Address to members of the Vatican Chapter". Vatican.va. Nakuha noong 6 Abril 2015.
  6. Juan Carrero Rodríguez [es] (2019). "11. Coronación Canónica". La Virgen de los Reyes (sa wikang Kastila). Spain: Editorial Almuzara, Colección Andalucía. ISBN 978-8418-0894-04.{{cite book}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  7. Moroni, Gaetano (1842). Dizionario di erudizione storico-ecclesiastica da S. Pietro sino ai nostri …. Nakuha noong 6 Abril 2015.
  8. Romanong Ritwal: Mga Pagpapala, Praenotanda num. 28; ritwal na koronasyon ng isang imahen ni Birheng Maria, mga blg. 10 at 14.
  9. "Bulang pampapa para sa Koronasyong Kanonika". Flickr. Nakuha noong 2018-07-17.
  10. "Ang Malinaw na Sipi ng Bulang Pampapa ng Koronasyong Kanonika ng La Virgen Divina Pastora". Flickr. Nakuha noong 2018-07-17.
  11. "The Bull of the Canonical Coronation of Nuestra Señora del Buen Suceso in Latin". Flickr. Nakuha noong 2018-07-17.
  12. "Congregatio De Cultu Divino Et Disciplina Sacramentorum". Flickr. Nakuha noong 2018-08-01.
  13. "Bula ng Koronasyong Kanonika". Flickr. Nakuha noong 2018-07-17.
  14. "Bulang Pampapa para sa Koronasyong Kanonika ng Ina ng Haligi". Flickr. Nakuha noong 2018-07-17.
  15. "Esculturas Religiosas en las Filipinas". www.facebook.com. Nakuha noong 2018-07-17.
  16. "Ina ng Aranzazu kinoronahang kanonika". Manila Bulletin News. Tinago mula sa orihinal noong 2018-01-08. Nakuha noong 2018-01-08.
  17. "Devotion". Dambana at Parokya ng Ina ng Aranzazu. 2017-05-03. Tinago mula sa orihinal noong 2018-07-17. Nakuha noong 2018-07-17.
  18. "Koronasyong Kanonika ng Nuestra Señora del Pilar | CBCPNews". CBCPNews. Nakuha noong 2018-01-08.
  19. "'Patrona ng Ilocos Norte' kokoronahang pampontipika | CBCPNews". CBCPNews. Nakuha noong 2018-02-03.
  20. "'Patrona ng Ilocos Norte' kokoronahang pampontipika | CBCPNews". CBCPNews. Nakuha noong 2018-07-17.
  21. "Dikreto ng Koronasyong Kanonika". Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan. Nakuha noong 2018-04-20.
  22. "Dikreto ng Koronasyong Kanonika". Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan. Nakuha noong 2018-04-20.
  23. "Circular 2018-9". Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan. Nakuha noong 2018-04-26.
  24. "Pope approves Del Pillar de Morong's Pontifical Coronation". Shrine & Parish of Our Lady of Aranzazu. 2018-04-17. Tinago mula sa orihinal noong 2018-04-18. Nakuha noong 2018-04-17.
  25. "Mga Kabitenyo Ikinagalak para sa Pag-apruba ng Koronasyong Pontipikal ng Soledad de Porta Vaga". Shrine & Parish of Our Lady of Aranzazu. 2018-04-24. Tinago mula sa orihinal noong 2018-04-26. Nakuha noong 2018-04-26.
  26. "UPDATE: Ina ng Kaliwanagan magiging Ika-4 na Coronada ng Diyosesis ng Antipolo". Shrine & Parish of Our Lady of Aranzazu. 2018-01-07. Tinago mula sa orihinal noong 2018-01-08. Nakuha noong 2018-01-08.
  27. "Koronasyong Kanonika ng Ina ng Kaliwanagan, itinakda sa Disyembre 1 – Dioecesis Antipolensis". www.dioceseofantipolo.org. Tinago mula sa orihinal noong 2018-02-19. Nakuha noong 2018-02-18.
  28. "Cofradia de la Virgen de la Rosa". www.facebook.com. Nakuha noong 2018-11-26.
  29. "Imahen ni Birheng Maria mula sa Bulacan kokoronahing kanonika". Manila Bulletin News (sa wikang Ingles). Tinago mula sa orihinal noong 2019-06-09. Nakuha noong 2019-10-01.
  30. "Papa sinang-ayunan ang koronasyong kanonikal ng imahen ni Maria ng Tarlac". CBCP Balita (sa wikang Ingles). 2020-10-26. Nakuha noong 2020-10-27.
  31. "Santo Papa iginawad ng koronasyong kanonika kay 'Ina ng Novaliches'". CBCPNews (sa wikang Ingles). 2021-06-07. Nakuha noong 2021-06-07.
  32. Dennisraymondm (2010-01-06). "Traditional Roman Catholic Philippines - Societas Ecclesia Dei Sancti Ioseph - Una Voce: 1965: The Quadricentennial Year of Catholicism in the Philippines: The Canonical Coronation of the Sto. Nino de Cebu". Traditional Roman Catholic Philippines - Societas Ecclesia Dei Sancti Ioseph - Una Voce. Nakuha noong 2018-07-17.

Mga karagdagang babasahin[baguhin | baguhin ang wikitext]

  • Santoro, Nicholas Joseph (2011). Maria sa Ating Buhay: Atlas ng mga Pangalan at mga Titulo ni Maria, ang Ina ni Hesus, at Kanilang Lugar sa Debosyon kay Maria. iUniverse. ISBN 978-1-4620-4022-3.
  • Brie, Steve; Daggers, Jenny; Torevell, David, mga pat. (2009). Banal na Puwang: Mga Pananaw ng Interdisiplinaryo sa loob ng mga Magkapanabay na Konteksto. Cambridge Scholars Publishing. ISBN 978-1-4438-0642-8. Tingnan lalo sa kabanata 4, Pagkonsumo, mga Sagradong Lugar at mga Puwang sa mga kontekstong Walang Galang: Isang Paghahambing sa pagitan ng Nagkakaisang Kaharian (UK) at Indiya" ni Jan Brown, John Phillips at Vishwas Maheshwari na gumawa ng isang pagkakatulad sa pagitan ng nakaugaliang paggalang sa relihiyon at mga kapanahong abala na may palakasan, pamimili at pelikula.
  • de Lubac, Henri. Ang Walang Hanggang Pagkababae: isang pag-aaral sa isang teksto ni Teilhard de Chardin. Trans. René Hague. New York: Harper & Row, 1971. Tingnan sa pp. 125–6. Ipinagtibay ni de Lubac SJ ang pananaw, unang itinaguyod ni Teilhard de Chardin SJ, kung saan ipinapahayag na ang kulto ni Maria (pamimintuho sa, koronasyon atbp.) ay isang mahahalagang pagwawasto ng lubos na panlalaki ng pagka-diyos ng Lumang Tipan sa katauhan ng Yaweh, at kaya't dito ay ang pagkakatawang-tao ng pagkababae ng Poong Maykapal