Kosmolohiyang relihiyoso

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang isang kosmolohiyang relihiyoso o kosmolohiyang panrelihiyon ang paraan ng pagpapaliwanag ng pinagmulan, kasaysayan at ebolusyon ng uniberso batay sa mga paniniwalang pang-relihiyon at mitolohikal. Ito ay karaniwang kinabibilangan ng isang akto o proseso ng paglikha ng diyos na manlilikha o mas malaking pantheon.

Mga halimbawa[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangalan May akda at petsa Kaurian Mga komento
Kosmolohiyang Hindu Hindu Rigveda (2000  BCE) Siklikal o paurong sulong, walang hangganan sa panahon Ang isang siklo ng pag-iral ay mga 311 taon at ang buhay ng isang uniberso ay mga 8 bilyong taon. Ang siklong pangunibersong ito ay pinangunahan ng isang walang hangganang bilang ng mga uniberso at susundan ng isa pang walang hangganganang bilang ng mga uniberso. Ito ay kinabibilangan ng isang walang hanggang bilang ng mga uniberso sa isang ibinigay na panahon. Ayon kay Carl Sagan, "Ang relihiyong Hindu ang tanging isa sa mga dakilang pananampalataya ng mundo na nakatalaga sa ideya na ang mismong cosmos ay sumasailalim sa isang malaking, walang hangganang bilang ng mga kapanganakan at kamatayan. Ito ang tanging relihiyon na ang mga siklo ng panahon ay tumutugma, walang pagdududa sa aksidente, sa modernong kosmolohiyang siyentipiko. Ang mga siklo nito ay tumatakbo mula sa ating ordinaryong araw at gabi sa isang araw at gabi ni Brahma, 8.64 bilyong taong haba, mas mahaba sa edad ng mundo o araw at mga kalahti ng panahon simula Big Bang. At may higit na mas mahaba pang mga iskala ng panahon."
Kosmolohiyang Jain Jain Agamas (isinulat nong mga 500 CE ayon sa mga katuruan niMahavira 599-527 BCE) Siklikal o paurong sulong, walang hanggananan at may hangganan Itinuturing ng kosmolohiyang ang loka, o uniberso bilang isang hindi nilikhang entidad na umiiral simula pa sa walang hanggan. Ang hugis ng uniberso ay katulad ng isang taong nakatayo na nakabukaka at ang braso ay nakalagay sa baywang. Ang unibersong ito ayon sa Jainismo ay malawak sa tuktok, makitid sa gitna at muling nagiging malawak sa ilalim.
Kosmolohiyang Babilonyano Panitikang Babilonyano (c. 3000 BCE) Isang patag na mundo na nakalutang sa isang walang hangganang "mga katubigan ng kaguluhan" Ang mundo at mga langit ay bumubuo ng isang unit sa loob ng isang walang hangganang "mga katubigan ng kaguluhan". Ang mundo ay patag at sirkular at ang isang solidong domo (ang firmament) ay nagpipigil sa isang panlabas na karagatang-kaguluhan.
Kosmolohiyang Biblikal Paglikha ayon sa Genesis (c.500 BCE) Isang patag na mundong nakalutang sa isang walang hangganang "mga katubigan ng kaguluhan" Ito ay hinango sa kosmolohiyang Babilonyano. Ang mundo at mga kalangitan ay bumubuo ng isang unit sa loob ng isang walang hangganang "mga katubigan ng kaguluhan". Ang mundo ay patag at sirkular at ang isang solidong domo(firmament) ay nagpipigil sa isang panlabas na karagatang-kaguluhan.