Kotse

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang kotse ay isang de-makinang sasakyan na may mga gulong, kayang umandar sa sarili na ginagamit para sa transportasyon. Karamihan sa kahulugan ng terminong ito ay nagsasabing ang mga kotse ay ginawa at dinesenyo para tumakbo sa mga kalsada, para magbigay ng upuan para sa isa hanggang walong tao, karaniwang mayroong apat na gulong, at ginawa lalong lalo na para sa paglipat ng mga tao kaysa sa mga ibang produkto. Ang taong 1886 ay itinala bilang kapanganakan ng modernong kotse. Sa taong iyon, isang Alemang imbentor na si Karl Benz ay nagtayo ng Benz Patent-Motorwagen. Ang mga kotse ay hindi nagamit nang maramihan hanggang maagang 20th siglo. Ang 1908 Model T, isang Amerikanong kotse na ginawa ng Ford Motor Company, ay isa sa mga pinakaunang kotse na pwedeng magamit ng taong masa. Ang mga kotse ay mabilis na lumaganap sa Estados Unidos, kung saan pinalitan nila ang larawang-hayop na daladalahan at mga karetela, pero tumagal ng mas mahabang panahon para

tanggapin ng Kanlurang Europa at iba pang mas hindi maunlad na parte ng mundo.

Modelong "Velo" (1894) ni Karl Benz - pumasok sa naunang mga karerahan ng awtomobil

Nilagyan ng mga kasangkapan na ginagamit sa pagmamaneho, pagparada, at para sa kaginhawaan at kaligtasan ng pasahero ang mga kotse. May idinagdag din na mga bagong pangkontrol sa mga sasakyan, ginawa itong mas komplikado. Halimbawa nito ay air conditioning, navigating systems at car entertainment. Karamihan sa mga kotse na ginagamit sa ngayon ay tumatakbo gamit ang internal combustion engine, gamit ang mabilis na pagliyab ng gasolina (kilala rin bilang petrol) o diesel. Parehong nagdudulot ng polusyon sa hangin at meron ding kontribusyon sa pagbabago ng klima at pag-init ng mundo. May mga sasakyang gumagamit ng ethanol flexibe-fuel at natural gas na nagkakaroon ng popularidad sa ibang bansa.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

"Car." Wikipedia. Wikimedia Foundation. Web. 25 June 2015.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.