Krisis sa Marawi

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Labanan sa Marawi
Bahagi ng Away sa mga Moro, Digmaan laban sa droga sa Pilipinas[1] at Digmaan laban sa terorismo
Bombing on Marawi City.jpg
Pinapakita ng larawang ito ang nasusunog na gusali na kung saan binomba ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.
Petsa ika-23 ng Mayo, 2017 – kasalukuyan
Lokasyon Marawi, Lanao del Sur, Pilipinas
8°00′38″N 124°17′52″E / 8.0106°N 124.2977°E / 8.0106; 124.2977
Estado Nagpapatuloy
  • Batas militar, inihayag sa buong Mindanao sa loob ng 60 araw
  • Nabawi na ng mga puwersa ng pamahalaan ang 90% ng Marawi sa ngayon (ika-16 ng Hunyo)[2][3]
Mga Nakikidigma
 Pilipinas

Sinusuportahan ng:
Islamikong Estado ng Irak at ang Levant (mga kaakibat nitong militante)
Pinuno
Rodrigo Duterte
(Pangulo ng Pilipinas)
Delfin Lorenzana
Eduardo Año
Ronald dela Rosa
Isnilon Hapilon
(pinuno ng Abu Sayyaf)
Omar at Abdullah Maute[7]
(mga pinuno ng Pangkat ng Maute)
Kasali
Sandatahang Lakas ng Pilipinas

Philippine National Police seal.svg Pambansang Pulisya ng Pilipinas


Estados Unidos Mga natatanging hukbong pang-operasyon ng Estados Unidos (tulong teknikal)[8]

Pangkat ng Maute
Abu Sayyaf
Mga Lumalaban para sa Kalayaan ng Islamikong Bangsamoro
Ansar Khalifa Pilipinas[9]
Lakas
higit 3,000[10] 500 (pagtataya)[11]
Nawala
69 ang namatay,[12] 297 ang sugatan[13][14] 289 bandido ang napatay,[15][16] 13 ang nahuli
85 sibilyan ang namatay (kabilang ang mga namatay dahil sa sakit)[13][17][18][19][20]
180,000 ang lumikas[21]
Krisis sa Marawi is located in Philippines
Ang kinaroroonan ng Marawi sa Pilipinas
Ang Marawi, kung saan pinangyarihan ang krisis.

Ang Krisis sa Marawi o Labanan sa Marawi,[22][23] ay ang kasalukuyang bakbakan sa Marawi sa pagitan ng puwersa ng Pamahalaan ng Pilipinas at ang mga kaakibat na militante ng Islamikong Estado ng Irak at ang Levant, kabilang ang mga pangkat ng Maute at Abu Sayyaf na nagsimula noong ika-23 ng Mayo, 2017.[24]

Inihayag ng pamahalaan ng Pilipinas na nagsimula ang mga pag-atake nang inilunsad nila ang opensiba sa lungsod upang hulihin si Isnilon Hapilon ng grupong Abu Sayyaf, pagkatapos makatanggap ng mga ulat na si Hapilon ay nasa lungsod, maaaring upang makipagkita sa mga militante ng pangkat ng Maute.[25][26]

Isang madugong bakbakan ang nagsimula nang ang puwersa ni Hapilon ay nagpaputok sa pinagsamang hukbo ng militar at pulis at nagpatawag ng dagdag na hukbo mula sa Maute, isang armadong pangkat na nanumpa ng pakikipagalyansa sa Islamikong Estado ng Irak at Syria at ang mga pinaniniwalaang responsable sa pagsabog sa lungsod ng Dabaw noong 2016, ayon sa mga tagapagsalita ng militar.[27]

Nilusob ng mga bandidong Maute ang Kampo Ranao at inokupa ang ilang mga gusali sa lungsod, kasama ang Marawi City Hall, Pamantasang Estado ng Mindanao, isang ospital at bilibid.[27] Inokupa rin ng pangkat ang pangunahing kalsada at sinunog ang Simbahan ni Santa Maria, Paaralang Ninoy Aquino, at Kolehiyo ng Dansalan na pinangangasiwaan ng United Church of Christ in the Philippines (Nagkakaisang Simbahan ni Kristo sa Pilipinas) o UCCP.[28] Sinalakay rin ng pangkat ang Katedral ng Marawi at binihag ang isang pari, pati ang ilang mga nagsimba.[29]

Noong ika-26 ng Mayo, 2017, kinumpirma ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na ang mga dayuhang terorista ay lumalaban kasama ang Maute sa Marawi at ang kanilang pangunahing layunin ay magtaas ng watawat ng Islamikong Estado sa Kapitolyong Panlalawigan ng Lanao del Sur at magpahayag ng wilayat o panlalawigang teritoryo ng Islamikong Estado sa Lanao del Sur.[30][31]

Sa likod ng pangyayari[baguhin | baguhin ang batayan]

Si Isnilon Hapilon, kasalukuyan niyang pinamumunuan ang mga teroristang pangkat sa labanan sa Marawi.

Pangkalahatan[baguhin | baguhin ang batayan]

Nakapagtatag ang pangkat ng Maute ng matibay na tanggulan sa Lanao del Sur mula Pebrero 2016 at ang sinisi sa pambobomba sa lungsod ng Dabaw at sa dalawang pagsalakay sa Butig, Lanao del Sur, isang bayang matatagpuan sa timog ng Marawi, noong 2016.[32] Mula noong itinatag ang pangkat noong 2013, minaliit ng pamahalaan ng Pilipinas ang banta ng Islamikong Estado sa Pilipinas.[33] Kasunod ng bakbakan sa Butig noong Pebrero 2016 laban sa mga Maute, itinanggi ni noo'y Pangulong Benigno Aquino III na maaaring may presensya ang Islamikong Estado sa bansa. Sinabi niyang ang mga nasa likod ng pagsalakay ay mga mersenaryong nais lamang makilala ng teroristang pangkat na nakabatay sa Gitnang Silangan.[34]

Ang pangkat ng Abu Sayyaf, na sinisi sa mga nakamamatay na pambobomba at pandurukot sa nakaraan, ay iniulat rin na nanumpa ng pakikipagalyansa sa kilusan ng Islamikong Estado mula pa noong 2014.[35] Isa sa mga pinuno nito na si Isnilon Hapilon, ay kabilang sa mga "most wanted" na terorista ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos na may pabuyang aabot sa $5 milyon para sa kanyang pagkahuli.[24] Kasunod ng pagdukot at pagpugot ng ulo sa negosyanteng taga-Canada na si John Ridsdel noong Abril 2016, isiniwalat ni Aquino na nakatanggap siya ng mga banta sa buhay mula sa pangkat, at binalak rin ng Abu Sayyaf na dukutin ang kanyang kapatid na si Kris Aquino at si pambansang kamao Manny Pacquiao.[36][37] Kinilala rin ni Aquino si Hapilon na ang sa likod ng mga pagtatangkang palitan ng relihiyon at isanib sa kanila ang mga bilanggo sa New Bilibid Prison at simulan ang planong pambobomba sa Kalakhang Maynila na sinabi niyang "bahagi ng kanilang pagsusumikap na makakuha ng pabor sa Islamikong Estado."[38]

Noong Nobyembre 2016, kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ugnayan ng Maute sa Islamikong Estado kahit na inihayag pa rin ng militar na ang Islamikong Estado ay hindi nakapagtatag ng mga ugnayan sa Pilipinas.[32] Sa gitna ng mabagsik na bakbakan sa Butig noong ika-30 ng Nobyembre 2016, si Duterte ay nagiwan ng babala sa pangkat ng Maute: "Ayaw ko makipag-away sa inyo. Ayaw ko makipag-patayan, ngunit pakiusap, huwag niyo akong pilitin. Hindi ako maaaring maglakbay rito buwan-buwan para lang makipag-usap, at pagtalikod ko patayan nanaman. Ayaw ko nang magbanggit pa nang kung anuman, ngunit pakiusap, huwag niyo akong pilitin."[39][40]

Noong ika-2 ng Disyembre 2016, pagkatapos mabawi ng militar ang Butig, ang mga umuurong na Maute ay iniulat na nagiwan ng sulat na nagbabantang pupugutan ng ulo sina Duterte at ang militar.[41] Noong ika-12 ng Disyembre 2016, sa isang talumpati bago mag-hapunan sa Wallace Business Forum, nangahas si Duterte sa mga Maute na lusubin ang Marawi, sinabing: "Dahil nagbanta sila (Maute) na bumaba mula sa bundok upang sakupin ang Marawi? Gawin niyo. Hihintayin namin kayo roon. Walang problema."[42][43]

Mula Abril hanggang Mayo 2017, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga puwersa ng pamahalaan ng Pilipinas at Abu Sayyaf sa Inabanga, Bohol dahil sa mga natanggap na ulat na balak mandukot ng banyaga ang pangkat na nagdulot ng pagkamatay ng hindi hihigit sa apat na sundalo.[44]

Pasimula sa labanan[baguhin | baguhin ang batayan]

Inihayag ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na ang labanan sa Marawi ay dahil sa isinagawang operasyon ng militar sa koordinasyon ng Pambansang Pulisya, taliwas sa mga naunang ulat na ang labanan ay sinimulan ng mga militante. Nakatanggap ng mga ulat ang mga puwersa ng pamahalaan na ang isang pangkat ng mga mandirigmang Abu Sayyaf na pinamumunuan ni Isnilon Hapilon ay nasa Marawi upang maaaring makipagkita sa pangkat ng Maute.[26]

Ayon kay Rolando Bautista, pinuno ng Dibisyong Tabak ng Hukbong Katihan, nakatanggap sila ng mga ulat na sasakupin ng mga lokal na teroristang pangkat ang Marawi dalawa hanggang tatlong linggo bago ang pagsisimula ng mga sagupaan.[45] Habang ang pinagsamang militar at pulis ay nagsagawa ng pagsosona sa Marawi upang patunayan ang impormasyon na ang mga kahina-hinalang tao, kasama sina Omar at Abdullah Maute, ay nagsasama-sama sa pook, sila ang nakita sa halip na si Isnilon Hapilon, ang pinuno ng Abu Sayyaf na unang naiulat na nakapagtatag ng direktang ugnayan sa Islamikong Estado at kamakailang inilipat ang kanyang base sa mga lalawigan ng Lanao.[45] Iminungkahi rin ng intelihensya ng militar na ang pangkat ni Hapilon sa Abu Sayyaf ay may ugnayan na sa Maute at iba pang mga lokal na teroristang pangkat na nanumpa ng pakikipagalyansa sa Islamikong Estado. Ayon sa Sandatahang Lakas, itong "pagkakaisa" ng mga hukbo ay ang ikatlo sa apat na hakbang na kinakailangang makumpleto ng mga pangkat na nais makasali sa Islamikong Estado. Ang ikaapat na hakbang ay ang pagtatatag ng wilayat o teritoryo nang si Hapilon ay naunang iniulat na itinalaga bilang emir ng mga puwersa ng Islamikong Estado sa Pilipinas.[45][46]

Ang Kagawaran ng Katarungan ng Estados Unidos ay inilista si Hapilon bilang isa sa mga "most wanted" na terorista sa daigdig na may pabuya nang aabot sa $5 milyon para sa kanyang pagkahuli.[24]

Iniulat ng mga residente ng Marawi ang pagdating ng isang armadong pangkat sa kanilang lugar at pagkatapos na beripikahin ng Sandatahang Lakas ang impormasyon, naglunsad ng militar ng isang oplang surhikal upang mahuli si Hapilon.[26]

Pagtugon ng pamahalaan[baguhin | baguhin ang batayan]

Pagtatalumpati ni Pangulong Duterte sa Iligan kaugnay sa nangyayaring krisis sa Marawi.
Nakipagkita si Duterte sa mga sundalo ng ika-4 na Sangay ng Hukbong Lakad sa himpilan nito kaugnay sa krisis.

Kasunod ng pag-atake, inihayag na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas militar sa Mindanao, ika-10 ng gabi ng ika-23 ng Mayo, 2017 (oras sa Pilipinas). Nakasaad sa Saligang Batas ng 1987, ang batas militar ay magtatagal nang 60 araw. Nagpasya na rin si Pangulong Duterte na ikliin ang kanyang diplomatikong pagbisita sa Rusya.[47]

Si Pangalawang Pangulong Leni Robredo ay nanawagan ng pagkakaisa habang ang mga puwersa ng pamahalaan ay nagpapatuloy na lumalaban sa mga teroristang pangkat sa Marawi.[48] Sinimulan rin niya ang pagsasagawa ng mga pagabuloy at pinamunuan ang pagbibigay ng tulong para sa mga biktima.[49][50][51]

Ilang mga tsekpoynt ang isinagawa noong Linggo, ika-28 ng Mayo, 2017, sa buong Kamaynilaan. Isang mensaheng pangkaligtasan na inisyu ay nagsasabi sa mga mamamayan ng mga posibleng tsekpoynt sa Kalakhang Maynila.[52]

Inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon ang programang "Brigada for Marawi" (Brigada para sa Marawi) upang tulungan ang mga lumikas na guro at mag-aaral mula sa Marawi. Bilang bahagi ng programa, nanawagan ang kagawaran ng mga abuloy mula sa publiko, sinubaybayan ang mga guro at mag-aaral at naglaan ng tulong sikolohikal sa mga naapektadong mga guro.[53] Ang Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad ay nangakong maglalaan ng tulong na ₱1 libo sa bawat apektadong pamilya. Ito ay upang ipagdiriwang pa rin ng mga Muslim ang Ramadan.[54]

Mga namatay[baguhin | baguhin ang batayan]

Labi ng mga sundalong namatay sa labanan.

Sa ngayon (ika-23 ng Hunyo), ang mga naiulat na namatay ay ang mga sumusunod:

Ang hepe ng pulisya ng Malabang na si Romeo Enriquez, ay ang kinilala ni Rodrigo Duterte na ang pulis na pinugutan ng ulo, sa kanyang talumpati bilang isa sa mga pagbabatay para sa kanyang pagpapahayag ng batas militar, ngunit makalipas ay nahanap si Enriquez na buhay pa pala.[72][68][73][74] Ang napatay na pulis ay makalipas kinilala na nang tama ng Pambansang Pulisya sa Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanao bilang si Senior Inspector Freddie Solar, isang dating hepe ng pulisya ng Malabang at kasapi ng Yunit Kontra Droga ng pulis panlalawigan ng Lanao del Sur.[75]

Reaksyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Social media[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang paalala ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) kaugnay sa paggamit ng social media na may kinalaman sa krisis sa Marawi.

Ang mga reaksyon ukol sa pagpapahayag ng batas militar ay halo sa social media.[76] Bumuhos ang dasal sa social media sa gitna ng mga ulat ng pagsakop at panununog ng Maute sa mga pampubliko at pampribadong pasilidad sa Marawi, hapon ng Martes kasama ang hashtag na #PrayForMarawi (Dasal para sa Marawi) na naging trending sa social media.[77] Sa gitna ng mga hindi kumpirmadong ulat ng pagpupugot ng ulo at pandurukot, ang tagapagsalita ng Pambansang Pulisya na si Dionardo Carlos ay nakiusap sa mga mamamayan na limitahan ang "sa kung anong nalalaman nila, nakikita nila" sa paggawa ng mga post na may kinalaman sa nangyayari ngayon sa Marawi sa social media.[78]

Ilang mga Pilipinong personalidad ang naglahad ng kanilang mga reaksyon sa nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng mga puwersa ng pamahalaan at Maute sa Mindanao. Ilang mga sikat rin ang nanawagan ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba sa alyansang pulitikal.[79]

Ibang bansa[baguhin | baguhin ang batayan]

  •  Tsina: Ang tagapagsalita ng Ministrong Pandaigdigan ng Tsina na si Lu Kang ay nagpahayag ng malaking suporta ng kanyang bansa para sa mga puwersa ng pamahalaan ng Pilipinas at sinabi na "ang terorismo ay ang karaniwang kalaban ng sangkatauhan. Nauunawaan at sinusuportahan ng Tsina ang pamahalaan ng Pilipinas sa pagsugpo sa terorismo." Dagdag ni Kang, "naniniwala kami na sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte, maipapanatili ng pamahalaan ng Pilipinas ang seguridad at katatagan sa rehiyon ng Mindanao."[80]
  •  Malaysia: Agad na sinimulan ng Malaysia na higpitan ang hangganan nito sa Pilipinas pagkatapos inihayag ng pangulo ang batas militar. Ang Inspektor-Heneral ng Pulisya na si Khalid Abu Bakar sinabi na sila'y “nag-iingat, at laging alisto sa kung anong nangyayari sa kalapit na Pilipinas”.[81] Ang Punong Ministro ng Malaysia na si Najib Razak ay inanunsiyo rin na ang kanyang pamahalaan ay aalok ng suporta sa mga hukbo ng Pilipinas.[82]
  •  Rusya: Si Pangulong Vladimir Putin ay nagpaabot ng kanyang pakikiramay sa mga biktima ng pag-atake sa Marawi matapos iklian ni Pangulong Duterte ang kanyang pagbisita sa Moscow. Sa kanilang pagpupulong sa Kremlin, sinabi ni Putin kay Duterte na "ako at ang aking mga kasamahan ay lubos na nauunawaan na kailangan mong umalis upang bumalik sa iyong bayan" at inihayag na sana'y ang gulo "ay malulutas sa lalong madaling panahon at sa kaunting mga nasawi lamang."[83]
  •  Nagkakaisang Kaharian: Binalaan ng pamahalaan ng Britanya ang kanilang mga mamamayan na iwasang bumiyahe sa kanlurang Mindanao, kasama na ang Marawi kung saan nagpapatuloy pa rin ang labanan sa pagitan ng militar at Maute.[84]
  •  Estados Unidos: Ang Kalihim sa Pahayagan ng White House na si Sean Spicer ay naglabas ng pahayag na kinokondena ang "kamakailang karahasang kagagawan ng isang pangkat ng teroristang may kaugnayan sa Islamikong Estado sa katimugang Pilipinas" at sinabing, "itong mga duwag na terorista ay pumatay ng mga Pilipinong alagad ng batas at nilalagay sa kapahamakan ang buhay ng mga inosenteng mamamayan." Tiniyak ng White House sa Pilipinas ang suporta nito sa mga pagsusumikap laban sa terorismo at sinabing, "ang Estados Unidos ay ipinagmamalaking kakampi ang Pilipinas, at ipagpapatuloy ang pakikipagtulungan sa Pilipinas upang i-adres ang mga banta sa kapayapaan at kaligtasan ng ating mga bansa."[85]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Battle in southern Philippines is related to Duterte's drug war, says finance chief". http://www.cnbc.com/2017/06/18/marawi-siege-is-related-to-dutertes-drug-war-says-finance-chief.html. 
  2. PNA (Hunyo 14, 2017). "Philippines army struggles as city siege enters fourth week". Saudi Gazette. http://saudigazette.com.sa/world/asia/philippines-army-struggles-city-siege-enters-fourth-week/. Hinango noong Hunyo 14, 2017. 
  3. http://www.aljazeera.com/news/2017/06/philippines-claims-control-90-percent-marawi-170616054842073.html
  4. http://news.abs-cbn.com/news/05/31/17/duterte-milf-create-peace-corridor-in-marawi
  5. "U.S. provides 'technical assistance' to troops in Marawi - AFP". Rappler. Hunyo 6, 2017. http://www.rappler.com/nation/172105-us-technical-assistance-ph-troops-marawi. Hinango noong Hunyo 7, 2017. 
  6. https://www.voanews.com/a/embassy-us-forces-help-fight-militants-in-marawi/3894841.html
  7. http://news.abs-cbn.com/news/06/10/17/military-confirming-reports-maute-brothers-killed-in-firefight
  8. "Philippine military confirms US forces providing support against militants allied to Islamic State". CNBC. Reuters. 10 Hunyo 2017. http://www.cnbc.com/2017/06/10/u-s-special-forces-helping-philippines-troops-in-battle-against-militants-allied-to-islamic-state.html. Hinango noong 10 Hunyo 2017. 
  9. Caleb Weiss (5 Hunyo 2017). "Islamic State video shows destruction of church in Marawi". Long War Journal. http://www.longwarjournal.org/archives/2017/06/islamic-state-video-shows-destruction-of-church-in-marawi.php. Hinango noong 7 Hunyo 2017. 
  10. https://www.thestar.com/news/world/2017/06/01/philippine-airstrike-accidentally-kills-11-soldiers-in-besieged-city-marawi.html
  11. Camille Diola (1 Hunyo 2017). "Revising estimates, DND says 500 militants involved in Marawi". The Phiippine Star. http://www.philstar.com/headlines/2017/06/01/1705725/revising-estimates-dnd-says-500-militants-involved-marawi. Hinango noong 1 Hunyo 2017. 
  12. "LIST: The brave ones killed in Marawi". ABS-CBN News. Hunyo 9, 2017. http://news.abs-cbn.com/news/06/09/17/list-the-brave-ones-killed-in-marawi. Hinango noong Hunyo 9, 2017. 
  13. 13.0 13.1 13.2 13.3 "Counting the dead in Marawi: of 384, at least 50 civilian deaths confirmed". Hunyo 21, 2017. http://www.mindanews.com/top-stories/2017/06/counting-the-dead-in-marawi-of-384-at-least-50-civilian-deaths-confirmed/. Hinango noong Hunyo 21, 2017. 
  14. "AFP gives relief workers 4 hours to rescue trapped Marawi civilians". 5 Hunyo 2017. http://www.businessmirror.com.ph/afp-gives-relief-workers-4-hours-to-rescue-trapped-marawi-civilians/. Hinango noong 5 Hunyo 2017. 
  15. 15.0 15.1 "Philippines: Malaysian financier believed killed in siege". Hunyo 23, 2017. http://www.dailyastorian.com/philippines-malaysian-financier-believed-killed-in-siege-da-ap-webfeeds-news-nation-world97ebf224de2940e696bc6c76ce48286e. Hinango noong Hunyo 23, 2017. 
  16. 16.0 16.1 242 Maute group members killed in Marawi —AFP
  17. 17.0 17.1 Marawi crisis death toll breaches 200
  18. http://www.theaustralian.com.au/news/latest-news/16-bodies-found-after-marawi-fighting/news-story/883d253a3bbbf05c4ff30ffc73b7b3ec
  19. "19 Civilians Killed, 85,000 Displaced as Philippines Continues to Battle Islamist Militants in Mindanao". IntelligencerPost. 29 Mayo 2017. http://www.intelligencerpost.com/19-civilians-killed-85000-displaced-philippines-continues-battle-islamist-militants-mindanao/. 
  20. "2,000 trapped in Marawi fighting". 28 Mayo 2017. http://www.theborneopost.com/2017/05/29/2000-trapped-in-marawi-fighting/. Hinango noong 28 Mayo 2017. 
  21. Tarrazona, Noel (29 Mayo 2017). "Mindanao crisis: Filipino senator asks Duterte's ministers not to disregard Constitution". International Business Times Singapore. http://www.ibtimes.sg/mindanao-crisis-filipino-senator-asks-dutertes-ministers-not-disregard-constitution-10644. 
  22. "Marawi Clash: Special coverage". Rappler. 25 Mayo 2017. http://www.rappler.com/nation/170935-marawi-clash-special-coverage. Hinango noong 26 Mayo 2017. 
  23. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang teachers); $2
  24. 24.0 24.1 24.2 "Marawi crisis: What we know so far". The Philippine Star. 25 Mayo 2017. http://www.philstar.com/headlines/2017/05/25/1703153/marawi-crisis-what-we-know-so-far. Hinango noong 25 Mayo 2017. 
  25. "TIMELINE: Maute attack in Marawi City". ABS-CBN News. 23 Mayo 2017. http://news.abs-cbn.com/focus/05/23/17/timeline-maute-attack-in-marawi-city. Hinango noong 24 Mayo 2017. 
  26. 26.0 26.1 26.2 Morallo, Audrey (23 Mayo 2017). "AFP: Marawi clashes part of security operation, not terrorist attack". The Philippine Star. http://www.philstar.com/headlines/2017/05/23/1702885/afp-marawi-clashes-part-security-operation-not-terrorist-attack. Hinango noong 23 Mayo 2017. 
  27. 27.0 27.1 Nery, J. (24 Mayo 2017). "Key facts about a tumultuous Tuesday in Marawi City". Philippine Daily Inquirer. http://newsinfo.inquirer.net/898990/key-facts-about-a-tumultuous-tuesday-in-marawi-city. Hinango noong 24 Mayo 2017. 
  28. "UCCP Statement on the Burning of Dansalan College". http://www.globalministries.org/uccp_statement_on_the_burning_of_dansalan_college. Hinango noong 25 Mayo 2017. 
  29. "Mindanao: Churchgoers 'taken hostage' amid Marawi siege". Al Jazeera. 24 Mayo 2017. http://www.aljazeera.com/news/2017/05/mindanao-churchgoers-hostage-marawi-siege-170524085829461.html. Hinango noong 28 Mayo 2017. 
  30. Lim, A. (26 Mayo 2017). "AFP: Foreign terrorists are fighting alongside Maute group in Marawi". The Standard (Philippines). http://thestandard.com.ph/news/national/237668/afp-foreign-terrorists-are-fighting-alongside-maute-group-in-marawi.html. Hinango noong 26 Mayo 2017. 
  31. "Maute plans to raise ISIS flags at Lanao capitol, Marawi city hall to declare ‘wilayat’". GMA Network. 27 Mayo 2017. http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/612374/maute-plans-to-raise-isis-flags-at-lanao-capitol-marawi-city-hall-to-declare-wilayat/story/. Hinango noong 28 Mayo 2017. 
  32. 32.0 32.1 Francisco, K. (24 Mayo 2017). "FAST FACTS: What you should know about the Maute Group". Rappler. http://www.rappler.com/newsbreak/iq/170772-fast-facts-maute-group. Hinango noong 26 Mayo 2017. 
  33. Esguerra, C.V. (21 Setyembre 2014). "Aquino downplays ISIS threat in PH". Philippine Daily Inquirer. http://globalnation.inquirer.net/111463/aquino-downplays-isis-threat-in-ph. Hinango noong 27 Mayo 2017. 
  34. "No ISIS in Mindanao – Aquino". The Manila Times. 9 Marso 2016. http://www.manilatimes.net/no-isis-in-mindanao-aquino/249460/. Hinango noong 27 Marso 2017. 
  35. Ressa, M.A. (4 Agosto 2014). "Senior Abu Sayyaf leader swears oath to ISIS". Rappler. http://www.rappler.com/nation/65199-abu-sayyaf-leader-oath-isis. Hinango noong 30 Mayo 2017. 
  36. Santos, E.P. (28 Abril 2016). "Aquino says he was a target of the Abu Sayyaf, but Malacañang refuses to give details". CNN. http://cnnphilippines.com/news/2016/04/27/Abu-Sayyaf-vs.-PH-Aquino-government.html. Hinango noong 30 Mayo 2017. 
  37. "Aquino: Abu Sayyaf also plotted to kidnap Pacquiao, Kris". Philippine Daily Inquirer. 27 Abril 2016. http://globalnation.inquirer.net/139047/aquino-canadians-killers-also-plotted-to-kidnap-pacquiao. Hinango noong 30 Mayo 2017. 
  38. Alvarez, K.C. (27 Abril 2016). "PNoy: Abu Sayyaf plotted to kidnap Kris, Pacquiao". GMA News. http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/564217/pnoy-abu-sayyaf-plotted-to-kidnap-kris-pacquiao/story/. Hinango noong 30 Mayo 2017. 
  39. "TV Patrol: Duterte, may banta sa Maute group". ABS-CBN News. 30 Nobyembre 2016. https://www.youtube.com/watch?v=UtijJX9oV0o. 
  40. Macas, Trisha (30 Nobyembre 2016). "Duterte to Maute group: Do not force my hand into war". GMA News. http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/590723/duterte-to-maute-group-do-not-force-my-hand-into-war/story/. 
  41. Dioquino, R.J. (2 Disyembre 2016). "In parting message, Maute fighters threaten to behead military, Duterte". GMA Network. http://www.gmanetwork.com/news/news/regions/590941/in-parting-message-maute-fighters-threaten-to-behead-military-duterte/story/. Hinango noong 26 Mayo 2017. 
  42. "Duterte dared Maute group to attack Marawi in December 2016 speech". ABS-CBN News. 25 Mayo 2017. https://www.youtube.com/watch?v=yaUJlocIi3c. 
  43. "Wallace Business Forum Dinner with President Rodrigo Roa Duterte 12/12/2016". RTVMalacanang. 12 Disyembre 2016. https://www.youtube.com/watch?v=rIJpTjsXDCs. 
  44. Agence France-Presse; Zambrano, C. (11 Abril 2017). "Several killed as Abu Sayyaf, military clash in Bohol". ABS-CBN News. http://news.abs-cbn.com/news/05/26/17/3-more-civilians-killed-more-wounded-as-marawi-clashes-continue. Hinango noong 27 Mayo 2017. 
  45. 45.0 45.1 45.2 Fonbuena, C. (29 Mayo 2017). "How a military raid triggered Marawi attacks". Rappler. http://www.rappler.com/newsbreak/in-depth/171245-marawi-crisis-isis-plan-bautista. Hinango noong 30 Mayo 2017. 
  46. "Islamic State details activity in the Philippines - The Long War Journal". http://www.longwarjournal.org/archives/2016/06/islamic-state-details-activity-in-the-philippines.php. 
  47. Morales, Yvette (24 Mayo 2017). "Duterte declares martial law in Mindanao". CNN Philippines. http://cnnphilippines.com/news/2017/05/24/Duterte-declares-martial-law-in-Mindanao.html. Hinango noong 24 Mayo 2017. 
  48. "Leni calls for unity amid Marawi siege". ABS-CBN News. 24 Mayo 2017. http://news.abs-cbn.com/news/05/24/17/leni-calls-for-unity-amid-marawi-siege. Hinango noong 24 Mayo 2017. 
  49. Adel, Rosette (Mayo 24, 2017). "Robredo calls for donation for Marawi attack victims". Philippine Star. http://www.philstar.com/headlines/2017/05/24/1703144/robredo-calls-donation-marawi-attack-victims. 
  50. "Groups call for donations for crisis-hit Marawi". Rappler. Mayo 24, 2017. http://www.rappler.com/move-ph/170756-groups-call-donations-relief-operations-marawi. 
  51. "Robredo orders relief operations amid Marawi clashes". Rappler. Mayo 24, 2017. http://www.rappler.com/nation/170757-robredo-lawmakers-marawi-clashes-mindanao-martial-law. 
  52. . Philippine Daily Inquirer. https://newsinfo.inquirer.net/900336/us-embassy-advises-citizens-of-possible-checkpoints-in-metro-manila. Hinango noong 29 Mayo 2017. 
  53. Hernandez, Zen (16 Hunyo 2017). "DepEd calls for donations for displaced Marawi students". ABS-CBN News. http://news.abs-cbn.com/news/06/16/17/deped-calls-for-donations-for-displaced-marawi-students. Hinango noong 16 Hunyo 2017. 
  54. De Vera-Ruiz, Ellalyn (11 Hunyo 2017). "DSWD to give one-time cash aid to families displaced due to Marawi crisis". Manila Bulletin. http://news.mb.com.ph/2017/06/11/dswd-to-give-one-time-cash-aid-to-families-displaced-due-to-marawi-crisis/. Hinango noong 16 Hunyo 2017. 
  55. [1]
  56. http://www.pna.gov.ph/articles/994771
  57. "Philippines launches air strikes in bid to retake ISIS-occupied city". CNN. 30 Mayo 2017. http://edition.cnn.com/2017/05/30/asia/philippines-marawi-isis-hapilon/index.html. Hinango noong 30 Mayo 2017. 
  58. "AFP: 61 Maute members already killed". http://news.mb.com.ph/2017/05/28/afp-61-maute-members-already-killed. Hinango noong 28 Mayo 2017. 
  59. 59.0 59.1 Wakefield, Francis (Mayo 26, 2017). "31 Maute terrorists, 6 soldiers killed in ongoing military operations in Marawi City". Manila Bulletin. http://news.mb.com.ph/2017/05/26/31-maute-terrorists-6-soldiers-killed-in-ongoing-military-operations-in-marawi-city/. Hinango noong Mayo 26, 2017. 
  60. https://www.washingtonpost.com/world/asia_pacific/philippines-forces-hit-militants-civilians-wave-white-flags/2017/05/27/791d7b5a-4295-11e7-b29f-f40ffced2ddb_story.html?utm_term=.d133cf167e1c
  61. Cupin, Bea (Mayo 26, 2017). "6 foreigners among terrorists killed in Marawi – AFP". Rappler. http://www.rappler.com/nation/171025-foreign-fighters-maute-marawi. Hinango noong Mayo 26, 2017. 
  62. http://news.mb.com.ph/2017/05/28/afp-61-maute-members-already-killed/
  63. http://www.gmanetwork.com/news/news/regions/613984/13-marines-killed-40-hurt-in-16-hour-clash-with-maute-members/story/
  64. Tesiorna, Ben (Mayo 25, 2017). "Authorities round up 250 persons of interest in Davao". CNN Philippines. http://cnnphilippines.com/regional/2017/05/25/authorities-250-persons-of-interest-davao.html. Hinango noong Mayo 25, 2017. 
  65. Cerojano (Mayo 25, 2017). "Filipino troops, gunships fight militants in southern city". The Associated Press. NY Daily News. http://www.nydailynews.com/newswires/news/world/filipino-troops-gunships-fight-militants-southern-city-article-1.3194427. 
  66. http://news.mb.com.ph/2017/05/28/afp-61-maute-members-already-killed/
  67. Fernandez, Edwin (Mayo 25, 2017). "Cop killed in Marawi attack had dreams of becoming a lawyer". Philippine Daily Inquirer. https://newsinfo.inquirer.net/899344/cop-killed-in-marawi-attack-had-dreams-of-becoming-a-lawyer. Hinango noong Mayo 25, 2017. 
  68. 68.0 68.1 Alconaba, Nico (Mayo 26, 2017). "Duterte Misinformed? Town police chief not beheaded. says: ‘Am still alive’". Philippine Daily Inquirer. https://newsinfo.inquirer.net/899751/town-police-chief-not-beheaded. Hinango noong Mayo 26, 2017. 
  69. Gagalac, Ron (Mayo 24, 2017). "At least 2 civilians dead in Marawi attack". ABS-CBN News. http://news.abs-cbn.com/news/05/24/17/at-least-2-civilians-dead-in-marawi-attack. Hinango noong Mayo 26, 2017. 
  70. Gagalac, Ron (Mayo 26, 2017). "3 more civilians killed, more wounded as Marawi clashes continue". ABS-CBN News. http://news.abs-cbn.com/news/05/26/17/3-more-civilians-killed-more-wounded-as-marawi-clashes-continue. 
  71. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang gma3); $2
  72. "Duterte: Maute terrorists beheaded local police chief". Agence France-Presse. ABS-CBN News. Mayo 25, 2017. http://news.abs-cbn.com/news/05/24/17/duterte-maute-terrorists-beheaded-local-police-chief. 
  73. Rauhala, Emily (Mayo 26, 2017). "In declaring martial law, Duterte cited the beheading of a police chief — who is still alive". The Washington Post. https://www.washingtonpost.com/world/duterte-justified-martial-law-over-the-beheading-of-a-police-chief--who-is-still-alive/2017/05/26/b6f0a9f2-41d7-11e7-9851-b95c40075207_story.html?utm_term=.09e9bfb52c0b. 
  74. "The Latest: Foreign fighters among militants in Philippines". Associated Press. Mayo 26, 2017. http://hosted2.ap.org/APDEFAULT/3d281c11a96b4ad082fe88aa0db04305/Article_2017-05-26-AS--Philippines-Muslim%20Militants-The%20Latest/id-0bf30e66892e4dde8e198523c0bcdb17. 
  75. Andong, L.M.L.; Arevalo, R. (27 Mayo 2017). "Police chief thought to have been beheaded says it wasn't him". ABS-CBN News. http://news.abs-cbn.com/news/05/27/17/police-chief-thought-to-have-been-beheaded-says-it-wasnt-him. Hinango noong 28 Mayo 2017. 
  76. "Netizens terrified or trusting of martial law in Mindanao". Rappler.com. 2017-05-14. http://www.rappler.com/technology/social-media/170749-martial-law-mindanao-netizens-reactions. Hinango noong 2017-05-25. 
  77. "#PrayForMarawi trends on social media". CNN Philippines. 24 Mayo 2017. http://cnnphilippines.com/news/2017/05/24/PrayforMarawi-trends-on-social-media.html. Hinango noong 24 Mayo 2017. 
  78. Cupin, Bea (24 Mayo 2017). "PNP: Limit Marawi posts to 'what you know, what you see'". Rappler. http://www.rappler.com/nation/170789-pnp-marawi-social-media. Hinango noong 24 Mayo 2017. 
  79. Nelz, Jay Nelz (24 Mayo 2017). "Pinoy Celebrities React To Ongoing Marawi City Clash". PhilNews.ph. https://philnews.ph/2017/05/24/pinoy-celebrities-react-ongoing-marawi-city-clash/. Hinango noong 25 Mayo 2017. 
  80. Musico, J.F. (25 Mayo 2017). "PHL's crackdown on terrorism gets China's support". Philippine News Agency. http://www.pna.gov.ph/articles/990747. Hinango noong 26 Mayo 2017. 
  81. "Malaysia to tighten borders after Duterte announces martial law: Report". Today Online. 25 Mayo 2017. http://m.todayonline.com/world/asia/malaysia-tighten-borders-after-duterte-announces-martial-law-report. Hinango noong 25 Mayo 2017. 
  82. Mateo, Janvic (Mayo 28, 2017). "Malaysia offers help in Philippines fight vs terrorists". The Philippine Star. http://www.philstar.com/headlines/2017/05/28/1704321/malaysia-offers-help-philippines-fight-vs-terrorists. Hinango noong Mayo 28, 2017. 
  83. Macas, T. (24 Mayo 2017). "Putin condoles with Marawi clash victims". GMA News. http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/611943/putin-condoles-with-marawi-clash-victims/story/. Hinango noong 24 Mayo 2017. 
  84. "UK warns vs travel to Marawi City, rest of western Mindanao | ABS-CBN News". News.abs-cbn.com. 2017-05-24. http://news.abs-cbn.com/news/05/24/17/uk-warns-vs-travel-to-marawi-city-rest-of-western-mindanao. Hinango noong 2017-05-25. 
  85. "U.S. assures PH of support as clashes continue in Marawi". ABS-CBN News. 25 Mayo 2017. http://news.abs-cbn.com/news/05/25/17/us-assures-ph-of-support-as-clashes-continue-in-marawi. Hinango noong 26 Mayo 2017. 

Iba pang mga link[baguhin | baguhin ang batayan]