Krisis sa enerhiya sa Pilipinas noong 2026

Simula noong huling bahagi ng Pebrero 2026, may naganap na krisis sa enerhiya sa Pilipinas dulot ng digmaan sa Iran. Naantala ang 20% ng pandaigdigang suplay ng langis nang isinara ang Kipot ng Hormuz. Nalagay sa panganib ang suplay ng enerhiya sa Pilipinas, sapagkat 98% ng langis sa bansa ay inaangkat sa Gitnang Silangan at lubos na umaasa sa langis ang suplay ng enerhiya ng bansa.[1] Noong ika-24 ng Marso 2026, idineklara ni Pangulong Bongbong Marcos ang katayuan ng pambansang emerhensiya sa enerhiya (state of national energy emergency). Winika niyang sapat ang suplay ng krudong langis sa Pilipinas hanggang sa ika-30 ng Hunyo.[2] Kauna-unahang bansa ang Pilipinas sa mundo na nagdeklara ng emerhensiya sa enerhiya bunga ng digmaan sa Iran.[1]
Naunang sinabi ng Tagapagpahayag ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas na si Claire Castro, noong ika-23 ng Marso, na nahaharap ang Pilipinas sa "pagkagambala sa presyo" dulot ng kaguluhan sa Gitnang Silangan at wala pang krisis. Sinang-ayunan ni Kalihim Sharon Garin ng Kagawaran ng Enerhiya ang pahayag na ito.[3] Kalaunan, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang paglikha ng isang lupon sa krisis upang matiyak ang katatagan sa ekonomiya at matatag na suplay ng langis.[4] Kinabukasan, idineklara ng Pangulo ang katayuan ng pambansang emerhensiya sa enerhiya.[2]
Deklarasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 110 na inilalagay ang bansa sa katayuan ng pambansang emerhensiya sa enerhiya dahil sa digmaan sa Iran noong 2026. Lubhang naapektuhan ng pagsasara ng Kipot ng Hormuz ang Pilipinas dahil 98% ng inangkat na langis nito ay nagmumula sa Gitnang Silangan.[1]
Epekto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Patuloy na nababawasan ang pambansang suplay ng langis habang lubhang mataas ang implasyon.[5] Magmula noong ika-20 ng Marso 2026, mayroong humigit-kumulang na 45 araw na suplay ng langis ang Pilipinas ayon sa Kagawaran ng Enerhiya (DOE), mula sa dating 55 hanggang 57 araw na suplay noong nagsimula ang digmaan.[6] Pagsapit ng ika-24 ng Marso, tinatayang tataas nang husto ang mga presyo ng petrolyo dulot ng patuloy na mga labanan sa Gitnang Silangan, tulad ng diesel na lumampas sa ₱130 kada litro at gasolina na lumampas sa ₱100 kada litro. Ipinakikita ng datos mula sa DOE ang malakihang pagsipa ng presyo sa samot-saring mga uri ng petrolyo, habang nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng mga pagbabago. Iniukol ng mga opisyal ang mga pagtaas sa mga presyur sa pandaigdigang merkado sa kabila ng bahagyang pagbagal ng pagtaas ng presyo sa bawat bariles.[7]
Mga migranteng manggagawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Humigit-kumulang 40,000 mga Migranteng Manggagawang Pilipino ang hindi makaalis sa Maynila nang ipinagbawal ang pagpapadala ng mga manggagawa sa mga bansa sa Gitnang Silangan tulad ng Bahrain, Israel, Kuwait, Libano, Oman, Qatar, at United Arab Emirates.[8] Dalawang Pilipinong manggagawa ang namatay sa digmaan.[9]
Transportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinuspende ng Cebu Pacific at Philippine Airlines ang ilang panloob at pandaigdigang mga ruta sa kabila ng pandaigdigang pagtaas ng presyo ng krudo at para na ring makapagtipid ng sariling mga reserba ng langis.[10][11]
Mga gasolinahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Magmula noong ika-27 ng Marso, nagsara ang 425 sa 14,485 mga gasolinahan sa buong bansa na minamasid ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.[12] Pagsapit ng ika-10 ng Abril, 387 sa 14,519 na mga gasolinahan ang pansamantalang nagsara dahil sa di-pagdala ng mga produktong petrolyo ayon sa ulat ng PNP.[13]
Turismo at retail
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bumagsak nang halos 40-50% ang bahagdan ng ng mga turista bumibisita sa Baguio. Bumaba naman nang humigit-kumulang 30% ang mga booking sa mga otel sa lungsod.[14]
Binawasan ng ilang shopping malls sa bansa ang kanilang mga oras ng pagbukas bilang tugon sa krisis sa enerhiya.[15]
Pagtugon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inihayag ng pamahalaan ng Pilipinas na naghahanap sila ng mapagpipiliang mga suplayer ng langis at nagdaraos ng mga pag-uusap sa di-tradisyonal na mga pinagkukunan, tulad ng India, Rusya, at Tsina,[16] upang makatulong sa pagpapanatili ng matatag na suplay ng langis sa kabila ng kawalan ng katiyakan sa pandaigdigang merkado at pabago-bagong presyuhan.[17]
Noong ika-25 ng Marso 2026, inaprobahan ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala (DBM) ang pagpapalabas ng ₱20 bilyon mula sa Malampaya gas fund sa DOE upang makatiyak sa suplay ng langis at patatagin ang mapagkukuhanan sa kabila ng pandaigdigang kaguluhan. Inilaan ang mga pondo para makabili ng langis at suportahan ang pangkagipitang mga hakbang sa enerhiya. Pinasimulan ng PNOC Exploration Corporation ng Philippine National Oil Company ang pagbili upang maiwasan ang mga kakapusan at panatilihin ang nararapat na mga serbisyo.[18]
Nakabili ang Petron Corporation ng 700,000 bariles ng langis mula Rusya. Sinamantala nila ang tatlumpung araw na waiver ng Estados Unidos sa mga bansang bumibili ng mga produktong petrolyo ng Rusya na pinatawan ng mga sanction ng Amerika ngunit naglalayag na sa karagatan. Ipinataw ng Amerika ang mga sanction dulot ng paglusob ng Rusya sa Ukraine.[19][20][21] Sinabi ng pamahalaan ng Pilipinas na nagsusumikap sila para makakuha ng katulad na mga waiver mula sa ibang mga bansang pinatawan ng sanction ng Amerika.[22]
Inilabas ng Kagawaran ng Agrikultura ang ₱1 bilyon mula sa kanilang pangmabilisang-tugon na pondo kasunod ng pagdeklara ng pambansang emerhensiya sa enerhiya. Inilaan ang ₱500 milyon para sa subsidyo ng langis sa mga mangingisda, habang inilaan naman ang isa pang ₱500 milyon para sa pagbili ng pataba na inaasahang ilalabas sa Mayo pagkaraan ng programang Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk.[16]
Minamasid ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) ang mga gasolinahan, bodega ng suplay, at iba pang mga impraestrukturang mahalaga sa enerhiya upang mapigilan ang mga gawaing ilegal at matiyak ang patuloy na akses sa esensiyal na mga serbisyo.[12]
Pampook na mga tugon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bunga ng krisis sa enerhiya, idineklara ang katayuan ng kalamidad sa lalawigan ng Sorsogon[23] at sa mga bayan ng Ajuy[24] at New Lucena sa lalawigan ng Iloilo.[25] Idineklara din ang katayuan ng lokal na emerhensiya sa Bongao, lalawigan ng Tawi-Tawi,[26] at sa lungsod ng Cagayan de Oro.[27]
Mga reaksiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]May mga welga na isinagawa ng iba-ibang mga pangkat sa samot-saring mga bahagi ng bansa.[28] Upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, hinigpitan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang seguridad sa pangunahing mga pasilidad sa enerhiya.[29]
Pagkaraan ng anunsiyo ng kasunduang tigil-putukan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran noong ika-8 ng Abril, sinabi ni Kalihim Sharon Garin ng DOE na malabong bumalik kaagad ang mga presyo sa mga antas bago nangyari ang digmaan dahil sa pinsalang tinamo ng impraestrukturang panlangis sa Gitnang Silangan pati na ang pagiging palaasa ng bansa sa inangkat na suplay ng langis. Ipinanukala niya ang pagtatag ng isang pambansang imbakan ng langis at ng dedikadong pagpopondo upang mabawasan ang bulnerabilidad. Binanggit niya ang mataas na halaga at limitadong kapasidad ng pag-iimbak bilang pangunahing mga hamon. Sinabi ni Garin na nanatiling sapat ang suplay ng langis na aabot sa humigit-kumulang 50 araw ng imbentaryo at ng nagpapatuloy na mga delivery, subalit binanggit niyang hindi pinahihintulutan ng umiiral na batas ang mga pagkontrol ng presyo.[30]
Hinikayat ni Antonio Carpio, dating Kasamang Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas, ang pamahalaan na magsagawa ng "magkasamang kooperasyon" sa kanilang ipinapanukalang paggalugad ng langis kasama ang Tsina sa halip ng "magkasamang paglilinang" na ipinapanukala ng pamahalaang Tsino. Sinabi niyang naaayon sa Saligang Batas at sa Arbitrasyon ang magkasamang kooperasyon ukol sa eksklusibong sonang ekonomiko ng bansa. Ayon kay Carpio, ang magkasamang paglilinang ay "nagngangahulugang pag-aari ng Tsina ang langis at gas, ngunit papayagan nila ang ibang mga bansa na makilahok sa paglilinang ng oil o gas field alang-alang sa pakikipagkaibigan sa ibang mga bansa."[31] Subalit nagbabala si Rear Admiral Roy Vincent Trinidad ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na "hindi maaasahang katuwang ang Partido Komunista ng Tsina" dahil sa "pagkakaiba ng kanilang mga salita sa kanilang mga kilos."[32]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 2 3 Tewari, Suranjana; Guinto, Joel; Rawnsley, Jessica (Marso 25, 2026). "Marcos promises 'flow of oil' as Philippines declares energy emergency". BBC News. Nakuha noong Marso 25, 2026.
- 1 2 Cabato, Luisa (Marso 27, 2026). "Marcos: PH has enough crude oil supply until June 30". Inquirer.net. Nakuha noong Marso 27, 2026.
- ↑ Cabato, Luisa (Marso 23, 2026). "Palace: PH facing 'price disruption,' not yet an oil crisis". Inquirer.net. Nakuha noong Marso 26, 2026.
- ↑ Esguerra, Darryl John (Marso 23, 2026). "Marcos orders creation of crisis committee amid Middle East conflict". Philippine News Agency. Nakuha noong Marso 26, 2026.
- ↑ Cupin, Bea (Marso 25, 2026). "What is UPLIFT and what does a 'national energy emergency' mean?". Rappler. Nakuha noong Marso 25, 2026.
- ↑ De Castro Jr., Isagani (Marso 24, 2026). "DOE's Garin says PH has average 45 days of fuel supply, down by 10 days since war began". Rappler. Nakuha noong Marso 27, 2026.
- ↑ Cordero, Ted (Marso 24, 2026). "Diesel to go up as high as P134.30/liter, gasoline at P112.40/liter this week". GMA News. Nakuha noong Marso 27, 2026.
- ↑ Khan, Anjum (Abril 7, 2026). "Philippines ramps up OFW reintegration as Middle East deployment crisis leaves thousands stranded". PeopleMatters. Nakuha noong Abril 10, 2026.
- ↑ Clores, Keith (Abril 7, 2026). "Another Filipino dies in Israel amid airstrikes". Inquirer.net. Nakuha noong Abril 10, 2026.
- ↑ Balaoing, Benise (Marso 23, 2026). "Cebu Pacific suspends routes, cancels flights amid global fuel price surge". ABS-CBN News. Nakuha noong Marso 25, 2026.
- ↑ Casucian, Jiselle Anne C. (Marso 26, 2026). "PAL cancels some April–May flights amid fuel crisis". GMA News. Nakuha noong Marso 27, 2026.
- 1 2 Joviland, Rita (Marso 27, 2026). "Closed gas stations due to fuel price hikes now 425". GMA News. Nakuha noong Marso 27, 2026.
- ↑ Gregorio, Andrea (Marso 27, 2026). "PNP: 387 gas stations temporarily closed". Inquirer.net. Nakuha noong Abril 10, 2026.
- ↑ Fokno, Mia Magdalena (Abril 9, 2026). "State of calamity declared in Baguio amid energy crisis". Rappler. Nakuha noong Abril 10, 2026.
- ↑ Gasgonia, Dennis (Marso 26, 2026). "Shopping malls cut operating hours due to energy state of emergency". ABS-CBN News. Nakuha noong Marso 27, 2026.
- 1 2 Villamiel, Vonn Andrei E. (Marso 26, 2026). "Emergency declaration unlocks P1B in DA contingency funds". BusinessWorld. Nakuha noong Marso 27, 2026.
- ↑ Gajitos, Tricia (Marso 12, 2026). "Philippines explores alternative oil suppliers amid global market uncertainty". Gulf News. Nakuha noong Marso 27, 2026.
- ↑ Rosal, Derco (Marso 25, 2026). "DBM releases ₱20 billion to secure fuel supply amid oil supply crunch risk". Manila Bulletin. Nakuha noong Marso 27, 2026.
- ↑ "Russian oil arrives as Philippines battles 'energy emergency'". Inquirer.net. Marso 26, 2026. Nakuha noong Marso 27, 2026.
- ↑ "US issues 30-day sanctions waiver for purchase of Russian oil at sea". Reuters. Marso 13, 2026. Nakuha noong Marso 27, 2026.
- ↑ Calonzo, Andreo; Venzon, Cliff (Marso 26, 2026). "Philippines Receives Russian Oil After US Sanctions Waiver". Bloomberg. Nakuha noong Marso 27, 2026.
- ↑ "PH says it's working with Washington to obtain oil from US-sanctioned countries". Rappler. Marso 25, 2026. Nakuha noong Marso 27, 2026.
- ↑ Serquiña, Mariel Celine (Marso 26, 2026). "Sorsogon placed under state of calamity amid rising oil prices". GMA News. Nakuha noong Marso 27, 2026.
- ↑ Marzan, Joey (Marso 31, 2026). "Town in Iloilo declares state of calamity over energy crisis". Inquirer.net. Nakuha noong Abril 1, 2026.
- ↑ Cordero, Ian Paul (Abril 3, 2026). "Fuel crisis: New Lucena in Iloilo declares state of calamity". Inquirer.net. Nakuha noong Abril 6, 2026.
- ↑ "Bongao, Tawi-Tawi declares state of emergency over fuel shortage". GMA News. Abril 2, 2026. Nakuha noong Abril 4, 2026.
- ↑ Gallardo, Froilan (Abril 7, 2026). "CDO declares state of energy emergency". MindaNews. Nakuha noong Abril 8, 2026.
- ↑ Datu, Dennis (Marso 25, 2026). "Various groups to join 2-day nationwide transport strike over fuel price surge". ABS-CBN News. Nakuha noong Marso 25, 2026.
- ↑ Caliwan, Christopher Lloyd; Nepomuceno, Priam (Marso 25, 2026). "PNP tightens security in energy facilities". Philippine News Agency. Nakuha noong Marso 25, 2026.
- ↑ Flores, Alena Mae S.; Dantes, Charles; Cruz, Maricel; Superable, Ram (Abril 8, 2026). "Garin: Fuel prices not going back to prewar levels". Manila Standard. Nakuha noong Abril 9, 2026.
- ↑ Dava, Bianca (Abril 9, 2026). "Carpio pushes 'joint cooperation' in oil talks with China; lawmakers demand transparency". ABS-CBN News. Nakuha noong Abril 10, 2026.
- ↑ Delizo, Michael (Marso 31, 2026). "AFP warns China 'not a reliable partner' amid possible oil, gas talks". ABS-CBN News. Nakuha noong Abril 10, 2026.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kautusang Tagapagpaganap Blg. 110, serye ng 2026 – Pagdedeklara ng katayuan ng pambansang emerhensiya sa enerhiya at pagpapatibay ng pinag-isang package para sa kabuhayan, industriya, pagkain, at transportasyon