Croatia

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kroasya)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Republika ng Croatia
Republika Hrvatska
Pambansang Awit: Lijepa naša domovino
Our beautiful homeland

Kinaroroonan ng  Croatia  (kahel)

sa Europe  (puti)  —  [Gabay]

Kabisera
(at pinakamalaking lungsod)
Zagreb
45°48′N 16°0′E / 45.800°N 16.000°E / 45.800; 16.000
Opisyal na wika Wikang Kroatyano1
Pangalang-
turing
Croat, Kroatyano
Pamahalaan Parliamentary republic
 -  President Kolinda Grabar-Kitarović
 -  Prime Minister Zoran Milanović
 -  President of Parliament Josip Leko
Pagkakatatag
 -  Principality 7852 
 -  Independent Principality 879 
 -  Kingdom 925 
 -  Union with Hungary 1102 
 -  Joined Habsburg Empire 1 Enero 1527 
 -  Independence from Austria–Hungary 29 Oktubre 1918 
 -  Joined Yugoslavia3 29 Nobyembre 1943 
 -  Decision on independence 25 Hunyo 1991 
 -  Declaration of independence Ocktubre 8, 1991 
Lawak
 -  Kabuuan 56,594 km2 (126th)
21,851 sq mi 
 -  Katubigan (%) 1.09
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2009 4,489,409[1] (122nd)
 -  Senso ng 2001 4,437,460[2] 
 -  Kakapalan 81/km2 (115th)
208/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2008
 -  Kabuuan $82.407 billion[3] 
 -  Per capita $18,575[3] 
KGK (nominal) Pagtataya ng 2008
 -  Kabuuan $69.357 billion[3] 
 -  Per capita $15,633[3] 
Gini (2008) 29 (low
TKT (2007) 0.871[4] (high) (45th)
Salipi Kuna (HRK)
Pook ng oras CET (UTC+1)
 -  Tag-araw (DST) CEST (UTC+2)
Nagmamaneho sa right
Internet TLD .hr
Kodigong pantawag 385
1 Also Italian in Istria and languages of other national minorities (Hungarian, Czech, Slovak, Serbian, etc.) in residential municipalities of the national minorities.
2 Shortly after the reign of Prince Višeslav, Franks were defeated in 803.
3 Before co-founding the Democratic Federal Yugoslavia, Croatia co-founded the Kingdom of Yugoslavia on 1 Disyembre 1918.

Ang Croatia (pagbigkas: kro•wey•s'ya; Croatian: Hrvatska), opisyal na tinutukoy na Republika ng Croatia (Croatian: Republika Hrvatska), ay isang nakapangyayaring bansa sa tagpuan ng Gitnang Europa, Timog-silangang Europa, at ng Dagat Mediterranean. Zagreb ang kabiserang lungsod nito, na bumubuo rin sa isa sa mga pangunahing subdibisyon ng bansa, kabilang ang 20 pang county. May lawak na 56,594 km2 ang Croatia na may samot saring klima ngunit ang karaniwan ay klimang kontinental at Mediterranean. May higit sa isang libo ang mga pulo ng Croatia sa baybáyin nito sa Dagat Adriatic. Umaabot sa 4.28 milyon ang populasyon ng bansa, na ang karamihan ay mga Croat, na ang karamihan naman ay mananampalataya ng Simbahang Katolika.

Dumating ang mga Croat sa lugar ng kasalukuyang Croatia noong unang bahagi ng ika-7 siglo. Dalawang dukado ang naitatag bandang ika-9 na siglo. Si Tomislav ang naging unang hari noong 925, na nagtaas sa katayuan ng Croatia bilang isang kaharian. Napanatili ng Kaharian ng Croatia ang kaniyang soberanya sa loob ng dalawang siglo. Naabot nito ang rurok ng kapangyarihan nito noong panahon nina Haring Petar Krešimir IV at Dmitar Zvonimir. Noong 1102, pumasok sa isang personal na unyon ang Croatia sa Kaharian ng Hungary. Nang maharap sa pananakop ng mga Ottoman noong 1527, hinalal ng Parlamento ng Croatia si Ferdinand I ng Dinastiyang Hapsburg sa trono ng Croatia. Noong 1918, pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, isinama ang Croatia sa di-kinilalang State of Slovenes, Croats and Serbs na humiwalay sa Austria-Hungary, at sumanib ito sa Kaharian ng Yugoslavia. Umiral ang isang pasistang papet na estado na sinuportahan ng Pasistang Italya at Nazing Alemanya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos ng digmaan, isa ang Croatia sa nagtatag at bumuo ng Sosyalistang Pederal na Republika ng Yugoslavia na isang sosyalistang estado batay sa saligang-batas nito. Noong 25 Hunyo 1991, nagpahayag ng kasarinlan ang Croatia, na umiral noong Oktubre 8 nang naturang taon. Naging matagumpay ang Croatia sa digmaan para sa kasarinlan nito makaraan ang apat na taon nang ipahayag ang kasarinlan nito.


Politika[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing artikulo: Politika ng Croatia

Naging isang demokrasyang parlamentaryo ang Croatia simula ng pagtibay ng Saligang Batas ng 1990.

Myembro ang Croatia ng:
UN
Council of Europe
OSCE
Partnership for Peace
Iba pang mga organisasyon

Ang Pangulo ng republika (Predsjednik) ang pinuno ng estado at hinahalal sa mandato ng 5 taon. Dagdag pa sa pagiging commander-in-chief ng sandatahang lakas, may tungkuling pamprosedimyento din ang pangulo sa pagtakda ng punong ministro na may pahintulot ng parlamento, at may kaunti ring impluwensiya sa foreign policy.

Ang Hrvatski Sabor (Parlamentong Croatian) ay isang unikameral na katawang lehislatibo na may hanggang 160 kinatawan, lahat hinahalal sa pamamagitan ng botong popular upang manungkulan ng 4 taon. Nangyayari ang plenary sessions ng Sabor mula Enero 15 hanggang Hulyo 15, at mula Setyembre 15 hanggang Disyembre 15.

Ang Hrvatska Vlada (Pamahalaang Croatian) ay pinamumunuan ng Punong ministro na may 2 diputado at 14 ministrong namamahala sa iba’t ibang sektor ng gawain. Responsable ang sangay ehekutibo sa pagmungkahi ng lehislasyon at ng bajet, sa pagpapatupad ng mga batas, at sa paggabay sa mga patakarang panlabas at panloob ng republika.

May three-tiered na sistemang hudisyal ang Croatia na binubuo ng Kataas-taasang Hukuman, mga hukumang pang-županija, at mga hukumang munisipal. Nasusunod ang Hukumang Konstitusyonal sa mga bagay na may kinalaman sa saligang batas. arlou de los reyes

Pagkahati[baguhin | baguhin ang batayan]

Županije ng Croatia

Pangunahing artikulo: Županije ng Croatia

Nahahati ang Croatia sa 20 županija (pammaramihan županije) at ang distritong lungsod ng kapital, Zagreb:

  1. Zagrebačka županija
  2. Krapinsko-zagorska županija
  3. Sisačko-moslavačka županija
  4. Karlovačka županija
  5. Varaždinska županija
  6. Koprivničko-križevačka županija
  7. Bjelovarsko-bilogorska županija
  8. Primorsko-goranska županija
  9. Ličko-senjska županija
  10. Virovitičko-podravska županija
  11. Požeško-slavonska županija
  12. Brodsko-posavska županija
  13. Zadarska županija
  14. Osječko-baranjska županija
  15. Šibensko-kninska županija
  16. Vukovarsko-srijemska županija
  17. Splitsko-dalmatinska županija
  18. Istarska županija
  19. Dubrovačko-neretvanska županija
  20. Međimurska županija
  21. Grad Zagreb

Mga talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Croatia". The World Factbook. CIA. https://www.cia.gov/library/publications/the-world-factbook/geos/hr.html. Hinango noong 2009-10-13. 
  2. Frucht, Richard C. (2005). Eastern Europe: An Introduction to the People, Lands, and Culture. p. 415. ABC-CLIO. ISBN 1-57607-800-0.
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 "Croatia". International Monetary Fund. http://www.imf.org/external/pubs/ft/weo/2009/02/weodata/weorept.aspx?sy=2006&ey=2009&scsm=1&ssd=1&sort=country&ds=.&br=1&c=960&s=NGDPD%2CNGDPDPC%2CPPPGDP%2CPPPPC%2CLP&grp=0&a=&pr.x=37&pr.y=5. Hinango noong 2009-10-01. 
  4. "Human Development Report 2009". United Nations. Accessed 13 Oktubre 2009.

Mga kawing palabas[baguhin | baguhin ang batayan]

Turismo[baguhin | baguhin ang batayan]

Kalikasan[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga magazin[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga retrato[baguhin | baguhin ang batayan]



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.