Pumunta sa nilalaman

Kudeta sa Thailand (2006)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Wikinews
Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito:
Category:2006 Thailand coup (sa wikang Ingles)
Thailand

Ang lathalaing ito ay bahagi ng mga serye:
Politika at pamahalaan ng
Thailand



Mga ibang bansa · Kalipunan ng mga mapa
 Portal ng Pulitika

Ang Kudeta noong 2006 sa Thailand ay naganap noong Martes 19 Setyembre 2006, nang ang Royal Thai Army ay nagsagawa ng kudeta laban sa nahalal na pamahalaan ng tagapag-alagang Punong Ministro Thaksin Shinawatra. Ang kudeta, na unang hindi konstitusyonal na pagpapalit ng pamahalaan sa Thailand sa loob ng labinlimang taon, ay kasunod ng isang taong krisis pampolitika kung saan kasangkot si Thaksin, kanyang mga kaalyado at mga kalaban sa politika at naganap isang buwan bago ang nakatakdang pambansang halalan para sa kapulungan. Naiulat sa buong Thailand at sa iba pang lugar na si Heneral Prem Tinsulanonda, Tagapangulo ng Privy Council ang pasimuno ng kudeta. Kinansela ng mga militar ang nakatakdang halalan, pinawalang-bisa ang Saligang-Batas, binuwag ang Parlyamento, ipinagbawal ang mga protesta at lahat ng gawaing pampolitika, hinadlangan at sinensura midya, nagdeklara ng batas militar, at inaresto ang mga kasapi ng gabinete.


Thailand Ang lathalaing ito na tungkol sa Thailand ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.