Kukës
Kukës Kukësi | |||
|---|---|---|---|
Lungsod at munisipalidad | |||
Mula sa itaas na retrato: Tanawin ng Kukës sa tag-init, Palasyo ng Kultura, isang kalye sa Kukës, Museo Etnograpiko, Tulay ng Drini | |||
| |||
| Mga koordinado: 42°5′N 20°25′E / 42.083°N 20.417°E | |||
| Bansa | |||
| Kondado | Kukës | ||
| Pamahalaan | |||
| • Alkalde | Albert Halilaj (PS) | ||
| Lawak | |||
| • Lungsod at munisipalidad | 8.2 km2 (3.2 milya kuwadrado) | ||
| • Urban | 957 km2 (369 milya kuwadrado) | ||
| Taas | 350 m (1,150 tal) | ||
| Populasyon (2023)[1] | |||
| • Lungsod at munisipalidad | 15,643 (kabayanan) | ||
| • Urban | 36,125 (munisipalidad) | ||
| Kodigo ng lugar | (0)24 | ||
| Websayt | kukesi.gov.al | ||
Ang Kukës (Bigkas sa Albanes: [ˈkukəs]; tiyak na uri sa Albanes: Kukësi) ay isang lungsod sa Albanya. Kabisera ito ng Kondado ng Kukës, isa sa labindalawang mga kondado na bumubuo sa nabanggit na bansa, at punong lungsod ng kapangalang munisipalidad na pumapalibot sa lungsod. May sukat itong 8.2 km2 (3.2 mi kuw) at may kabuoang populasyon na 15,643 katao noong 2023.[1][2]
Pinalilibutan ng mga matataas na lupa at ng kabundukan ang paligid ng lungsod. Umaabot ang Kukës sa Kapatagan ng Luma sa Alpes ng Albanya, sa pagitan ng mga pampang ng Imbakan ng tubig ng Fierza at ng mga burol na bumubuo sa pinakahilagang bahagi ng Kabundukan ng Korab at pinakakanlurang bahagi ng Bulubundukin ng Šar. Nagmumula ang Ilog Drin malapit sa teritoryo ng lungsod, sa tagpuan ng mga ilog ng Itim na Drin at Puting Drin.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Umaabot nang higit sa sanlibong taon ang kasaysayan ng Kukës. Tinirhan ng ilan sa mga sinaunang tribong Ilyrio (karamihan ay mga Dardanyo) ang rehiyon ng kasalukuyang lungsod, katulad sa karamihang bahagi ng Albanya. Maraming natukoy na mga puntod ng mga Ilyrio sa Këneta at nayon ng Kolsh na malapit sa lungsod. Bahagi ang Kukës ng Kaharian ng Dardanya noong sinaunang panahon.
Natuklasan sa Këneta at sa nayon ng Kolsh malapit sa Kukës ang mga puntod ng mga Ilyrio.[3] Isa lamang itong maliit na pamayanang Romano noon at isa rin itong hintuan sa isang sangay na daan papuntang Via Egnatia, isang sinaunang daan na nag-ugnay ng pantalan ng Dyrrachium sa Dagat Adriatico sa kanluran sa lungsod ng Constantinopla sa Dagat Marmara sa silangan. Isa rin itong maliit na sentrong pampamilihan ng mga Otomano at pook ng kalakalan sa daang patungo ng katimugang Kosovo. Doon sa Qafa e Kolosjanit lumaban ang mga Albanes laban sa hukbong Serbiyo na umatras noong 1912.
Dating matatagpuan ang Kukës sa tagpuan ng mga ilog ng Puting Drin at Itim na Drin. Lumubog ang bayan sa Imbakan ng tubig ng Fierza noong 1976 kasunod ng pagtatayo ng isang dam. Itinayo ang bagong bayan noong dekada-1970 sa kalapit na talampas na may taas na 320 metro mula sa kapantayan ng dagat. Kilala ang bagong pamayanan bilang Kukësi i Ri ("Bagong Kukës"), at halos napaliligiran ito ng artipisyal na lawa ng Fierza hanggang sa mistulang tangway ang itsura nito mula sa himpapawid. Tatlong mga tulay ang kumokonekta ng lungsod sa nalalabing bahagi ng bansa. Nakilala ang Kukës sa mundo sa makabagong panahon, nang dito kumanlong ang mga refugee na Kosovo Albanes na tumakas sa kasagsagan ng Digmaang Kosovo, dahil na rin sa pagiging malapit ng lungsod sa Kosovo. Tumawid ang 450,000 mga refugee na Kosovo Albanes sa hangganan ng Albanya at Kosovo at tumira sa mga kampo sa paligid ng lungsod.
Iminungkahi ang lungsod para sa Gantimpalang Nobel na Pangkapayapaan noong 2000, kaugnay sa kanilang mabuting pakikitungo at pagtanggap sa libo-libong mga refugee noong Digmaang Kosovo.[4] Ito ang unang pagkakataon na may iminungkahing lungsod para sa nabanggit na gantimpala.[5]
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]| Taon | Pop. | ±% |
|---|---|---|
| 1950 | 1,060 | — |
| 1960 | 3,018 | +184.7% |
| 1969 | 7,300 | +141.9% |
| 1979 | 9,500 | +30.1% |
| 1989 | 16,555 | +74.3% |
| 2001 | 17,157 | +3.6% |
| 2011 | 16,719 | −2.6% |
| 2023 | 15,643 | −6.4% |
| Source: [6][7][1] | ||
Matatagpuan ang Kukës sa hilagang-silangang bahagi ng bansa, sa pagitan ng latitud na 42° at 5° N at longhitud na 20° at 25° E. Nasa Kapatagan ng Luma ang lungsod, sa katimugang baybayin ng Lawa ng Fierza.[2] Nakaharap ang silangang bahagi ng lungsod sa bundok ng Gjallica, 2468 m sa ibabaw ng kapantayan ng dagat. Balot ng niyebe ang tuktok ng bundok. May layo ang Kukës na humigit-kumulang 3 kilometro (1.9 mi) sa timog-silangan ng dating lokasyon nito. Inilipat ang lungsod bilang bahagi ng pagtatayo ng Fierza Hydroelectric Power Station.[2]
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]| Datos ng klima para sa Kukës, elebasyon: 44 m o 144 tal, 1961-1990 karaniwan at mga sukdulan[a] | |||||||||||||
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
| Sukdulang taas °S (°P) | 20.8 (69.4) |
23.1 (73.6) |
28.6 (83.5) |
30.6 (87.1) |
35.0 (95) |
39.2 (102.6) |
42.5 (108.5) |
38.7 (101.7) |
35.4 (95.7) |
30.6 (87.1) |
25.4 (77.7) |
22.0 (71.6) |
42.5 (108.5) |
| Katamtamang taas °S (°P) | 3.8 (38.8) |
7.2 (45) |
12.1 (53.8) |
17.4 (63.3) |
22.5 (72.5) |
25.9 (78.6) |
28.8 (83.8) |
28.8 (83.8) |
24.6 (76.3) |
18.1 (64.6) |
11.3 (52.3) |
5.6 (42.1) |
17.18 (62.91) |
| Katamtamang baba °S (°P) | −2.9 (26.8) |
−1.2 (29.8) |
1.8 (35.2) |
6.2 (43.2) |
10.8 (51.4) |
14.0 (57.2) |
15.6 (60.1) |
15.2 (59.4) |
11.9 (53.4) |
7.0 (44.6) |
3.1 (37.6) |
−0.8 (30.6) |
6.73 (44.11) |
| Sukdulang baba °S (°P) | −22.0 (−7.6) |
−14.5 (5.9) |
−13.0 (8.6) |
−2.8 (27) |
0.5 (32.9) |
4.0 (39.2) |
6.9 (44.4) |
6.4 (43.5) |
0.0 (32) |
−3.0 (26.6) |
−16.0 (3.2) |
−16.3 (2.7) |
−22 (−7.6) |
| Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | na | — | — | — | — | — | — | — | — | — | — | — | 909.8 (35.819) |
| Araw ng katamtamang pag-ulan (≥ 1.0 mm) | na | — | — | — | — | — | — | — | — | — | — | — | 95.0 |
| Araw ng katamtamang pag-niyebe | na | — | — | — | — | — | — | — | — | — | — | — | 17.0 |
| Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) | na | — | — | — | — | — | — | — | — | — | — | — | 66.0 |
| Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | na | — | — | — | — | — | — | — | — | — | — | — | 1,973.1 |
| Sanggunian: NOAA[8] | |||||||||||||
Politika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binuo ang nakapaligid na munisipalidad ng Kukës noong 1923 sa pamamagitan ng pagsasanib ng mga dating munisipalidad na Arrën, Bicaj, Bushtricë, Grykë-Çajë, Kalis, Kolsh, Kukës, Malzi, Shishtavec, Shtiqën, Surroj, Tërthore, Topojan, Ujëmisht at Zapod, na naging mga yunit munisipal.[9] May kabuoang lawak na 934.80 km2 (360.93 mi kuw) ang buong munisipalidad ng Kukës at may kabuoang populasyon itong 36,125 katao noong 2023.[10]
Kinakapatid na mga lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Buwanang datos sa temperatura lamang
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 2 3 "Population and Housing Census, Kukës 2023" (PDF). INSTAT. p. 107. Nakuha noong Nobyembre 8, 2024.
- 1 2 3 Bashkia Kukës. "PLANI I ZHVILLIMIT I BASHKISE KUKES" (PDF). rasp.org.al (sa wikang Albanes). Kukës. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Oktubre 14, 2017.
- ↑ Boardman, Edwards, John ,I. E. S. (1982). The Cambridge Ancient History. Cambridge University Press. p. 235. ISBN 9780521224963. Nakuha noong Enero 10, 2016.
{{cite book}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ "Kukësi, kryeqendra shqiptare më 16 prill". gazeta-shqip.com (sa wikang Albanes). p. 1. Nakuha noong Abril 6, 2014.
- ↑ Collett, Richard (Disyembre 8, 2023). "Kukës: The first city ever nominated for a Nobel Prize". BBC. Nakuha noong Disyembre 14, 2023.
- ↑ "Cities of Albania".
- ↑ "Albania: All places/communes".
- ↑ "Kukës (13610) - WMO Weather Station". NOAA (FTP). Nakuha noong Agosto 28, 2019. (Upang makabasa ng mga dokumento, tingnan ang pahinang tulong na ito sa Wikipediang Ingles)
- ↑ "Law nr. 115/2014" (PDF) (sa wikang Albanes). p. 6373. Nakuha noong Pebrero 25, 2022.
- ↑ "Correspondence table LAU – NUTS 2016, EU-28 and EFTA / available Candidate Countries" (XLS). Eurostat. Nakuha noong Setyembre 25, 2019.