Kuliglig (sasakyan)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang kuliglig bilang gamit pansaka.
Ang kuliglig na nakadikit sa isang treyler bilang transportasyon.

Ang kuliglig ay isang sasakyan na binubuo ng treyler na may dalawang gulong na hinihila naman ng traktorang may dalawang gulong na katulad ng rotaryong pangararo. Ito ay isang maraming-gamit na diesel o gasolinang makina na pangkaraniwang ginagamit sa mga lalawigan ng Pilipinas. Ang etimolohiya ng kuliglig ay mula sa pangalan ng kulisap na kuliglig na ginagmit ng isang tagagayari bilang brand.[1]

Pangkaraniwang Gamit[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Pamalit sa Kalabaw
  • Pag nakadikit sa treyler ay maaaring gamitin sa transportasyon ng mga tao o kaya mga gamit pansaka.
  • Pag nakadikit sa isang pambomba ng tubig ay pwedeng gamitin sa irigasyon ng mga sakahan at palaisdaan.
  • Pag nakadikit sa isang panghasa ay maaring gamitin sa pagpatalas ng mga talim at pangkiskis.
  • Ginagamit sa mga parada.[2]
  • Ginagamit sa pangkarera.[3]

Pag-rehistro ng Sasakyan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa Tanggapan ng Transportasyong Lupa, ang may-ari ng kuliglig ay hindi kailangang irehistro ang sasakyang ito dahil wala intong numerong seryal at walang pinangagamitan maliban sa simpleng transportasyon.[4]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]