Pumunta sa nilalaman

Kulintang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kulintang
Mga ibang pangalanCalculintang, gulingtangan, kolintang, kulintangan, totobuang
Klasipikasyon
Pag-unladImpluwensiyang Habanes, Brunay,[1][2]Indonesya,[3][4][5] Malasya,[6] Pilipinas[7][8] at Silangang Timor
Saklaw ng pagtugtog
Mga eskalang Pelog at Slendro
Kaugnay na mga instrumento
bonang,[9] kenong, canang, keromong,[10] kromong, kethuk,[11] trompong/terompong, rejong, talempong,[12] chalempung, caklempong/caklempung,[10] khong wong yai/khong wong lek, khong toch/ khong thom, khong vong, krewaing/krewong[5]
Mas marami pang mga artikulo

Ang kulintang (Indones: kolintang, [13] Malay: kulintangan[14]) ay isang modernong termino para sa isang uri ng sinaunang instrumental na musika. Binubuo ito ng hanay ng mga maliliit na gong na nakalatag nang pahalang na may melodikong tunog, at sinasabayan ng mas malalaking, nakabitin na mga gong at tambol. Bilang bahagi ng mas malaking kultura ng gong-karilyon ng Timog-silangang Asya, maraming siglo nang tinutugtog ang mga piyesang pangkulintang sa mga rehiyon ng Timugang Pilipinas, Silangang Malasya, Silangang Indonesya, Brunay at Timor.[15] Nag-ebolb ang kulintang mula sa simpleng katutubong tradisyon ng pagsesenyas, at humantong sa kasalukuyan nitong anyo kasama ang mga maumbok na gong mula sa mga Sunda sa Pulo ng Java, Indonesya. Nagmula ang kahalagahan nito sa pagkakaugnay nito sa mga katutubong kultura na nakatira sa mga pulong ito bago pumasok ang mga impluwensiya ng Hinduismo, Budismo, Islam, Kristiyanismo o ang Kanluran, kaya kulintang ang pinakabuong tradisyon ng makalumang pangkat ng gong-karilyon sa Timog-silangang Asya.

Kung magiging teknikal, ang kulintang sa mga Magindanawon, Lumad, taga-Ternate, at taga-Maluku, at taga-Timor ay salita para sa idyopono ng metal na kawang gong na inilalatag nang pahalang sa isang balangkas upang makabuo ng isang set ng kulintang.[16] Tinutugtog ito sa pagpapalo ng mga umbok ng mga gong gamit ang dalawang kahoy na pamalo. Dahil sa paggamit nito sa iba't ibang pangkat at wika, ang kulintang ay tinatawag ding kolintang ng mga Maranaw at taga-Sulawesi, kulintango ng mga Mongondow,[17] totobuang ng mga taga-gitnang Maluku, kulintangan at gulintangan ng mga Brunayes, taga-Sabah, taga-Hilagang Kalimantan at taga-Sulu.[18] Gumugulong na mga kamay ang literal na kahulugan ng gulintangan o gulingtangan sa Brunay, Sabah at Sulu.[19]

Pagsapit ng ikadalawampung siglo, ang naging kahulugan ng kulintang ay isang buong Magindanawong pangkat ng lima hanggang anim na instrumento.[20] Ayon sa tradisyon, basalen o palabunibunyan ang mga salitang Magindanawon para sa buong pangkat, ang ikalawa sa mga ito na may kahulugan ng "pangkat ng mga malalakas na instrumento" o "paggawa ng musika" o sa kasong ito "paggawa ng musika gamit ang kulintang”.[21]

Kinokonsidera ang kulintangan bilang sinaunang tradisyon na nauna sa mga impluwensiya ng Hinduismo, Budismo, Islam, Kristiyanismo, at Kanluran. Sa Pilipinas, kumakatawan ito sa pinakamataas na anyo ng musika sa gong na natamo ng mga Pilipino[16] at sa Hilagang Maluku, sinasabing ilang siglo na itong umiiral.[22]

Kahit na sinaunang musika ang musikang ito, walang makabuluhang datos na naitala tungkol sa pinagmulan ng kulintang.[5] Ang pinakaunang makasaysayang mga salaysay ng mga instrumento na kahawig ng mga kasalukuyang kulintang ay nasa mga akda ng iba't ibang Europeong manggagalugad mula noong ika-16 na siglo na pahapyaw na nakakita ng mga instrumentong ito habang ginagamit.[23][24][25]

Dahil sa limitadong datos hinggil sa musika ng gong bago ang Europeong paggalugad, napakarami ang mga teorya kung kailan nabuo ang mga prototipo ng kulintang. Ayon sa isang teorya, may sinaunang kasaysayan ang tansong gong sa Timog-silangang Asya, na dumating sa kapuluang Indones dalawa o kahit tatlong libong taon na ang nakalilipas, at dumating sa Pilipinas mula sa Tsina sa ikatlong siglo PK.[3] Pinagdududahan ng isa pang teorya ang inangkin ng una, na nagmumungkahi na hindi posibleng umiral ang kulintang bago ang ika-15 siglo dahil sa paniniwala na nabuo lamang noong ika-15 siglo ang pinaniniwalaang pinaghanguan ng kulintang, ang tradisyon ng mga Habanes (Indones) sa gong.[26]

Sa Borneo, orihinal na itinugtog ang kulintang tuwing kapistahan sa pag-aani at sa korteng Brunayes. Sa paglawak ng imperyong Brunayes hanggang sa naisama ang pulo ng Borneo at timugang Pilipinas sa isang yugto, tinularan ng mga tribong Dayak ang tradisyon ng kulintang. Sa gayon, pinalawak ang tradisyon ng kulintang upang maisama ang iba't ibang mga seremonya ng tribo tulad ng mga ekspedisyon sa pamumugot ng ulo bago at pagkatapos at silat.[1][2]

Bagaman marami ang mga teorya tungkol sa kung kailan nabuo nang ganap ang kulintang, ngunit may pinagkasunduan na nabuo ang kulintang mula sa isang banyagang tradisyon sa musika na hiniram at inangkop sa tradisyon ng katutubong musika na naroroon na sa lugar.[12] Malamang na walang halagang panlibangan ang mga pinakaunang gong na ginamit ng mga katutubo ngunit ginamit lamang para magsenyas at magpadala ng mensahe.[9]

Kulintangan sa Daly City, California
Tradisyonal na kulintangan na itinugtog ng mga Matigsalug noong Pista ng Kaamulan ng Bukidnon, Pilipinas noong 2007

Ang pangunahing layunin ng kulintangan sa komunidad ay panlipunang paglilibang sa propesyonal, pambayang antas.[27] Kakaiba itong musika dahil maaaring lumahok ang mga tagapakinig, hindi lamang ang mga tagatugtog.[20][28] Mahalaga ang mga pagtatanghal na ito dahil pinagsasama-sama ng mga ito ang mga tao sa komunidad at mga kalapit na rehiyon, na tumutulong sa pagkakaisa ng mga komunidad na kung hindi man ay maaaring hindi nakipag-ugnayan sa isa't isa. Ayon sa kaugalian, kapag may tugtugan ng kulintang, boluntaryo ang kanilang pakikilahok.[18] Itinuturing ng mga musikero ang pagtatanghal bilang pagkakataon para makilala, mapuri, at marespeto ng komunidad at wala nang iba pa.[29]

Maaaring uriin ang mga pagtatanghal bilang pormal o impormal. Sa mga pormal na pagtatanghal, sinusundan ang mga tradisyonal na tuntunin sa pagtutugtog at kadalasang kinasasangkutan nito ang mga tao mula sa labas ng tahanan. Medyo kabaligtaran ang mga impormal na pagtatanghal. Kadalasang binabalewala ang mga istriktong tuntunin at karaniwang magkakilala ang mga nagtutugtugan, kadalasan mga kapamilya.[18] Itong mga pagtatanghal ang naging pagkakataon para sa mga baguhan na magpraktis ng pagtutugtog. Tinipon ng mga bata ng mga instrumento, at pinalitan ang kulintang ng mga saronay at inubab.[16] Di-tulad ng pormal na pagtatanghal, hindi kailangan ng limang instrumento sa mga impormal na pangkat: maaaring may apat na instrumento lamang (tatlong gandingan, isang kulintang, isang agung, at isang dabakan), tatlong instrumento (isang kulintang, isang dabakan, at alinman sa isang agung o tatlong gandingan) o isang instrumento lamang (nag-iisang kulintang).[12]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Brunei. Jabatan Penyiaran dan Penerangan, pat. (1985). Brunei Darussalam, Issues 1-41. Department of Information, Ministry of Culture, Youth and Sports, Brunei Darussalam.
  2. 2.0 2.1 Matussin bin Omar, pat. (1981). Archaeological Excavations in Protohistoric Brunei Penerbitan khas [Mga Paghuhukay ng mga Arkeologo sa Protohistorikong Brunei Penerbitan khas] (sa wikang Ingles). Muzium Brunei.
  3. 3.0 3.1 Sachs, Curt (1940). The History of Musical Instruments [Ang Kasaysayan ng mga Instrumentong Pangmusika] (sa wikang Ingles). New York: W.W. Norton & Co., Inc. doi:10.2307/535257.
  4. Kunst, Jaap (1949). Music in Java. Its history, its theory, and its technique [Musika sa Java. Ang kasaysayan nito, ang kwento nito at ang pamamaraan nito]. Netherlands: The Hague. ISBN 9024715199.
  5. 5.0 5.1 5.2 Cadar, Usopay Hamdag (1971). The Maranao Kolintang Music: An Analysis of the Instruments, Musical Organization, Ethmologies, and Historical Documents. Seattle, WA: Unibersidad ng Washington.
  6. Gabu, Adsone Matthew Mitty. "KULINTANGAN: A STUDY OF PRODUCTION PROCESS" [KULINTANGAN: PAG-AARAL NG PROSESO NG PRODUKSYON]. International Journal of Heritage, Art and Multimedia (sa wikang Ingles). doi:10.35631/ijham.25007.
  7. Abdullah, Samsuddin N. (2020). "History, development and influence of kulintang music to the cultural heritage (adat-betad) of Maguindanaon" [Kasaysayan, pag-unlad at impluwensiya ng musikang kulintang sa pamanang kultural (adat-betad) ng Magindanawon]. Education Research Journal (sa wikang Ingles). 10 (3): 58–83.
  8. Tremillio, Ricardo (1972). Tradition and repertoire in the cultivated music of the Tausug of Sulu, Philippines [Tradisyon at repertoryo sa nilinang na musika ng mga Tausug ng Sulu, Pilipinas] (Tisis) (sa wikang Ingles). Los Angeles: Unibersidad ng California.
  9. 9.0 9.1 Frame, Edward M.. "The Musical Instruments of Sabah, Malaysia." Ethnomusicology 26(1982):
  10. 10.0 10.1 Matusky, Patricia (1985). "An Introduction to the Major Instruments and Forms of Traditional Malay Music" [Isang Panimula sa Mga Pangunahing Instrumento at Anyo ng Tradisyonal na Musikang Malay]. Asian Music. 16 (2) (ika-Spring-Summer (na) edisyon): 121–182. doi:10.2307/833774.
  11. "Ethnic Music" [Musikang Etniko] (sa wikang Ingles). Embahada ng Republika ng Indonesya sa Berlin – Alemanya. 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 19, 2011. Nakuha noong Pebrero 22, 2007.
  12. 12.0 12.1 12.2 Maceda, Jose (1998). Gongs and Bamboo: A Panorama of Philippine Music Instruments [Mga Gong at Kawayan:Isang Panorama ng Mga Instrumentong Pangmusika ng Pilipinas] (sa wikang Ingles). Lungsod Quezon: Limbagan ng Unibersidad ng Pilipinas. ISBN 9789715421249.
  13. "Kolintang". Kamus Besar Bahasa Indonesia (sa wikang Indones). kolintang /ko·lin.tang/ n Mus alat musik pukul yang terdiri atas bilah-bilah kayu yang disusun berderet dan dipasang di atas sebuah bak kayu (seperti gambang), terutama terdapat di Sulawesi Utara
  14. Matusky, Patricia (2015). "Kulintangan". Oxford Music Online (sa wikang Ingles). doi:10.1093/gmo/9781561592630.article.L2281450. ISBN 978-1-56159-263-0. Gong-karilyon ng Sabah, Malasya. Matatagpuan sa buong Sabah, ngunit lalo na sa mga pamayanan sa baybayin, ang kulintangan ay isang hanay ng maliliit, tanso, hugis-palayok na bossed gong na inilagay nang pahalang (na may umbok na pataas) sa isang hanay sa isang balangkas na kahoy. Sa kahabaan ng kanlurang baybayin, pito hanggang siyam na gong ang bumubuo sa isang hanay, at sa silangang baybayin maaaring magkaroon ng lima hanggang pito o higit pang gong ang isang hanay.Minsan pinalamutian ang mga gong ng mga nakaumbok na heometrikong padron. Nakaupo ang tagatugtog sa sahig sa likod ng balangkas at pinapalo ng pares ng mga pamalong kahoy (Isinalin mula sa Ingles)
  15. Amin, Mohammad (2005). "A Comparison of Music of the Philippines and Sulawesi" [Paghahambing ng Musika ng Pilipinas at Sulawesi] (sa wikang Ingles). Sulawesi. Nakuha noong Pebrero 22, 2007.
  16. 16.0 16.1 16.2 Benitez, Kristina (2005). The Maguindanaon Kulintang: Musical Innovation, Transformation and the Concept of Binalig [Ang Magindanawong Kulintang: Inobasyon sa Musika, Pagbabagong-anyo at ang Konsepto ng Binalig] (Tisis) (sa wikang Ingles). MI: Unibersidad ng Michigan.
  17. Prasetyadi, Kristian Oka (2021-12-11). "Menabuh Kulintango, Menyelamatkan Bintauna". kompas.id (sa wikang Indones). Nakuha noong 2023-11-07.
  18. 18.0 18.1 18.2 Cadar, Usopay H. (1996). "The Role of Kolintang Music in Maranao Society" [Ang Papel ng Musikang Kolintang sa Lipunang Maranaw]. Asian Music (sa wikang Ingles). 27 (2) (ika-Spring – Summer (na) edisyon): 80–103. doi:10.2307/834489.
  19. "Silat martial ritual initiation in Brunei Darussalam" (PDF).
  20. 20.0 20.1 Cadar, Usopay Hamdag (1996). "Maranao Kolintang Music and Its Journey in America" [Musikang Kulintang ng mga Maranaw at Ang Paglalakbay nito sa Amerika]. Asian Music. 27: 131–146.
  21. Butocan, Aga Mayo (2007). "Maguindanao Kulintang". Tao Music. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 5, 2007. Nakuha noong Pebrero 22, 2007.
  22. Kartomi, Margeret J. (1994). "Is Malaku still musicological "terra incognita." An overview of the music-cultures of the province of Maluku" [Musikolohikal na "terra incognita" pa rin ba ang Malaku. Isang pangkalahatang-ideya ng kulturang pangmusika ng lalawigan ng Maluku]. Journal of Southeast Asian Studies (sa wikang Ingles). 25: 141–173.
  23. Blair, Emma; Robertson, James (1903). The Philippine Islands [Ang Kapuluan ng Pilipinas]. Cleveland: The Arthur K. Clark Co. ISBN 9780353887619.
  24. Forrest, Thomas (1969). A Voyage to New Guinea and the Moluccas: 1774–1776 [Isang Paglalayag sa Bagong Ginea at Maluku: 1774–1776] (sa wikang Ingles). Kuala Lumpur: Oxford University Press. ISBN 9780196381084.
  25. Vives, E.D.. The Rio Grande of Mindanao. 2. Cagayan de Oro: Xavier University, 1995.
  26. Skog, Inge (1993). North Borneo Gongs and the Javanese Gamelan [Mga Gong ng Hilagang Borneo at ang Gamelang Habanes] (sa wikang Ingles). Estokolmo: Unibersidad ng Estokolmo. pp. 55–102. ISBN 9789197206310.
  27. Otto, Steven W. (1996). "Repertorial Nomenclature in Muranao Kolintang Music" [Nomenklaturang Repetoryal sa Musikang Kulintang ng mga Maranaw]. Asian Music (sa wikang Ingles). 27 (2) (ika-Spring – Summer (na) edisyon): 123–130. doi:10.2307/834491.
  28. Kalanduyan, Danongan S. (1996). "Maguindanaon Kulintang Music: Instruments, Repertoire, Performance, Contexts, and Social Functions". Asian Music. XXVII (2): 3–18. doi:10.2307/834485.
  29. Gaerlan, Barbara (1991). Philippine Muslim Kulintang: Music of Modernization [Kulintang ng Mga Pilipinong Muslim: Musika ng Modernisasyon] (sa wikang Ingles).