Pumunta sa nilalaman

Kung Mangarap Ka't Magising

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kung Mangarap Ka't Magising
Ang paskil ng Kung Mangarap Ka't Magising
DirektorMike De Leon
PrinodyusManuel De Leon
SumulatMike De Leon
Rey Santayana
Itinatampok sinaChristopher De Leon
Hilda Koronel
MusikaJun Latonio
SinematograpiyaMike De Leon
Francis Escaler
In-edit niIke Jarlego, Jr.
TagapamahagiLVN Pictures
Inilabas noong
24 Disyembre 1977 (1977-12-24)
BansaPilipinas
WikaFilipino

Ang Kung Mangarap Ka't Magising ay isang pelikula tungkol sa pag-ibig na nagbibigay ng magaang damdamin na naglalarawan ng pagkatuligsa ng kabataan. Ito ay nasa direksiyon ni Mike De Leon at ipinalabas ito noong 1977. Naging kalahok ito sa Paligsahang Pampelikula ng Kalakhang Maynila 1977.

Ang mga nagsiganap sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:

Mga nagsiganap Ginampanan bilang
Christopher De Leon Joey
Hilda Koronel Anna
Laurice Guillen Cecile
Moody Diaz Gng. Laguitan
Danny Javier Jojo
Boboy Garovillo Mike
Bibeth Orteza Nanette
Briccio Santos Freddie
Oya De Leon Sylvia
Archie Corteza G. Sandico
Erwin Kilip Erwin
Jayjay De los Santos Jayjay
Bert Miranda Dumogan
Don Escudero King Kong
Sally Santiago Binibining Bayani
Marietta Sta. Juana Auring

Buod ng pelikula

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Nagtitipon at nagwiwili sa pagtugtog ng musika sina Joey at Anna.

Isang binatang mag-aaral sa dalubhasaan na nagngangalang Joey (De Leon) ay may likas na taglay na pag-ibig sa musika na nais niyang maging kompositor balang araw na sinasagkaan ng kanyang mapangayang ama na may nais sa kanya na maging dalubhasa sa haynayan. Sadyang sinusubukan niyang makakuha na may pagsasalungatan, nakatagpo siya ng babae nang di-inaasahan na si Anna (Koronel), may asawa na at bugtong na anak, habang dumadalaw sa kanyang pinsan na si Cecile (Guillen), ang kaibigan ni Joey. Nag-akitan nang biglaan sa bawat isa at nagka-ibigan silang dalawa. Dahil sa walang kakayahang pagpalag sa kanilang mga damdamin, nagbuo sila ng panandaliang paraan ng ugnayan na nakatutulong sa babae na humarap sa di-pagkakaiwasan ng paghihiwalay sa kanyang nakapaninilong asawa at nakatutulong nang katumbas sa binata na ayusin ang kanyang buhay at hanapin ang kanyang sarili sa ibang liwanag.[1]

Lahat ng mga tagpo ng pelikulang ito ay ginanap sa Lungsod ng Baguio at Sagada.[2]

Mahalagang linya ng sinasabi ng tauhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inilarawan ni Anna ang kanyang buhay habang nasa kapiling niya ang kanyang asawa na nagngangalang Freddie (Briccio Santos) sa pamamagitan ng pagsabi niya kay Joey:

Party dito, party don, yun lang ang buhay namin…

Pagsususuri ng pelikula

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kuwento ng pelikula ay payak at maalwan, walang pangamba sa pag-iisip na mga palipit at mga pabaling, bagkus ang mga pangyayari sa pelikula ay naturalistiko, di-nakakabaliw, at matapat na pagtatanghal ng mga aktor sa pelikula gayundin ang mga hitik na awitin na sa totoo lamang ang mga ito ay pangatlong pangunahing karakter sa pelikulang ito.[2]

Ang mga awitin na ginamit sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:

Pamagat Musika ni Titik ni Inawit ni(na)
Umaga na Naman (Tema ni Joey) Jun Latonio Joseph Olfindo Christopher De Leon
Giliw Nonong Buencamino Joseph Olfindo Joseph Olfindo
Marian Saenz
Tuwing Umaga Joseph Olfindo Joseph Olfindo
Kung Mangarap Ka't Magising Jun Latonio Joseph Olfindo
Di Bale na Lang Jun Latonio Joseph Olfindo
Pusa Jun Latonio Joseph Olfindo
Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1978
Nanalo
Pinakamahusay na Musika
Jun Latonio

Pinakamahusay na Tunog
Ramon Reyes
Luis Reyes
Nanomina
Pinakamahusay na Pangunahing Aktor
Christopher De Leon

Pinakamahusay na Pangunahing Aktres
Hilda Koronel

Pinakamahusay na Sinematograpiya
Francis Escaler
Mike De Leon

Pinakamahusay na Direksiyon
Mike De Leon

Pinakamahusay na Editing
Ike Jarlego Jr.

Pinakamahusay na Pelikula

Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon
Mel Chionglo
  1. Eleanor Mannikka, All Movie Guide
  2. 2.0 2.1 "kabayancentral.com: Kung Mangarap Ka't Magising". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-11-07. Nakuha noong 2008-11-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]