Pumunta sa nilalaman

Labag na pagtawid

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kahit kung may babalang nakatayo sa kalsada laban sa labag na pagtawid, pinipilit pa rin ng tao na tumawid sa maling lugar, tulad ng dito sa Kalakhang Maynila.

Ang labag na pagtawid (Ingles: jaywalking) ay ang pagtawid sa isang kalsada ng isang tao nang labag sa itinakda ng batas trapiko. Kasama rito ang pagtawid nang wala sa tamang tawiran ng tao (crosswalk), ang pagtawid sa tawiran habang pula ang ilaw pantawid, at ang pagtawid nang walang pag-ingat.[1]

Sa maraming bansa, pinaparusahan ang labag na pagtawid. Karaniwang ginagamit ang multa laban dito: halimbawa, sa maraming lugar sa Pilipinas, karaniwang pinapatawan ng ₱500 multa ang labag na pagtawid. Gayunpaman, may ilang bansa, tulad ng Singgapur, na kumukulong sa mga taong nahuling tumatawid nang labag.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Jaywalk (dzey' wok) n.- tumawid sa parte ng kalye na hindi itinakda para tawiran ng tao; tumawid sa kalye nang walang ingat. - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.