Labanan sa Balantang
Battle of Balantang | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng the Visayan theater of Philippine-American war | |||||||
| |||||||
Mga nakipagdigma | |||||||
Philippine Republic | Estados Unidos | ||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||
Pascual Magbanua | Hindi kilala | ||||||
Lakas | |||||||
Hindi nabilang | Hindi nabilang | ||||||
Mga nasawi at pinsala | |||||||
Hindi nabilang | 400 napatay at nasugatan |
Ang Labanan sa Balantang, na kilala rin bilang Ikalawang Labanan ng Jaro, ay isang labanan sa mga unang yugto ng Digmaang Pilipino–Amerikano . Ito ay isang organisadong kontra atake ng mga pwersang Pilipino sa mga pwersa ng Estados Unidos na isinagawa noong Marso 10, 1899, na nagresulta sa muling pagbawi sa bayan ng Jaro sa isla ng Panay sa Pilipinas.[1] Ang mga rebolusyonaryong Pilipino sa pamumuno ni Heneral Pascual Magbanua kasama ang kanyang kapatid na si Teresa Magbanua ay naglunsad ng isang pag-atake, sa kabila ng mga kawalan sa pagsasanay at kagamitan. Ang labanan ay nagresulta sa muling pagbawi ng pwersa ng Pilipinas sa Jaro mula sa pwersa ng Estados Unidos. Hindi naitala ang bilang ng mga Pilipinong nasawi. [2] Dahil sa kanyang kagitingan, si Teresa Magbanua ay binigyan ng isang kilalang lugar sa pagdiriwang, na pinangunahan ang kanyang mga tropa sa lungsod habang nakasakay sa isang puting kabayo.[3]
Pamana
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Teresa Magbanua na kilala din sa tawag na "Nay Isa" ang unang babaeng mandirigma sa Isla ng Panay at kinilala bilang "Joan of Arc ng Visayas". Sa kabila ng pagsalungat ng kanyang asawa, si Teresa Magbanua ay sumunod sa yapak ng kanyang dalawang kapatid at sumali sa Rebolusyonaryong Kilusan. Ang digmaan ay nagdala sa kanya ng labis na paghihirap pagkatapos nawala ang kanyang dalawang magkapatid. Ang kanyang mga kapatid na sina Pascual at Elias ay parehong namatay sa di maipaliwanag na pangyayari.[4]Matapos ang maraming labanan, napagtanto niya na ang kanyang pangarap sa isang independiyenteng Pilipinas ay kailangang maghintay. Binuwag niya ang kanyang mga tropa at sumuko sa mga Amerikano noong 1900.[5]
Isa lamang ang Labanan sa Balantang sa mga digmaang kinasangkutan ni Teresa Magbanua. Siya ay kasama din sa ilang mga labanan sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Martin Delgado. Noong Disyembre 3, 1898, pinamunuan niya ang isang banda ng mga rifle sharpshooter at mga sundalo, at pinabagsak ang mga tropang Espanyol sa lugar.[6]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://www.thenewstoday.info/2006/10/20/nay.isa.the.bravest.woman.fighter.of.iloilo.html
- ↑ http://journals.upd.edu.ph/index.php/rws/article/view/3093/2910
- ↑ http://ojs.philippinestudies.net/index.php/ps/article/viewFile/694/696
- ↑ http://www.thenewstoday.info/2006/10/20/nay.isa.the.bravest.woman.fighter.of.iloilo.html
- ↑ https://www.elearningph.com/2020/07/joan-of-arc-ng-visayas-teresa-magbanua.html
- ↑ https://www.elearningph.com/2020/07/joan-of-arc-ng-visayas-teresa-magbanua.html