Pumunta sa nilalaman

Labis na panginginain

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Larawang ng isang satelayt ng hangganan sa pagitan ng Israel at Ehipto. Ang bahaging Ehipto, na nasa kaliwa, ay labis ang panginginain.

Ang labis na panginginain (sa Ingles: overgrazing) ay nangyayari kapag nalantad ang mga halaman sa masidhing panginginain sa pinatagal na panahon, o walang sapat na panahon na makabawi. Maaring naidulot ito ng mga domestikadong hayop o ang di magandang pamamahala ng mga produktong pang-agrikultura, panreserbang laro o panreserbang pang-kalikasan. Maari din na dulot ito ng paghihigpit sa di paggagalaw o paglalakbay ng mga populasyon ng katutubo o di-katutubong mga mababangis na hayop.

Nababawasan nito ang kapakinabangan, produktibidad, at biyodibersidad ng lupa at isa ito sa sanhi ng desertipikasyon o ang pagbaba ng uri ng lupa at ng erosyon. Nakikita din na ang labis na panginginain ay nagdudulot ng paglaganap ng mapang-nalakay na mga espesye ng di-katutubong mga halaman at ng damo. Hindi ito dulot ng mga lagalag na mga nanginginain sa mga malaking populasyon ng mga naglalakbay ng mga kawan, katulad ng Amerikanong bison ng Great Plains sa Estados Unidos,[1][2] o ang galang mga Wildebeest ng mga Aprikanong sabana, o sa pamamagitan ng holistikong planadong panginginain.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Laduke, Winona (1999). All Our Relations: Native Struggles for Land and Life (PDF) (sa wikang Ingles). Cambridge, MA: South End Press. p. 146. ISBN 0896085996. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2015-04-02. Nakuha noong 30 Marso 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Duval, Clay. "Bison Conservation: Saving an Ecologically and Culturally Keystone Species" (PDF) (sa wikang Ingles). Duke University. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2012-03-08. Nakuha noong Abril 13, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. (Sa Ingles) "Holistic Land Management: Key to Global Stability" ni Terry Waghorn. Forbes. 20 Disyembre 2012.