Lagong-lumang kagubatan
Ang lagong-lumang kagubatan (Ingles: old-growth forest) — tinatawag din na pangunahing kagubatan (primary forest), birheng kagubatan (virgin forest), sinaunang kagubatan (primeval forest), o unang-tubong kagubatan (first-growth forest) — ay isang kagubatan na umabot na sa malaking katandaan nang wala gaanong malaking pagkaabala, at sa gayon ay nagpapakita ng mga natatanging katangiang pansalomuhay, at maaaring mauuri bilang isang sukdol na pamayanan. [1] Ang Organisasyon ng Pagkain at Agrikultura ng United Nations ay tumutukoy sa mga pangunahing kagubatan bilang mga likas na muling nabuong kagubatan ng mga katutubong espesye ng punong-kahoy kung saan wala masyadongng makikitang mga indikasyon ng pagkilos ng tao at kung saan ang mga paglalakad ng salomuhay ay hindi gaanong naaabala. Mahigit sa isang-katlo (34 bahagdan) ng mga kagubatan sa mundo ay mga pangunahing kagubatan. Kasama sa mga tampok sa lumang-lago ang magkakaibang kaanyuan na nauugnay sa puno na nagbibigay ng magkakaibang tirahan ng wildlife na nagpapataas sa laksambuhay ng nagubatangsalomuhay. Ang mga birheng o unang-tubong kagubatan ay mga lagong-lumang kagubatan na hindi pa kailanman naputol. Ang dalumat ng magkakaibang kaanyuan ng kapunoan ay kinabibilangan ng mga mararaming palapag na kulandong at puwang-kulandong, na nagpapaiba-iba sukat ng mga taas at bantod ng mga puno, at iba't ibang uri ng puno at klase at laki ng makahoy na mga labi.
May natirirang 1.11 bilyong ektarya ng pangunahing kagubatan sa buong mundo. Kung pagsasamahin, tatlong bansa (Brazil, Canada, at Russia) ang nagtatanghal ng higit sa kalahati (61 bahagdan) ng pangunahing kagubatan sa mundo. Ang laki ng mga pangunahing kagubatan ay bumaba ng 81 milyong ektarya mula noong 1990, ngunit ang bilis ng pagkawala ay higit sa kalahati noong 2010–2020 kumpara sa nakaraang dekada.
Ang mga lagong-lumang kagubatan ay mahalaga para sa mga kadahilanang pang-ekonomiya at para sa mga lingkod-salomuhay na ibinibigay ng mga ito. Maaari itong maging punto ng pagtatalo kapag ang ilan sa industriya ng pagtotroso ay nagnanais na mag-ani ng mahalagang troso mula sa mga kagubatan, habang ang mga mapagkaligiran ay naghahangad na mapanatili ang kagubatan sa kanilang dalisay na katayuan para sa mga kapakinabangan nito tulad ng pagpapanatili ng laksambuhay, paglilinis ng tubig, pagsupil sa baha, at pagpapaikot ng palusog. Higit pa rito, ang mga lumang-lumalagong kagubatan ay mas mahusay sa pag-imbak ng karbon kaysa sa mga bagong itinanim na kagubatan at mabilis na lumalagong mga taniman ng troso, kaya ang pangangalaga sa mga kagubatan ay mahalaga sa pagpapagaan ng pagbabago ng klima. [2] [3]
Kahulugan ng dinamika ng kagubatan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ White, David; Lloyd, Thomas (1994). "Defining Old Growth: Implications For Management". Paper Presented at the Eighth Biennial Southern Silvicultural Research Conference, Auburn, al, Nov. L-3, 1994. Eighth Biennial Southern Silvicultural Research Conference. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Mayo 2016. Nakuha noong 23 Nobyembre 2009.
{{cite journal}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McGarvey, Jennifer; Thompson, Jonathan R.; Epstein, Howard E.; Shugart, Herman H. (1 Pebrero 2015). "Carbon storage in old-growth forests of the Mid-Atlantic: toward better understanding the eastern forest carbon sink". Ecology (sa wikang Ingles). 96 (2): 311–317. doi:10.1890/14-1154.1. ISSN 1939-9170. PMID 26240851.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Contribution of Working Group III to the Fourth Assessment Report of the Intergovernmental Panel on Climate Change, 2007 B. Metz, O.R. Davidson, P.R. Bosch, R. Dave, L.A. Meyer (eds) Cambridge University Press, Cambridge, United Kingdom and New York, NY, USA" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 4 Agosto 2009. Nakuha noong 25 Abril 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)