Pumunta sa nilalaman

Laing

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Laing
Laing na pinatungan ng siling labuyo
Ibang tawagpinangat, laing pinangat, pinangat na laing, pinangat na gabi, ginataang laing
UriNilaga
LugarPilipinas
Rehiyon o bansaBicol
GumawaLutuing Pilipino
Pangunahing SangkapGabi, sili, karne o pagkaing-dagat, gata
Baryasyoninulukan, tinomok
Mga katuladBicol Express, gising-gising

Ang laing ay isang uri ng pagkaing Pilipino na kinasasangkapan ng pinatuyong mga dahon ng gabi at karne o pagkaing-dagat na niluto sa gata.[1] Tinitimplahan ito ng mga pampalasa katulad ng siling labuyo, tanglad, bawang, bakalot, luya, at bagoong. Nagmumula ito sa Bicol, kung saan kilala ito bilang pinangat. Ang laing ay uri rin ng ginataan (pagkaing Pilipino na niluluto sa gata), at kaya maaaring tukuyin ito bilang ginataang laing. Kinakain ang laing kasama ang kanin o tinapay. Kinakain din ito bilang pamutat sa karne.

Laing ang pangalan ng putahe sa karamihang bahagi ng Pilipinas, ngunit mas kilala ito bilang pinangat sa rehiyong Bicol, ang pinagmulan nito. Gayunpaman, maaaring ikalito ang pangalan sa pinangat na isda na ibang putaheng gawa sa isda na naluto sa isang medyo maasim na sabaw katulad ng sinigang.[2][3][4] Nanggagaling ang pagkalito mula sa orihinal na kahulugan ng pandiwang pangat sa mga wika ng Timugang Luzon, kung saan pagluluto ng isda o karne sa sabaw ng tubig at asin ang kahulugan nito.[5][6]

Tipikal ang laing sa lutuing Bikolano, na kilala sa paggamit ng sili at gata.[7] Kilala rin ang laing bilang ginataang laing, pinangat na laing, at pinangat na gabi, bukod sa iba pang mga pangalan.[8]

Inulukan, isang baryante na gumagamit ng talangka na binalot sa gabi at niluto sa gata
Tinumok, isang baryante ng laing na gumagamit ng timpla ng ginadgad na hipon at isda na may gadgad na niyog

Hindi ginagamit ng orihinal laing mula sa rehiyong Bicol ang gabi, ngunit ang buong dahon ng gabi (natong sa Bikolano). Kilala ang bersyon na ito bilang pinangat. Ang timpla ay karaniwang binubuo ng nalutong baka, hipon, o balat ng isda (o lahat ng tatlo) kasama ang bagoong alamang, dinurog na siling labuyo, bawang, bakalot, luya, at kakang gata (krema ng niyog). Binabalot ito ng dahon at itinatali ng dahon ng niyog. Pagkatapos, pinapasingaw ito sa gata at tanglad hanggang malambot ang mga balot at naging malapot na sarsa ang gata.[8][9]

Para sa laing na inihahain sa Maynila at sa ibang lugar, halos parehas ang pagluluto, ngunit ginugutay-gutay ang mga dahon. Isinasama rin ang mga nahiwang tangkay ng dahon.[10] Kadalasang kinakain ang laing kasama sa kanin, ngunit maaaring kanin ito sa sandwich katulad ng pandesal o gamitin bilang laman para sa ibang putahe. Karaniwang kinakain din ito bilang pamtuat sa karne.[11][12]

Dapat inihahanda nang tama ang dahon ng gabi, dahil naglalaman ito ng kristal ng kalsyo oksalato (raphide) na maaaring magbunga ng pangangati at nasusunog na pakiramdam sa bibig. Karaniwang hinuhugasan at niluluto ang mga ito nang lubusan para maiwasan ito. Mababawasan din ng pagtutuyo ang dami ng kristal.[3][7]

Kabilang sa mga kilalang baryante ng laing ang:

Ang inulukan or inulokan ay baryante ng laing na gawa sa karne ng talangka (uluk or ulok) na binalot sa gabi at niluto sa gata na pinaanghang ng calamansi, paminta, at tanglad. Espesyalidad ito ng Camalig, Albay.[3][13][14] Kilala rin ito bilang pinangat na ugama or pinangat na talangka, mula sa sugama and talangka, mga iba pang lokal na termino para sa mga river crabs.

Ang Tinumok, tinomok, o tinulmok ay isa pang tradisyonal na baryante mula sa Bicol na gumagamit ng buong gabi na ipinambalot sa timpla ng hipon ng tubig-tabang, balat ng isda (minsan ang karne), bagoong, na may kasamang tinadtad o ginadgad na laman ng niyog, sibuyas, sili, tanglad, bawang, at iba pang pampalasa na niluto sa gata. Nag-iiba ito sa paggamit ng laman ng niyog.[15][16][17][18]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lacquian, Eleanor at Irene Sobreviñas (1977). "Laing". Filipino Cooking Here & Abroad (Lutuing Pilipino Dito at sa Labas ng Bansa).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Last night's dinner: Pinangat". God Antifornicator. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Enero 2019. Nakuha noong 10 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 "Laing (Pinangat) and Bicol Express". TheLoneRider.com. Nakuha noong 10 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Pinangat & Laing - Another Famous Bicol Treats". Touring Bicol. Nakuha noong 10 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Polistico, Edgie (2017). Philippine Food, Cooking, & Dining Dictionary. Anvil Publishing, Incorporated. ISBN 9786214200870.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "pangat". Tagalog-Dictionary.com. Nakuha noong 10 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 "Laing". Kawaling Pinoy. Nakuha noong 10 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 "Pinangat na gabi". Philippines Travel Guide. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Enero 2019. Nakuha noong 10 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. de Leon, Mack. "Pinangat Recipe". Yummy.ph. Nakuha noong 10 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Pinangat a la Josephine". Market Manila. Nakuha noong 10 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "7 dishes to try on your next roadtrip to Albay". GMA News Online. Nakuha noong 10 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Oyster omelette to 'pinangat' burgers: 8 must-try dishes at the World Street Food Jamboree". InterAksyon. Nakuha noong 10 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Inulukan and Pinangat: Do they have differences?". SeanSusan. Nakuha noong 10 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  14. "Quick Facts on Camalig". Amazing Albay. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2019. Nakuha noong 10 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Tinumok of Bicol". Atbp.ph. Nakuha noong 10 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Tinumok (Shrimp Mixture Wrap in Taro Leaves)". Panlasang Pinoy Meaty Recipes. Nakuha noong 10 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Tinomok". Chewing My Way Through College. Nakuha noong 10 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Tinumok". The Glorious Food Glossary. Nakuha noong 10 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)