Lambana
Ang Lambana (sa Ingles: pixie, na tinatawag ding pisky, pixy, pixi, pizkie, piskie, o pigsie sa ilang bahagi ng Cornwall at Devon) ay isang nilalang mula sa mitolohiyang Briton. Pinaniniwalaang marami silang naninirahan sa matataas na lugar ng Devon, na posibleng may pinagmulan sa mga paniniwalang Celtic. Gayunpaman, lumalabas din ang salitang pixie sa Dorset, Somerset, at kaunti sa Sussex, Wiltshire, at Hampshire. . [1]
Katulad ng mga nilalang sa mitolohiyang Irish at Scottish na tinatawag na Aos Sí (o Aos Sidhe), ang mga pixie ay sinasabing naninirahan sa mga sinaunang lugar sa ilalim ng lupa tulad ng mga bilog ng bato, burol na libingan (barrows), dolmens, ringforts, o mga batong menhir.
Sa mga alamat, ang pixie ay maliit, parang bata, mahilig mang-asar ngunit karaniwang hindi mapanganib. Sila ay mahilig sumayaw at maglaro sa labas, lalo na sa gabi.
Sa makabagong paglalarawan, madalas silang ipinapakita na may matulis na tainga, nakasuot ng berdeng damit, at may matulis na sumbrero. Sa tradisyunal na kwento naman, madalas silang nakasuot ng maruruming basahan na kanilang iniiwan kapalit ng bagong damit na ibinibigay sa kanila.
Mga katangian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
- Sa alamat, madalas silang inilalarawan na nakasuot ng maruruming damit o minsan ay hubad o di kaya halaman ang saplot
- Sinasabi na mahilig sila sa mga magagarang bagay tulad ng laso.
- May mga kwento na nangunguha sila ng mga bata o naliligaw nila ang mga manlalakbay bagay na hango sa alamat ng mga engkanto.
- Kung sila ay igagalang, nagbibigay sila ng pagpapala; ngunit kung pababayaan, maaari silang magparusa.
- May koneksyon din sila sa mga kabayo, na kanilang sinasakyan sa gabi at binibigyan ng mga buhol o kulot sa kanilang mga buhok.
- May mga nagsasabing sila ay dating tao o bahagi ng lahi ng tao, kaya naiiba sila sa mga engkanto na galing sa masasamang
espiritu.
Lambana sa Mytholohiyang Pilipino
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa mitolohiya ng Pilipinas, ang lambana ay ang tawag sa mga may pakpak na engkanto o maliliit na diwata. Kalaunan, ang salitang ito ay iniuugnay sa mga Diwata sa Kanluran, na kadalasang inilalarawan bilang maliliit na nilalang na may pakpak.
Sa makabagong Tagalog, may kaparehong tunog ang lambana at dambana. Ngunit magkaiba ang kahulugan:
- Lambana – engkanto o maliliit na diwata na may pakpak.
- Dambana – dambana o maliit na altar/kapilya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Wright, Joseph (1903). The English Dialect Dictionary. Bol. 4. London: Frowde and Son. pp. 530–531.
- ↑ "Mariang Makiling and the Golden Ginger Root". Tales from the 7,000 Isles: 34–36. 2011. doi:10.5040/9798216022213.0027.
- ↑ Chan, Hiu (2019-03-19). "The Wandering Earth: why you need to see China's latest sci-fi blockbuster". doi.org. Nakuha noong 2025-08-29.
- ↑ "From A. L. Kroeber, Ethnology of the Gros Ventre. New York: Anthropological Papers of the American Museum of Natural History 1, Part 4 (1907), 141–281, 60–1". Native American Storytelling: 49–51. 2004-01. doi:10.1002/9780470776391.ch7.
{{cite journal}}: Check date values in:|date=(tulong); line feed character in|title=at position 20 (tulong) - ↑ Spiecker-Salazar, Marlies (2022). "Jean-Paul G. Potet, A Grammatical Pandect of Written Tagalog, Lulu Press Inc. USA, 2022, 740 pp. ISBN 978-1-716-45111-9". Archipel. 104: 215–216. doi:10.4000/archipel.3154. ISSN 0044-8613.