Lansangang-bayang Maharlika
Lansangang-bayang Maharlika | |
---|---|
Pan-Philippine Highway Lansangang Asyano Blg. 26 | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 3,517 km (2,185 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | Laoag, Ilocos Norte |
Dulo sa timog | Lungsod ng Zamboanga |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Lansangang-bayang Maharlika (Ingles: Maharlika Highway),[1] na kilala rin sa pangalang Pan-Philippine Highway sa Ingles (AH26 AH26), ay isang pinag-ugnay na kalsada, tulay at mga serbisyo ng barko na umaabot sa 3,517 km (2,185 mi) ang haba na kumokonekta sa mga pulo ng Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao sa Pilipinas, na sumeserbisyo sa pangunahing gulugod ng transportasyon.
Sa lungsod ng Laoag sa Ilocos Norte ang hilagang dulo ng daanan at sa Lungsod ng Zamboanga ang timog na dulo.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iprinisinta ang daanan noong 1965 at itinayo sa panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Ang mga tagaplano mula sa pamahalaan ay naniniwala na ang daanan ay magpapasigla sa agrikultural na produksiyon at magpapababa sa gastos sa transportasyon, mag-aanyaya sa panlipunan at pang-ekonomiya na pagbabago sa labas ng pangunahing sentrong urban, at magpapalawak ng industriyal na produksiyon para sa domestiko at dayuhang pamilihan. Sinusuportahan ito ng pautang para sa pamahalaan at tulong mula sa institusyong dayuhan, tulad na lamang ng Pandaidigang Bangko. Nang matapos ang proyektong ito, sinasabing isa ito sa mga pangunahing naabot ng bansa sa sektor ng transportasyon.
Inayos muli ang daanan at pinaunlad noong 1997 mula sa tulong ng pamahalaan ng Hapon, at matapos ang proyektong ito, tinawag rin itong Philippine-Japan Friendship Highway. Noong 1998, nagdesigna ang Kagawaran ng Turismo ng 35 seksiyon sa daanan bilang "Scenic Highways" na may pinaunlad na amenidad para sa mga manlalakbay at mga turista.
Ang bahagi ng Lansangang-bayang Maharlika sa loob ng Kamaynilaan sa hinaharap ay ang Skyway Stage 3 mula Balintawak, Lungsod Quezon hanggang Buendia, Lungsod ng Makati, kasama na ang bahaging ng Skyway Stage 1 na naroroon na (mula Abenida Gil Puyat hanggang Magallanes). Magsisilbi rin itong alternatibong ruta sa mga motorista upang maiwasan ang EDSA, mula North Luzon Expressway hanggang South Luzon Expressway at gayundin naman South Luzon Expressway hanggang North Luzon Expressway.
Pagtatakda sa Kalambatan ng mga Lansangang Asyano
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinakda ang Lansangang-bayang Maharlika bilang AH26 AH26 sa Kalambatan ng mga Lansangang Asyano (Asian Highway Network; AHN), isang proyektong kooperatiba na naglalayon ng pagbabago sa sistema at pamantayan ng mga daanan at lansangan sa kontinente ng Asya, noong 2009.[1] Ito ang kasalukuyang daanan na hindi umuugnay sa ibang mga daanan sa kalambatan — nakakonekta ang mga seksiyon ng AHN sa Hapon (AH1 AH1), Sri Lanka (AH43 AH43) at Indonesia (AH2 AH2) sa kontinente sa pamamagitan ng barko papuntang Timog Korea (AH1 AH1), India (Dhanushkodi), at Singapore.
Ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pangunahing ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Abenida Heneral Segundo, Laoag
- Bacarra - Tuguegarao
- Daang Lambak ng Cagayan: Cagayan - Isabela - Nueva Vizcaya - Nueva Ecija - Bulacan
- Daang Doña Remedios Trinidad: Baliwag - Pulilan - Guiguinto
- NLEx: Santa Rita, Guiguinto - Balintawak, Lungsod Quezon
- EDSA (silangang ruta) sa Balintawak - Magallanes, Makati
- SLEx: Magallanes, Makati - Turbina, Calamba
- Manila South Road: Turbina, Calamba - Santo Tomas - Alaminos - San Pablo - Tiaong - Lucena - Daet - Naga - Legazpi - Lungsod ng Sorsogon - Matnog
- Ferry mula Matnog patungong Hilagang Samar
- Allen - Catbalogan - Tacloban - Liloan
- Ferry mula Katimugang Leyte patungong Lungsod ng Surigao
- Surigao - Butuan - Bayugan - Tagum - Lungsod ng Dabaw - Digos - Davao del Sur - Heneral Santos - Koronadal - Tacurong - Sultan Kudarat - Pagadian - Ipil - Lungsod ng Zamboanga
Alternatibong ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Balintawak, Lungsod Quezon - Monumento (Caloocan) - Navotas - Ermita, Maynila - Pasay - Magallanes, Makati
- Daang C-4
- Daang Marcos
- Bulebar Roxas
- EDSA (kanlurang ruta)
Mga sangandaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ilocos Norte
[baguhin | baguhin ang wikitext]Cagayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N101 / N119 sa Lal-lo
- N51 sa Tuguegarao
Isabela
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nueva Vizcaya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nueva Ecija
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bulacan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kalakhang Maynila
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N160 sa Balintawak, Lungsod Quezon
Silangang ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N129 sa Muñoz, Lungsod Quezon
- N171 / N173 sa North Triangle, Lungsod Quezon
- N170 sa Diliman, Lungsod Quezon
- N172 / N174 sa East Triangle, Lungsod Quezon
- N59 / N180 sa Cubao, Lungsod Quezon
- N185 malapit sa Kampo Crame, Lungsod Quezon
- N60 / N59 sa Ugong Norte, Lungsod Quezon
- N141 sa Mandaluyong
- N190 sa Makati
Kanlurang ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N1 / N150 sa Caloocan
- N130 sa Navotas
- N140 sa Tondo, Maynila
- N145 sa San Nicolas, Maynila
- N150 malapit sa Intramuros, Maynila
- N155 sa Ermita, Maynila
- N140 sa Malate, Maynila
- N190 sa Pasay
- N61 sa Pasay
- N170 sa Pasay
- N171 sa Pasay
Bahaging SLEx
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N145 sa Magallanes, Makati
- N11 malapit sa Fort Bonifacio, Taguig
- N142 sa San Martin de Porres, Paranaque
- N63 / N143 malapit sa, Muntinlupa
- N1 / N411 sa Alabang, Muntinlupa
- E2 malapit sa Poblacion, Muntinlupa
Kabite
[baguhin | baguhin ang wikitext]Laguna (unang bahagi)
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N420 sa Santa Rosa
- E2 / N1 sa Calamba
Batangas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N145 sa Santo Tomas
- N4 sa Santo Tomas
Laguna (ikalawang bahagi)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Quezon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N435 sa Tiaong
- N606 sa Isabang, Lucena
- N422 sa Isabang, Lucena
- N605 sa Gulang-Gulang, Lucena
- N606 sa Talipan, Pagbilao
- N610 sa Padre Burgos
- N613 sa Gumaca
- N612 sa Lopez
- N657 sa Lopez
Camarines Norte
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N68 sa Santa Elena
- N620 sa Labo
- N621 sa Daet (hilagang dulo)
- N622 sa Daet
- N621 sa Daet (katimugang dulo)
Camarines Sur
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N68 sa Sipocot
- N623 sa Pamplona
- N672 sa Pili
- N673 sa Pili
- N630 sa Pili
- N634 sa Baao
- N634 sa Nabua
- N635 sa Bato
Albay
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N638 sa Polangui (kanlurang dulo)
- N638 sa Polangui (silangang dulo)
- N639 sa Ligao
- N636 sa Ligao
- N630 sa Daraga
Sorsogon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N642 sa Pilar
- N641 sa Castilla
- N643 sa Lungsod ng Sorsogon (kanlurang dulo)
- N644 sa Lungsod ng Sorsogon
- N643 sa Lungsod ng Sorsogon (silangang dulo)
- N645 sa Bulan
Hangganang Luzon–Kabisayaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- linyang ferry ng Matnog–Allen: Karugtong ng N1/AH26 sa pamamagitan ng Kipot ng San Bernardino
Hilagang Samar
[baguhin | baguhin ang wikitext]Samar
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N672 sa Calbayog
- N673 sa Calbayog
- N677 sa Gandara (hilagang dulo)
- N677 sa Gandara (katimugang dulo)
- N675 sa Catbalogan
- N674 sa Paranas
- N670 sa Santa Rita
Hangganang Samar–Leyte
[baguhin | baguhin ang wikitext]Surigao del Norte
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N901 sa Lungsod ng Surigao
- N902 sa Placer
Agusan del Norte
[baguhin | baguhin ang wikitext]Agusan del Sur
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N903 sa Prosperidad
- N904 sa Prosperidad at Trento
- N905 sa San Francisco
- N73 sa Trento
Davao de Oro
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N906 sa Montevista
- N907 sa Nabunturan
Davao del Norte
[baguhin | baguhin ang wikitext]Davao del Sur
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N75 sa Digos
- N913 sa Lungsod ng Dabaw
- N915 sa Lungsod ng Dabaw
- N916 sa Lungsod ng Dabaw
- N921 sa Lungsod ng Dabaw
- N923 sa Digos
- N930 aa Sulop
Timog Cotabato
[baguhin | baguhin ang wikitext]- N930 sa Heneral Santos
- N931 sa Heneral Santos
Sultan Kudarat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maguindanao
[baguhin | baguhin ang wikitext]Zamboanga del Sur
[baguhin | baguhin ang wikitext]Zamboanga Sibugay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Macairan, Evelyn (10 Mayo 2009). "Maharlika part of Asian Highway". The Philippine Star. Nakuha noong 27 Hulyo 2021.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)