Lansangang Andaya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

N68 (Philippines).svg

Lansangang Andaya
Andaya Highway
Lansangang Quirino (Quirino Highway)
Daang Camarines Sur–Quezon (Camarines Sur–Quezon Road)
Lansangang Andaya malapit sa Baranggay Poblacion Iraya, Ragay, Camarines Sur.
Bahagi ng:
Pangunahing daanan
Dulo sa Hilaga:Asian Highway 26 PH sign.svgN1 (Philippines).svg AH26 / N1 (Daang Maharlika) – Santa Elena, Camarines Norte
 
  • Daang Pantalan ng Ragay
  • Abenida Poblacion sa Ragay
  • Daang Santa Teresa sa Lupi
Dulo sa TimogAsian Highway 26 PH sign.svgN1 (Philippines).svg AH26 / N1 (Daang Maharlika) – Sipocot, Camarines Sur
Lokasyon
(Mga) Bayan:Santa Elena, Tagkawayan, Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot
Sistema ng mga daan

Mga daanan sa Pilipinas
Mga lansangan | Mga mabilisang daanan (talaan)

Padron:Infobox road/meta/browse

Ang Lansangang Andaya (Ingles: Andaya Highway; kilala din bilang Lansangang Quirino at Daang Camarines Sur-Quezon) ay isang lansangang panrehiyon na dumadaan sa mga bayan ng Sipocot, Lupi, at Ragay sa Camarines Sur, at Tagkawayan sa Quezon.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Unang itinayo ang Lansangang Andaya noong 1976 sa pamamagitan ng Pampangulong Direkto Blg. 774 ni dating pangulong Ferdinand Marcos. Ang panukala ay iuugnay ang Del Gallego, native Ragay (timog-kanlurang Ragay), at pantalan ng Ragay sa Camarines Sur, sa Lansangang Maharlika. Nagsisimula ito sa Lansangang Maharlika papuntang Tagkawayan, Quezon at Del Gallego, Camarines Sur, at nagtatapos ito sa pantalan ng Ragay. Tinawag itong Lansangan ng Pangulong Quirino noon unang binuksan ito noong 1984. Sinara ito noong 1992 para sa pagpapahaba nito patungong Sipocot, Camarines Sur. Muling binuksan ito sa mga motorista noong 2003 at binigyan ng bagong pangalan na Lansangang Rolando Andaya Sr., mula sa yumaong kongresista na si Rolando Andaya Sr.. Hanggang ngayon, nanatili itong pangunahing lansangan. Ito ang pinakamaikling daan patungo sa Naga, at sa nalalabing bahagi ng Camarines Sur, imbes na gamitin ang mas-mahabang Lansangang Maharlika na dadaan pa sa Camarines Norte.

Tignan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga ugnayang panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]