Pumunta sa nilalaman

Daang Palibot Blg. 5

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lansangang N11 (Pilipinas))


C-5

Daang Palibot Blg. 5
Circumferential Road 5 (Ingles)
Daang C-5
Daang C-5 (bahaging Abenida Carlos P. Garcia) sa may Palitan ng Daang Palibot Blg.5–Abenida Kalayaan sa Brgy. West Rembo, Makati.
Impormasyon sa ruta
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) at Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA)
Bahagi ng
  • N11 (Abenida Carlos P. Garcia hanggang Abenida Katipunan)
  • N129 (Abenida Katipunan hanggang Abenida Kongresyonal, mula sa sangandaang Abenida C. P. Garcia ng Diliman hanggang Commonwealth Avenue flyover hanggang sa Abenida Mindanao)
  • N128 (Abenida Mindanao mula Abenida Kongresyonal hanggang NLEX Mindanao Avenue Link)
  • E5 (Mindanao Avenue Link at Karuhatan Link ng NLEX)
Pangunahing daanan
Daang palibot sa paligid ng Kalakhang Maynila
Daang C-5 (pangunahing ruta)
Haba32.5 km[1] (20.2 mi)
Dulo sa hilaga N1 (Lansangang MacArthur)
Pangunahing
daanan
Dulo sa timogEast Service Road
Karugtong ng C-5
Haba9.8 km (6.1 mi)
Dulo sa silanganWest Service Road
Pangunahing
daanan
Dulo sa kanluran E3
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodValenzuela, Lungsod Quezon, Marikina, Pasig, Makati, Taguig, Parañaque, at Las Piñas
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Daang Palibot Blg. 5 (Ingles: Circumferential Road 5), mas-tanyag bilang C-5 o Daang C-5 (C-5 Road), ay isang pinag-ugnay na mga daan at tulay na bumubuo sa isang pangunahing ruta at dumadaan sa Kalakhang Maynila[2] Kilala rin ito nang opisyal bilang Abenida Carlos P. Garcia (Ingles: Carlos P. Garcia Avenue), at bilang N11, N128 at N129 sa Pambansang Sistema ng Pagnunumero ng Ruta (National Route Numbering System) na inilunsad noong 2014. Ang mga bahaging mabilisang daanan, bahagi ng North Luzon Expressway Mindanao Avenue at Karuhatan Link, ay nakanumerong E5.

Nagsisilbi itong daang palibot sa paligid ng Lungsod ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Sinasaklaw nito ang 32.5 kilometro (o 20.2 milyang) ruta sa ligid ng kabisera pagdaan nito sa mga lungsod ng Parañaque, Taguig, Makati, Pasig, Marikina, Lungsod Quezon at Valenzuela. Kalinya nito ang mga apat na iba pang daang palibot sa Kamaynilaan, at kinokonsidera itong pangalawang pinakamahalagang koridor pantransportasyon, pagkatapos ng Daang Palibot Blg. 4 na mas-kilala bilang EDSA.[3]

Hindi pa kompleto ang buong daang palibot sa ngayon, dahil sa mga pagtatalo ukol sa right of way, subalit ang ilang bahagi nito ay bukas na para sa publiko.[2][4]

Ang panukala para sa Sistema ng mga Daang Arteryal ng Kamaynilaan ay naitapos noong huling bahagi ng dekada-1960.[5] Nakasaad sa panukala ang pagpapatayo ng sampung (10) daang radyal (radial roads) at anim (6) na daang palibot (circumferential roads) para maisuportahan ang lumalaking dami ng mga sasakyan sa Kalakhang Maynila.

Sinimulan ang pagtatayo ng ikalimang daang palibot noong 1986.[2][5] Sa ilalim ng kapangyarihan ng Batas Republika Blg. 8224 na ipinasa noong Nobyembre 6, 1996, ang buong C-5 ay binigyan ng pangalang naaayon sa batas na Abenida ng Pangulong Carlos P. Garcia (Ingles: President Carlos P. Garcia Avenue), mula kay Carlos P. Garcia na ikawalong pangulo ng Republika ng Pilipinas.[6]

Mga karugtong

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sa itaas: Ang hindi pa-naitatayong hilagang seksiyon ng C-5 Kalayaan elevated U-turn slot noong Marso 2009, mga dalawang buwan bago ang pagkokompleto nito. Sa ibaba: Ang naitayo nang C-5 Kalayaan elevated U-turn slot noong 2012.

Noong Hulyo 23, 2007, winika ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang Talumpati sa Kalagayan ng Bansa (o SONA) na idudugtong ang C-5 pahilaga mula North Luzon Expressway sa Valenzuela hanggang Navotas, at patimog mula South Luzon Expressway sa hangganan ng Taguig-Parañaque hanggang Manila–Cavite Expressway sa Las Piñas sa katimugang gilid ng Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino.[7]

Noong Hunyo 2010, ang NLEx-Mindanao Avenue Connector Link o NLEx Segment 8.1 sa Valenzuela at Karugtong ng Abenida Kongresyonal mula Abenida Tandang Sora hanggang Abenida Luzon sa Lungsod Quezon ay ibinuksan na sa mga motorista sa Hilagang Karugtong. Sa panahong iyon din binuksan ang SLEx-Sucat Link o Karugtong ng Abenida Carlos Garcia sa Katimugang Karugtong sa Parañaque.

Noong Marso 2015, ang NLEX-Karuhatan Connector Link (Segment 9) ay ibinuksan na sa mga motorista. Ang pagbubukas ng bahaging ito mula NLEx hanggang Lansangang MacArthur sa Karuhatan, Valenzuela ay nagsisilbing paghahanda para sa panahon ng Semana Santa.

Sa kasalukuyan, ang bagong Commonwealth Avenue Flyover na nag-uugnay ng Abenida Katipunan sa Abenida Luzon ay bukas na ngayon sa mga motorista. Bago ito ibinuksan, ang Karugtong ng Abenida Kongresyonal mula Abenida Visayas hanggang Abenida Luzon ay binuksan noong 2010 upang mabawasan ang mabigat na daloy ng tapiko sa sangandaan ng Abenida Visayas-Abenida Tandang Sora.

Paglalarawan ng ruta

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kalinya ng C-5 ang Abenida Epifanio de los Santos, at dumadaan ito sa mga lungsod ng Valenzuela, Lungsod Quezon, Marikina, Pasig, Makati, Taguig, at Parañaque. Hinahati ito sa mga sumusunod na bahagi:[2]

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kilala din sa ngalang NLEx Segment 9, ang NLEX-Karuhatan connector ay isang 2.42 kilometro (o 1.50 milyang) mabilisang daanan na nagsisimula sa Palitang Smart Connect (Smart Connect Interchange), isang palitang trebol na nagsisilbing sangandaan ng NLEX-Mindanao Avenue link, NLEX-Karuhatan link, at North Luzon Expressway. Ang kanlurang dulo nito ay sa Lansangang MacArthur sa Karuhatan, Valenzuela. Ang kabuuan nito ay bahagi ng C-5.

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kilala din sa ngalang NLEx Segment 8, ang NLEx-Mindanao Avenue connector ay isang 2.7 kilometro (o 1.7 milyang) mabilisang daanan na nagsisimula sa Palitang Smart Connect at nagtatapos sa isang panulukang tatlo ang mga daanan na may mga signal trapiko sa Abenida Mindanao. Ang kabuuan nito ay bahagi ng C-5.

Abenida Mindanao (Mindanao Avenue)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Abenida Mindanao patimog sa Barangay Tandang Sora, Lungsod Quezon.

Ang Abenida Mindanao ay isang 6.7 kilometro (o 4.2 milyang) lansangang panlungsod na may sampung linya at pangitnang harangan at nagsisilbi itong pangunahing koridor pantransportasyon ng mga distrito ng Talipapa at Tandang Sora ng Lungsod Quezon. Ang hilagang dulo nito ay isang dead end 1.1 kilometro (o 0.68 milyang) hilaga ng NLEX-Mindanao Avenue Connector Road, at ang katimugang dulo nito ay sa Abenida Epifanio de los Santos. Ang 3.5 kilometro (o 2.2 milyang) bahagi ng daan mula NLEX-Mindanao Avenue Connector Road hanggang Abenida Kongresyonal ay itinakdang bahagi ng C-5.

Abenida Kongresyonal (Congressional Avenue)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Abenida Kongresyonal ay isang 6 kilometro (o 3.7 milyang) lansangan na may anim na linya at hinahatian ng pangitnang harangan at nagsisilbi bilang pangunahing koridor pantransportasyon mula silangan pakanluran ng mga distrito ng Muñoz, Culiat, at Tandang Sora sa Lungsod Quezon. Ang kanlurang dulo nito ay sa Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) at ang silangang dulo nito ay sa sangandaan nito sa Abenida Luzon. Ang 3.9 kilometro (o 2.4 milyang) bahagi ng daan mula Abenida Mindanao hanggang Abenida Luzon ay itinakdang bahagi ng C-5.

Abenida Luzon (Luzon Avenue)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Abenida Luzon ay isang 2.5 kilometro (o 1.6 milyang) daang municipal na may apat na linya at nagsisilbi bilang pangunahing lansangan ng distrito ng Holy Spirit sa Lungsod Quezon. Ang hilagang dulo nito ay sa sangandaan nito sa Holy Spirit Drive, at ang katimugang dulo nito ay sa sangandaan nito sa Abenida Commonwealth. Ang 850 metro (2,790 talampakang) bahagi ng daan mula Abenida Kongresyonal hanggang Abenida Commonwealth ay itinakdang bahagi ng C-5. Bago nito tumbukin ang Abenida Commonwealth, isang flyover na may anim na linya ang magsisimula 850 metro (o 2,790 talampakan) hilaga ng sangandaan at tutunguhan nito ang Abenida Tandang Sora sa kabilang gilid ng Abenida Commonwealth.

Abenida Tandang Sora (Tandang Sora Avenue)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Abenida Tandang Sora ay isang 9.6 kilometro (o 6.0 milyang) daang municipal na hindi hinahatian sa gitna at may dalawang linya na nagsisilbing pangunahing lansangan ng mga distrito ng Talipapa, Culiat, at Tandang Sora sa Lungsod Quezon. Ang hilagang dulo nito ay sa Daang Tullahan, habang ang katimugang dulo nito ay sa Abenida Magsaysay sa loob ng campus ng Unibersidad ng Pilipinas. Kasama ang buong Abenida Tandang Sora sa dating naiplanong ruta ng C-5, subalit, dahil sa kawalang-kayayahan ng daan na maidala ang malakihang dami ng trapiko ng mga sasakyan, tangi ang isang kilometro (o 0.62 milyang) bahagi ng daan mula sa flyover ng Abenida Luzon hanggang Abenida Magsaysay ang naitakdang bahagi ng C-5. Bukod pa riyan, magiging isang lansangang may anim na linya at hinahatian sa gitna ang Abenida Tandang Sora pagkaraan ng Capitol Hills Drive, 350 metro timog ng flyover. Paglampas ng Abenida Magsaysay, magiging Abenida Katipunan ang Abenida Tandang Sora.

Abenida Katipunan (Katipunan Avenue)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Abenida Katipunan.

Ang Abenida Katipunan ay isang 7.3 kilometro (o 4.5 milyang), lansangang may sampung linya at hinahatian sa gitna at nagsisilbing pangunahing koridor pantransportasyon sa mga distrito ng Balara at Project 4 ng Lungsod Quezon. Ang hilagang dulo nito ay sa Abenida Tandang Sora at ang katimugang dulo nito ay sa EDSA. Ang 4.8 kilometro (o 3.0 milyang) bahagi ng daan mula sa hilagang dulo nito hanggang sa sangandaan nito sa Abenida Bonny Serrano ay itinakdang bahagi ng C-5. Bago dumaan ito sa Abenida Bonny Serrano, bababa ang isang daang pang-ilalim (underpass) na may apat na linya mula sa Abenida Katipunan at dadaan sa ilalim ng Abenida Bonny Serrano at aakyat ito sa isang flyover na agad-agad kokonekta sa Abenida Eulogio Rodriguez Jr..

Abenida Bonny Serrano (Bonny Serrano Avenue)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Daang pang-ilalim ng Abenida Bonny Serrano

Ang Abenida Koronel Bonny Serrano ay isang 2.2 kilometro (o 1.4 milyang) abenida na may apat na linya at hindi hinahatian sa gitna at nagsisilbing pangunahing lansangan sa pagitan ng Abenida Epifanio de los Santos at Eastwood City. Ang 500 metro (1,600 talampakang) bahagi ng daan mula Abenida Katipunan hanggang Abenida Eulogio Rodriguez Jr. ay itinakdang bahagi ng C-5. Bababa ang isang daang pang-ilalim na may apat na linya mula sa Abenida Katipunan at dadaan sa ilalim ng Abenida Bonny Serrano at aakyat ito sa isang flyover na agad-agad kokonekta sa Abenida Eulogio Rodriguez Jr..

Abenida Eulogio Rodriguez Jr. (Eulogio Rodriguez Jr. Avenue)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Abenida Eulogio Rodriguez Jr.

Ang Abenida Eulogio Rodriguez Jr. ay isang 6.7 kilometro (4.2 milyang) lansangan na may sampung linya at hinahatian sa gitna at nagsisilbing pangunahing lansangan sa pagitan ng Lungsod Quezon at Pasig. Ang kabuuan ng abenida, mula Abenida Katipunan hanggang Bulebar Pasig, ay itinakdang bahagi ng C-5. Nagtatapos ang daan sa panulukan nito sa Bulebar Pasig at magtutuloy ito sa Tulay ng F. Manalo na tumatawid sa Ilog Pasig at di-kalauna'y magiging Abenida C.P. Garcia paglampas.

Abenida Carlos P. Garcia (Carlos P. Garcia Avenue)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Abenida Carlos P. Garcia sa malapit sa BCDA sa Ususan sa Taguig.

Ang Abenida Carlos P. Garcia ay isang 7.5 kilometro (4.7 milyang) lansangan na may labing-apat na linya at hinahatian ng pangitnang harangan at nagsisilbing pangunahing lansangan sa mga lungsod ng Pasig, Makati, at Taguig. Ang kabuuan nito ay itinakdang bahagi ng C-5. Nagtatapos ito sa sangandaan nito sa South Luzon Expressway.

[baguhin | baguhin ang wikitext]
C-5 South Link Expressway
Impormasyon sa ruta
Haba7.7 km[8] (4.8 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa silangan N11 (C-5 Road) sa Taguig
Dulo sa kanluran E3 (CAVITEx) sa Las Piñas
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang C-5 South Link Expressway (o ang CAVITEx-C-5 Link Expressway) ay isang 7.7-kilometro (4.8 mi) mabilisang daanan na magkokonekta ng Manila–Cavite Expressway (CAVITEX) sa pangunahing ruta ng C-5 sa Taguig. Ang proyekto ay nagkakahalaga ng ₱12,000,000,000, at isa itong magkasundong proyekto ng Philippine Reclamation Authority at CAVITEX Infrastructure, Inc.. Itatayo ang mabilisang daanan sa dalawang bahagi o phase. Ang unang bahagi ay magpupuno sa puwang sa pagitan ng pangunahing ruta ng C-5 at C-5 Extension sa Merville sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang flyover sa ibabaw ng SLEX at Skyway, habang ang pangalawang bahagi ay pinapaloob ng pagtatayo ng bahaging Merville-CAVITEX. Nagsimula ang pagtatayo ng C-5 South Link Expressway noong Mayo 8, 2016.[8] Inaasahang sa taong 2019 matatapos ang pagtatayo, at sa taong 2020 ang pagsisimula ng paggamit nito. [9]

Kontrobersiya sa Katimugang Karugtong

Iniimbestiga ng Senado ang Katimugang Karugtong (South Extension) sapagkat dumadaan ito sa maraming mga ari-arian ni Senador Manny Villar tulad ng Camella. Ang orihinal na Katimugang Karugtong ng C-5 ay tinatawag na MCTEP, at inaprubahan na ng Senado. Ang MCTEP ay isang daan na dapat sana'y gagawing isang mabilisang daanan.[4][10] Binuhay muli ang Katimugang Karugtong bilang C-5 Link South Expressway.

C-5 Expressway

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kapuwang nagsumite ang NLEX Corporation (dating Manila North Tollways Corporation) at CAVITEX Infrastructure Inc., ng isang panukala para sa C-5 Expressway, isang 19 na kilometro (12 milyang) mabilisang daanan na buong nakaangat. Mailuluwag nito ang umiiral na C-5 at magbibigay ito ng buong-kontrolado na papasok na ruta sa pagitan ng CAVITEX-C5 South Link at NLEX Segment 8.2.[11]. Gagamitin ng ipinapanukalang nakaangat na mabilisang daanan ang mga bahagi ng umiiral na karapatan sa daan ng C-5 sa pagitan ng SLEX at Bulebar Pasig, at dadaan sa ibabaw ng Ilog Marikina mula Bulebar Pasig hanggang Abenida Luzon.

West Valley Fault

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa mga pag-aaral ng Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at Sismolohiya (o PHIVOLCS), ang malaking bahagi ng Daang Palibot Blg. 5 ay sa katunayan nakatayo sa ibabaw ng West Valley Fault. Ipinapakita ng isang mapa ng fault line na inilabas noong Mayo 18, 2015, na ang Abenida Carlos P. Garcia sa Taguig ay nasa tabi ng mismong fault line.[12] Ang C-5 ay may mataas ang tsansa sa pagkatunaw (liquefaction).[13]

Mga tarangkahang pambayad sa C-5

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Km. # Tarangkahang Pambayad Mabilisang daanan Part of C-5 Kinaroroonan
KM 30 Karuhatan Toll Plaza North Luzon Expressway NLEx Segment 9 Valenzuela
KM 28 Mindanao Avenue Toll Plaza North Luzon Expressway NLEx Segment 8.1 Valenzuela
KM 4 C-5 Toll Plaza South Luzon Expressway Abenida Carlos P. Garcia Taguig at Pasay/Parañaque
KM 1 Las Piñas Toll Plaza (Tarangkahang Pambayad sa hinaharap) Manila–Cavite Expressway Karugtong ng Abenida Carlos P. Garcia Las Piñas

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Circumferential Road 5". google.com. Nakuha noong 5 Enero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "The Circumferential Road 5". scribd.com. Nakuha noong 5 Enero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Flores, Asti (7 Pebrero 2013). "MMDA, DPWH name C5 Road as alternate route for EDSA overhaul". GMA News. Nakuha noong 30 Marso 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Controversies regarding the C-5 Road". slideshare.net. Nakuha noong 5 Enero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "Overview of the Metro Manila Arterial Road System". Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-09-28. Nakuha noong 5 Enero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Chan Robles Virtual Law Library. "REPUBLIC ACT NO. 8224-THE ACT OF CHANGING THE NAME OF THE C-5 ROAD TO CARLOS P. GARCIA AVENUE, TO HONOR CARLOS P. GARCIA, THE 8TH PRESIDENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES". Nakuha noong 5 Enero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Official Gazette of the Republic of the Philippines. "State of the Nation Address, July 23, 2007". Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Enero 2013. Nakuha noong 30 Marso 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Legaspi, Amita (25 Enero 2012). "'Villar intervened in C-5 project for his own benefit'". GMA News. Nakuha noong 17 Marso 2013. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |newspaper= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "C-5 Expressway". DPWH PPP Portal. Department of Public Works and Highways. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-10-12. Nakuha noong 30 Hulyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Ranada, Pia (18 Mayo 2015). "High resolution West Valley Fault maps launched". Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Marso 2016. Nakuha noong 19 Pebrero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. See, Aie (25 Marso 2011). "C-5 Road, 3 Taguig barangays prone to liquefaction". Philstar. Nakuha noong 19 Pebrero 2016. {{cite news}}: Italic or bold markup not allowed in: |newspaper= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga ugnay panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]