Abenida Ortigas
Abenida Ortigas Ortigas Avenue | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 15.5 km (9.6 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | Kalye Granada at Daang Santolan sa San Juan |
| |
Dulo sa silangan | N600 (L. Sumulong Memorial Circle) sa Antipolo |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | San Juan, Mandaluyong, Lungsod Quezon at Pasig sa Kalakhang Maynila, at Antipolo sa Rizal |
Mga bayan | Cainta at Taytay in Rizal |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Abenida Ortigas (Ingles: Ortigas Avenue) ay isang lansangang may haba na 15.5 kilometro (9.6 milya) at bumabagtas sa silangang bahagi ng Kalakhang Maynila at kanlurang bahagi ng lalawigan ng Rizal. Isa ito sa mga pinakaabalang lansangan sa Kamaynilaan, na may mas-maraming trapiko kaysa ng EDSA. Binabagtas nito ang Lundayang Ortigas sa mga lungsod ng Mandaluyong, Lungsod Quezon, at Pasig.
Ang kanlurang dulo nito ay sa sangandaan nito sa Daang Santolan sa Lungsod ng San Juan, at ang silangang dulo nito ay sa L. Sumulong Memorial Circle sa Antipolo, Rizal. Ang bahagi ng abenida mula Palitan ng Daang Palibot Blg. 5–Abenida Ortigas hanggang Antipolo ay tinaguriang Karugtong ng Abenida Ortigas (Ortigas Avenue Extension). Paglampas ng Daang Santolan, tutuloy ang Abenida Ortigas bilang Kalye Granada na magiging Abenida Gilmore ilang sandali bago tumbukin nito ang Bulebar Aurora upang makapasok sa New Manila, Lungsod Quezon.
Ang bahagi ng Abenida Ortigas mula Abenida Eulogio Rodriguez Jr. (C-5) sa Ugong, Pasig, hanggang sa Taytay Diversion Road sa Taytay ay itinakdang bahagi ng Daang Radyal Blg. 5 (R-5). Ang pangunahing bahagi ng abenida mula EDSA hanggang L. Sumulong Memorial Circle sa Antipolo ay isang bahagi ng N60 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas. Sa kabilang banda, ang bahagi ng abenida mula EDSA hanggang Daang Santolan ay itinalagang bahagi ng N184 ng nasabing sistema.
Pangalan at kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinangalan ito kay Francisco Ortigas y Barcinas, ang nagtatag ng Ortigas & Company Limited Partnership, ang may-ari ng lupaing Hacienda de Mandaluyon kung saan itinatag ang Lundayang Ortigas.
Paglalarawan ng ruta
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsisimula ang Abenida Ortigas bilang isang pisikal na karugtong ng Kalye Granada paglampas ng Abenida Bonny Serrano sa Lungsod Quezon. Dadaanin nito ang Greenhills Shopping Center, San Juan at ang likod ng Wack Wack Golf and Country Club. Tatawirin nito ang Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) sa Palitan ng EDSA-Ortigas at dadaan sa Lundayang Ortigas, at gagawa ng bahagyang liko sa Abenida Meralco. Dadaan ang abenida sa Ugong kalaunan pagpasok nito sa Pasig at tatawid ng Daang Palibot Blg. 5 (C-5) sa Palitang C5-Ortigas. Paglampas ng Palitang C-5-Ortigas, tinatawag itong Karugtong ng Abenida Ortigas (Ortigas Avenue Extension). Tatawid ito kalaunan sa Ilog Marikina at Manggahan Floodway, bahagyang magiging pang-isahang daanan (single carriageway) at babalik muli sa pandalawahang daanan (dual carriageway), at papasok sa Cainta, Rizal pagkatapos ng SM City East Ortigas (dating Ever Gotesco Ortigas). Tatawid ito sa Abenida Andres Bonifacio at Abenida Imelda sa Tagpuang Cainta, ang unang simula ng Manila East Road. At pagkatapos tutuloy ito sa Antipolo at dadaan sa Tagpuang Kaytikling kasama ang Taytay Diversion Road papuntang Manila East Road. Paglampas ng Kaytikling, susundan nito ang paliku-likong ruta sa Antipolo, at dadaan sa ilang mga pantahanang subdibisyon bago matapos ito sa L. Sumulong Memorial Circle malapit sa Panlalawigang Kapitolyo ng Rizal. Tutuloy ito patungong kabayanan ng Antipolo bilang Kalye P. Oliveros, na nagtatapos malapit sa Dambana ng Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Our Lady of Peace and Good Voyage).