Lansangang N64 (Pilipinas)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
N64 (Philippines).svg

Ang Pambansang Ruta Blg. 64 (N64) ay isang pambansang daang primera ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas. Dumadaan ito sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Kabite.[1]

Paglalarawan ng ruta[baguhin | baguhin ang batayan]

Kawit papuntang Tanza[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Lansangang Antero Soriano
N64 bilang Daang Centennial (o bahaging Noveleta ng Lansangang Antero Soriano)

Ang hilagang bahagi ng N64 ay bumubuong karugtong ng E3 (o Manila–Cavite Expressway) mula Kalakhang Maynila. Dumadaan ang N64 sa kahabaan ng Daang Centennial (bahagi ng Lansangang Antero Soriano) kalinya ng baybay-dagat ng Kabite, nilalagpasan ang Kawit, Noveleta at Rosario. Bumubuo itong bahagi ng Daang Radyal Blg. 1 (R-1) ng lumang sistema ng daang arteryal ng Kamaynilaan.[2]

Tanza papuntang Trece Martires[baguhin | baguhin ang batayan]

Pangunahing lathalain: Daang Tanza–Trece Martires

Sa Tanza liliko ang N64 paloob papuntang Trece Martires sa kahabaan ng isang 12 kilometro (o 7.5 milyang) pambansang daan na may dalawa hanggang apat na linya na tinatawag na Daang Tanza–Trece Martires.

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "2016 DPWH Road Data". Department of Public Works and Highways. Hinango noong 8 Marso 2018.
  2. "Google Maps". Hinango noong 8 March 2018.

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]