Lansangang N916 (Pilipinas)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
N916 (Philippines).svg

Ang Pambansang Ruta Blg. 916 o N916 ay isang 11 kilometro (o 6.8 milyang) pambansang daang sekundarya na may dalawa hanggang apat na mga landas at binubuo ng tatlong pangunahing mga karsada sa Lungsod ng Dabaw. Isa ito sa pangunahing mga daan na nag-uugnay ng kanluran at silangang bahagi ng lungsod.[1]

Paglalarawan ng ruta[baguhin | baguhin ang batayan]

Binubuo ang Pambansang Ruta Blg. 916 (N916) ng mga sumusunod na bahagi:

Bulebar Quimpo[baguhin | baguhin ang batayan]

Bulebar Quimpo sa sangandaan nito sa Kalye San Pedro

Ang Bulebar Quimpo ay isang 4 na kilometro (2.5 milyang) lansangan na nag-uugnay ng AH26 sa Tulay ng Bolton. Mayroon din itong sangandaan malapit sa Tulay ng Bolton na nag-uugnay sa isang daang tersiyaryo na nagsisilbi ring maikling daan sa AH26.

Kalye Leon Garcia[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Kalye Leon Garcia ay isang 2 kilometro (1.2 milyang) kalye na nag-uugnay ng N916 sa Agdao Flyover. Nag-uugnay rin ito sa N919 o Abenida Santa Ana sa Uyanguren.

Kalye R. Castillo[baguhin | baguhin ang batayan]

Kalye R. Castillo ay isang 5 kilometro (3.1 milyang) kalye na nag-uugnay ng silangan bahagi ng N916 pabalik sa AH26. Ini-uugnay nito ang Agdao sa Lanang.

Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Davao City". www.dpwh.gov.ph. Hinango noong 2018-11-28.