Larawang-guhit na pang-inhenyeriya
Ang larawang-guhit na pang-inheyeriya ay isang uri ng teknikal na pagguhit na ginagamit upang buo at malinaw na mailarawan ang mga kakailanganin ng mga ininhenyerong bagay. Lumikha ang inhenyeriyang pagguhit (ang gawain) ng mga larawang pang-inhenyeriya (mga dokumento). Hindi lamang ito pagguhit ng mga larawan, bagkus ito ay isang wika -- isang wikang grapikal na nagiging tulay ng mga kaisipan at impormasyon. Higit sa lahat, ito ang nagiging komunikasyon sa pagitan ng inhenyero na siyang taga-disenyo ng isang bahagi at ng mga manggagawa na siyang gagawa nito.
Relasyon sa masining na pagguhit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang inhenyeriyang pagguhit at masining na pagguhit ay parehong uri ng pagguhit, at maari ring tawaging "pagguhit" lamang sa mas simpleng konteksto. Ang inhenyeriyang pagguhit ay may pagkakatulad sa masining na pagguhit dahil pareho silang nakalilikha ng mga larawan. Kung ang layunin ng masining na pagguhit ay ang paglalarawan ng subdyektibong emosyon, ang layunin naman ng inhenyeriyang paggihit ay ang paglalarawan ng mga obdyektibong impormasyon. Ang isa pang pagkakaiba nila ay, ang masining na pagguhit ay nauunawaan ng lahat ng tao (kahit na magkakaiba ang kanilang interpretasyon), samantala, ang pag-unawa sa inhenyeriyang pagguhit ay nangangailangan ng pag-eensayo (katulad ng ibang wika); ngunit mayroon ring mataas na uri ng obdyektibong pagkakatulad ng interpretasyon (katulad rin ng ibang wika). Ang inhenyeriyang pagguhit ay lumago na at naging isang wikang mas tiyak at malinaw kasa sa iba; at dahil doon, mas malapit na ito sa wikang programming kung pagbabatayan ang kakayanan nitong makipag-usap. Ang inhenyeriyang pagguhit ay gumagamit ng iba't ibang paraan upang maihatid ang impormasyon sa tiyak at malinaw na paraan.
Relasyon sa ibang uri ng teknikal na pagguhit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang paraan ng paggawa ng mga larawang pang-inhenyeriya, at ang kakayahang gumawa ng mga ito, ay kadalasang tinutukoy bilang teknikal na pagguhit o drafting (o draughting sa ibang pagbabaybay), bagamat ginagamit rin ang teknikal na pagguhit sa mga disiplinang hindi bahagi ng inhenyeriya (tulad ng arkitektura, landscaping, paggawa ng kabinet, paggawa ng daan, at paggawa ng kasuotan). Ang mga manggagawang nasa kalakalan ng inhenyeriyang pagguhit ay tinatawag na draftsmen (o draughtsmen dati). Bagamat ang mga terminolohiyang ito ay ginagamit pa rin ngayon, ang mga terminolohiyang hindi tumutukoy ng kasarian tulad ng draftsperson at drafter ay ang karaniwang ginagamit ngayon.