Layang-layang

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Mga layang-layang
Red-rumped Swallow
Kauriang pang-agham
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Klase: Aves
Orden: Passeriformes
Suborden: Passeri
Pamilya: Hirundinidae
Vigors, 1825
Mga sari

19, tingnan sa teksto.

Para sa ibang gamit, tingnan ang Martin (paglilinaw).
Para sa ibang gamit, tingnan ang Swift (paglilinaw).

Ang mga layang-layang, layang-layangan, langay-langayan, himpapalis at martin (Ingles: swallow, martin, at swift)[1][2] ay ang alin man sa isang pangkat na maliliit at may mahahabang mga pakpak na mga ibong matatagpuan sa maraming mga bahagi ng mundo. Kilala sila sa kanilang gawi sa humahagibis o sumisibasib ngunit mayumi ang indayog na paglipad. Umaabot o lumalagpas ang haba ng kanilang mahahabang mga pakpak, kapag nakasara, sa kanilang nagsasangang mga buntot. Maliliit ang kanilang mga paang dinisenyo para sa pagtuntong at pagdapo. Karaniwan silang lumilipad na magkakasama sa isang langkay tuwing araw. May ilang mga uri na nakagawiang manirahan o mamugad sa mga bahay ng tao at kamalig na imbakan ng mga palay, katulad ng mga Petrochelidon pyrrhonota (mga Layang-layang ng bangin o ng barangka, o Cliff swallow) at mga Hirundo rustica (mga Layang-layang ng kamalig , o Barn swallow).[3] Partikular na tinatawag bilang layanglayang, langaylangayan, o golondrina (Philippine swallow) ang mga layang-layang ng Pilipinas.[2]

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Gaboy, Luciano L.. "Swallow, swift, layanglayang; layang-layangan, himpapalis". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 "langaylangayan, layanglayang, himpapalis, swallow, Asiatic swallow, Philippine swallow, Golondrina". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990)., pahina 631, 774, at 792.
  3. "Swallow". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., pahina 568.