Lazada Philippines
Ang Lazada Philippines ay isang websayt kung saan maaaring makapamili ng mga kagamitang pambahay, damit, produktong pangkalusugan, at marami pang iba. Ito ay isang kompanyang sinimulan sa tulong ng Rocket Internet, isang malaking kompanya galing Alemanya na kilala sa pagbubuo ng iba pang mga kompanya sa iba’t ibang bansa sa Asya, Europa, at iba’t iba pang panig ng mundo.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Lazada Pilipinas ay inilunsad noong Pebrero 2012 kasabay ng iba pang kahalintulad nito sa Timog-silangang Asya. Ang mga nasabing kahalintulad ay ang Lazada Indonesia,[1] Lazada Thailand,[2] Lazada Vietnam,[3] at Lazada Malaysia.[4] Mayroong kulay na asul at narangha ang websayt at logo ng Lazada. Maraming obrero muna ang hinanap ng Lazada bago inilunsad ang websayt.[5]
Ipinagdiwang ang unang anibersaryo ng Lazada Philippines noong Abril 2013. Ang Lazada Philippines ay isa sa mga websayt na pinakasikat sa buong Timong-silangang Asya. Marami na rin itong nakuhang fans sa Facebook.[6]
Produkto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagbebenta ng iba’t ibang produkto ang Lazada Philippines tulad ng gadgets, kagamitang pambahay, kagamitang pang paaralan, kagamitang pang lakbay, kagamitang pang laro, damit, aksesorya, laruan, Bitamina, libro, DVDs, at CDs. Ang websayt ng Lazada ay sumusunod sa mga patakarang makakasiguro ang seguridad ng mga mamimili [1] Naka-arkibo 2013-12-17 sa Wayback Machine. at para mapangalagaan ang impormasyon at proteksiyon ng mga [2] gumagamit ng websayt. Maaring makapamili sa Lazada gamit ang credit card o debit card, cash on delivery, at Banco de Oro(BDO) credit card installment.[7] Nagbibigay din ang Lazada ng manufacturers' warranty at mayroon itong returns policy [3]. Maari rin makapamili gamit ang Lazada Android app [4] na nailunsad sa Google Play Store noong Hunyo 2013.[8]
Pagtanggap ng mga Gumagamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa Alexa, isang websayt na nagbibigay ng impormasyon ukol sa iba pang mga websayt, and Lazada ay kasama sa Top 20,000 websites worldwide na madalas puntahan ng mga tao. Ayon sa Lazada, ang pag-unlad nito ay patunay na malaki ang potensiyal ng Timog-silangang Asya para sa pagnenegosyo gamit ang Internet.[9]
Rocket Internet
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Rocket Internet ay matatagpuan sa Berlin, Germany. Ang kompanyang ito ay nakapagbuo na at patuloy pang bumubuo ng mga kompanya. Mayroon itong mahigit isang daan na kompanya sa mahigit limampung bansa. Naitatag ang Rocket Internet noong 1997.[10]
Mga Kompanya ng Rocket Internet sa Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Rocket Internet has established three companies in the Philippines namely:
- Lazada - isang websayt na pamilihan ng mga bagay na maaring makita sa mga mall.
- Zalora – isang websayt na pamilihan ng mga damit panlalaki at pambabae.
- EasyTaxi – isang mobile app na ginagamit para makaarkila ng taxi.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Lazada Indonesia". 2013. Nakuha noong 30 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lazada Thailand". 2013. Nakuha noong 30 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lazada Vietnam". 2013. Nakuha noong 30 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "LAZADA Malaysia". 2013. Nakuha noong 30 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Rocket Internet Launches Amazon Clone for Asia". 2012. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-11-05. Nakuha noong 30 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Lazada is the fastest growing online shopping Mall in SEA". 2013. Nakuha noong 30 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "LAZADA PHILIPPINES - The fastest growing online shopping site in the country". 2013. Nakuha noong 30 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Lazada Mobile App for Android is Finally Here!". 2013. Nakuha noong 30 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "J.P. Morgan buys into Lazada online's German owner Rocket Internet". 2012. Nakuha noong 30 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "About Rocket". 2010. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-10-23. Nakuha noong 30 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)