Lee Yoo-ri

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Si Lee Yoo-ri (Hangul: 이유리; ipinanganak Enero 28, 1980) ay isang artista at negosyante mula sa Timog Korea. Nagsimula ang kanyang karera sa pag-aartista noong siya ay mapabilang bilang isa sa mga orihinal na karakter sa palabas na School 4 noong taong 2002 at lumabas sa Koreanovelang pampamilya na Precious Family noong 2005.[1] Magbuhat noo'y namayagpag ang kanyang karera sa pag-arte at pagmomodelo at gayundin sa pag-endorso ng produkto. Gumanap din siya bilang kontrabida sa mga ibang Koreanovela tulad ng Twinkle Twinkle (2011) at Jang Bo-ri is Here! (2014).

Noong 2014, nanalo si Lee ng Grandeng Premyo sa MBC Drama Awards nang natamo ang 385,434 (mga 54%) sa 712,300 mga boto na pinadala ng mga manonood.[2][3] Nakaranggo din siya sa pinakamataas na limang mga "Aktor ng Taon" sa Korea ng Gallup at umangat ang kanyang ranggo sa ikalawang puwesto pagkatapos ni Kim Soo-hyun.[4]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Lee Yoo-ri Poised to Emerge as Next-Generation 'Hallyu' Star". Hancinema (sa Ingles). KBS World. Mayo 11, 2005.
  2. "'MBC Drama Awards' Lee Yoo-ri received Grand Award for 'Jang Bo-ri Is Here!'". Hancinema (sa Ingles). Hankooki. Disyembre 30, 2014.
  3. "Lee Kyung Gyu and Lee Yuri Win Big at SBS and MBC Awards". Mwave (sa Ingles). Enero 2, 2015.
  4. "Kim Soo-hyun, Lee Yu-ri Named Most Memorable Actors". The Chosun Ilbo (sa Ingles). Disyembre 23, 2014.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.