Pumunta sa nilalaman

Leonard Wood

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Leonard Wood
Major General Leonard Wood in 1903
Kapanganakan9 Oktubre 1860(1860-10-09)
Winchester, New Hampshire
Kamatayan7 Agosto 1927(1927-08-07) (edad 66)
Boston, Massachusetts
Place of burial
Katapatan United States of America
Sangay Hukbo ng Estados Unidos
Taon ng paglilingkod1885–1921
Ranggo Lieutenant General
Hinawakang hanay1st United States Volunteer Cavalry
Department of the East
Chief of Staff of the United States Army
Labanan/digmaanApache Wars
Spanish-American War
Philippine-American War
ParangalMedal of Honor
Army Distinguished Service Medal
AsawaLouise A. Condit Smith[1]
Iba pang gawaGovernor General of Cuba

Si Leonard Wood (Oktubre 9, 1860 – Agosto 7, 1927) ay isang doktor na naglingkod bilang Chief of Staff of the United States Army, Gobernador ng Militar ng Cuba, at Gobernador Heneral ng Pilipinas mula 1921 hanggang 1927. Siya ay ginawaran ng Medalya ng karangalan sa kanyang maagang karerang militar.

Digmaang Espanyol-Amerikano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Wood ay personal na doktor nina Pangulong Grover Cleveland at William McKinley hanggang 1898. Sa panahong ito na naging kaibigan siya ni Theodore Roosevelt na Katulong na kalihim ng Navy. Sa pagsiklab ng Digmaang Espanyol-amerikano, pinangasiwaan nina Wood at Roosevelt ang Unang Bolunterong rehimyentong Kabalyero. Pinamahalaan ni Wood ang rehimyento sa Labanan ng Las Guasimas. Nang magkasakit ang komander ng brigadang si Samuel B. M. Young, itinaas si Wood bilang heneral na brigadier ng mga boluntero at namahala sa ikalawang brigada ng Dibisyong Kabalyero, V Corps na humantong sa brigada ng Kettle Hill at San Juan Heights.

Noong 1902, tumungo siya sa Pilipinas kung saan niya pinamahalaan ang Dibisyong Pilipinas at naging komander ng Kagawaran ng Silangan. Siya ay itinaas bilang major general noong 1903 at nagsilbing gobernador ng probinsiyang Moro na kuta ng paghihimagsik na Muslim mula 1903 hanggang 1906.

Chief of Staff ng Hukbo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Wood ay hinirang na Chief of Staff ng Hukbo ni Pangulong Taft noong 1910 na kanyang nakilala habang sila ay nasa Pilipinas. Si Wood ay pinalitan bilang Chief of Staff ni William Wotherspoon noong 1914.

Si Wood ay hindi naging matagumpay sa nominasyon ng halalan ng Pagka-pangulo ng partidong Republican noong 1920.

Si Wood ay nagretiro mula sa hukbo noong 1921. Siya ay ginawang Gobernador Heneral ng Pilipinas mula 1921 hanggang 1927. Siya ay namatay sa Boston, Massachusetts pagkatapos sumailalim sa isang operasyon para sa bumalik na tumor sa utak.

Leonard Wood, 1919

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 El Paso Herald Information Bureau (1920-04-16). "Questions and Answers". El Paso Herald. El Paso, Texas. p. 6. A. Maj. Gen. Wood was born in Winchester, N. H., October 9, 1869. He attended Pierce academy at Middleboro, Mass.; revieved his degree of M.D. at Harvard, in 1884; L. L. D., Harvard, 1899; Williams, 1902; University of Pennsylvania, 1903. Married Louise A. Condit Smith, of Washington, November 18, 1890. Appointed from Massachusetts, assistant surgeon, U.S.A., January 5, 1886; captain assistant surgeon, 1891; commanding colonel First U. S. volunteer cavalry, (Rough Rigers) May 8, 1898; brigadier general, July 8, 1898; major general, December 7, 1898. Honorably discharged from volunteer service June 30, 1901. Major general U. S. A. August 8, 1903. Maj. Gen. Wood was military governor of Cuba from December 12, 1899, until transfer of the government of Cuba to the Cuban republic, May 20, 1902. Served in the Philippines until 1908; commanding department of the east, 1908—09; chief of staff, U. S. A., July, 1910—April, 1914; commanding department of the east, 1914—1917; later assigned in command southeastern department. Appointed commander of the 89th division, N. A., Camp Funston, Kan., April 1918. Maj. Gen. Wood is a member of the Protestant Episcopalian church.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga tungkuling pang-militar
Sinundan:
John R. Brooke
Gobernador ng militar ng Cuba
1899–1902
Susunod:
none
Sinundan:
J. Franklin Bell
Chief of Staff ng Hukbo ng Estados Unidos
1910–1914
Susunod:
William W. Wotherspoon
Mga tungkuling pampolitika
Sinundan:
Charles Yeater
Gobenador Heneral ng Pilipinas
1921–1927
Susunod:
Eugene Allen Gilmore