Pumunta sa nilalaman

Libing ni Ferdinand Marcos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pagkalibing kay Ferdinand Marcos, isang dating Pangulo ng Pilipinas na namuno bilang isang diktador sa loob ng 14 na taon, [1] [2] [3] ay naganap noong Nobyembre 18, 2016, sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Metro Manila, Philippines. [4] Nahalal si Marcos bilang ika- 10 Pangulo ng Pilipinas noong 1965, ngunit idineklara ang Batas Militar noong 1972 bago matapos ang kanyang pinahintulutang termino sa konstitusyon, at patuloy na humawak sa kapangyarihan hanggang sa kanyang pagkabagsak sa People Power Revolution noong 1986.

Ang paglibing kay Marcos, na namatay noong 1989, sa Libingan ng mga Bayani ay naging kontrobersyal na isyu sa kadahilanan na ang mga tumutol, kabilang na mga dito ang mga biktima sa paglabag sa mga karapatang pantao noong brutal na panahon ng pamumuno ng diktador at mga kalahok sa Rebolusyong EDSA, ay tumutol sa mga pagtangkang pagpalibing. Binabanggit nila ang talamak na katiwalian, pagkakampihan at paboritismo ng kanyang administrasyon; ang pagsasagawa nito ng pagpapatahimik ng mga hindi sumasang-ayon at sumasalungat dito sa pamamagitan ng pag-aresto, pwersahang pagkawala, at pagpapahirap ng pulisya at militar; at ang kilalang kleptokrasiya ng kanyang pamilya at kamag-anak na tinatayang nagkakahalaga ng sampung bilyong dolyar na halaga ng ninakaw na pera na nakakuha kay Ferdinand at sa kanyang asawang si Imelda ng Guinness World Record para sa "The Greatest Theft of a Government". [5] [6] [7] [8] Nahati ang pananaw sa pagkakalibing sa kanya: 50% ng 1,800 na mga tagatugon ng survey na isinagawa ng SWS noong Pebrero 2016 ang nagsabing si Marcos ay "karapat-dapat na ilibing sa Libingan ng mga Bayani" habang ang kalahati naman ay tumutol sa pagkalibing niya bilang isang bayani. [9]

Mayroong nagkasalungat na mga salaysay kung saan gustong libingan ng namatay na si Marcos. Sinabi ni dating Interior Secretary Rafael Alunan III, isa sa mga lumagda sa kasunduan na ilipat ang bangkay ni Marcos mula sa Hawaii patungo sa Pilipinas noong termino ng noo'y Pangulong Fidel V. Ramos, na nais ni Marcos na mailibing sa tabi ng kanyang ina sa kanyang bayan sa Batac, Ilocos Norte, habang ang kanyang asawang si Imelda Marcos ay nagsabi na ang kanyang hiling ay mailibing sa Maynila at iginiit na siya ay karapat-dapat ilibing sa Libingan ng mga Bayani.

Ang mga dating pangulong sina Corazon Aquino and Fidel V. Ramos ay hindi sumang-ayon at tunutulan ang mga pagtangka para mailibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa panahon ng kani-kanilang termino, samantala si dating-pangulong Joseph Estrada ay nagtangka na maMarcos at the Libingan ng mga Bayani but later cancelled the burial. Nagpasya si Pangulong Benigno Aquino III na huwag payagan ang bangkay ni Marcos na mailibing sa sementeryo. [10] Si Rodrigo Duterte, sa panahon ng kampanya at mga debate at pati na rin sa pagkapanalo sa halalan sa pagkapangulo, ay paulit-ulit na iginiit ang kanyang mga plano para sa paglilibing ng mga labi, na sinasabing ang aksyon ay naaayon sa mga umiiral na batas ng Pilipinas, pati na rin ang paggigiit na ilibing. magiging instrumento para sa pagsisimula ng "nation-wide healing" ngunit ang plano ay sinalubong ng kritisismo dahil sa inaakalang historikal na rebisyunismo . Matapos itong maantala noong Setyembre 13, 2016, at muli noong Oktubre 18 sa parehong taon, noong Nobyembre 8, pinahintulutan ng Korte Suprema ang paglilibing kay Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. [11] Ang paglilibing kay Marcos, na may mga parangal sa militar, ay isinagawa sa isang pribadong seremonya noong Nobyembre 18, 2016. [12] Nagbunga ito ng mga protesta sa buong bansa ng mga grupo, sektor, at personalidad na tumututol sa paglilibing kay Marcos sa sementeryo ng estado. [13]

  1. "Filipinos Are Outraged at Attempts to Rehabilitate Marcos".
  2. Roa, Ana (Setyembre 29, 2014). "Regime of Marcoses, cronies, kleptocracy". Philippine Daily Inquirer.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Nick Davies (Mayo 7, 2016). "The $10bn question: what happened to the Marcos millions?". The Guardian.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Late dictator Marcos buried at Libingan ng mga Bayani". ABS-CBN News.
  5. Wurfel, David (1977). "Martial Law in the Philippines: The Methods of Regime Survival". Pacific Affairs. 50 (1): 5–30. doi:10.2307/2756116. ISSN 0030-851X.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Rosenberg, David A. (1974). "Civil Liberties and the Mass Media under Martial Law in the Philippines". Pacific Affairs. 47 (4): 472–484. doi:10.2307/2755948. ISSN 0030-851X.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "The $10bn question: what happened to the Marcos millions?". the Guardian (sa wikang Ingles). 2016-05-07. Nakuha noong 2021-10-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Greatest robbery of a Government". Guinness World Records (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-10-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Is Philippines ready for a state burial for Marcos?". ABS-CBN News. Marso 14, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Mogato, Manny; Mair, John (18 Hunyo 2011). "Philippines rules out hero's burial for dictator Marcos". Reuters (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2022. Nakuha noong 5 Marso 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Supreme Court allows Libingan burial for Marcos". The Philippine Star.
  12. "AFP: We only followed Marcoses' wish to keep burial secret". ABS-CBN News.
  13. "Protesters take to streets to denounce Marcos 'Libingan' burial". CNN Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-11-21. Nakuha noong 2022-07-17.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)